[Leo’s POV]
“Kaya pla. .”
(Episode 15)Anong ginagawa ng mga ‘to dito sa ospital?? Tsaka yung mga mukha nila para silang namatayan. Magang-maga yung mata ni Nadine at Joyce. Samantalang si Rein nakababa ang ulo. Sino kayang inaantay nila? Tsaka bakit napakalungkot ng aura nila. May problema kaya? Teka. .Si Ryna hindi ba nila kasama? Nasaan si Ryna? Bakit hindi nila ito kasama? Hindi kaya. . .
“Hahahahahaha! Bakit hindi man lang ako nagtanong?!! Bakit hindi man lang ako nakiramdam?!!!! Tama si Jay!!! Napaka-manhid mo talaga Leo!!! Bobo!!! Tanga!! Senseless!!! Useless!!!”
(Episode 15) Si Carmelo yun ah. Anong ginagawa nila dito? Kasama din kaya nila sina Nadine? Bakit parang aburido sila? Ano ba talagang nangyayari? Naguguluhan na ako ah. Gusto ko silang tanungin. Pero bakit pa? Baka sabihin nilang feeling close ako. Tsk. .Tsk. .Ang pinagtataka ko lang eh. .bakit hindi nila kasama si Ryna? Bakit kaya?
“Kaya pala. .Kaya pala ganun mga itsura nila ng araw na yun. Hahahaha! Bakit hindi ko agad naisip yun?!! That Ryna was missing!!! Lahat sila halos problemado. .and Ryna was the only one not around during that time!! Hindi ko man lang naisip un?!! Sana nagtanong ako! Sana nakialam din ako!!! Sana. .Pero tapos na. .Wala na siya. .Binigay ko lahat ng oras ko para alagaan si Ate. .Hindi ko man lang naisip si Ryna :( bwisit!!!”
Bigla siyang tumayo. At nagkatinginan kami. Hopeless. Umiiyak siya. At tumakbo papalayo. Anong nangyari dun? She look so pale.
Nung palabas na ako. Nakita ko si Nadine na iyak ng iyak habang pinapatahan siya ng kasama niya. (Ep 14)
Hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila. Pero dama ko na parang may pinagdaraanan si Nadine. Kawawa naman siya. Broken siguro yun.
“Sana tinanong ko na agad si Nadine sa simula palang!!! Pero bakit hindi niya sinabi sa akin noong nagkita kami sa ospital!! Bakit kelangang ipagdamot nila si Ryna sa akin?!!! Ganoon na ba kasama ang tingin nila sa akin?!!!! Minahal ko siya! May pinagsamahan din naman kami! And yes nagsisisisi ako when I broke up with her! Mahal ko pa siya up until now! Pero ang alam ng lahat wala na akong paki sa kanya. Pero kahit na!! They must have told me!!! Pero ni isa sa kanila walang nagsabi sa akin!!!”
(Ep 16) “Jay! Ano ba?!! Bakit ngayon ka lang?!! San ka ba nag-pupupunta?!! Lagi ka nalang wala! Kelangan tayo ni ate ngayon. Tapos ngayon ka lang dadating?! Ano ba naman Jay-Em! Ano bang mga pinagkaka-abalahan mo?! Mas importante ba yan kesa kay Ate? Jay!!! Tulungan mo naman ako oh! Mag-isa kong inaalagaan at pinapalakas ang loob ni Ate Cess! Tapos ikaw anong ginagawa mo?! WALA!!!!”
Kaya pala. .Kaya pala. .for the past weeks palaging lumalabas si Jay at parang may pinagkakaabalahan. Bakit hindi man lang ako nagtaka?! Bakit hindi ako naging aware sa mga bagay-bagay!! Naiinis ako!!!!! Nakakainis!!!
“Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi man lang binanggit ‘to ni Jay sa akin?!! Bakit kelangan nilang solohin ang paghahanap kay Ryna?!!! Kaya ko naman na pagsabayin ang pag-aalaga kay Ate tsaka ang paghahanap kay Ryna! Bakit kelangan nilang itago pa ‘to sa akin?!! I really don’t get it!!!”
(Ep 16)“Wala kang alam! Sana man lang alam mong makiramdam!! Tulong? Hah! Hindi ko kelangan niyan lalo na kung galing sayo!”
“Oo na! Ako na ang manhid at hindi marunong makiramdam!!! Ako na!!!! Pero kasalanan ko ba na ganito ako?!!! Kasalanan ko ba na wala man lang nagbalita sa akin ni isa?!!!! Ako pa ang masama ngayon?!!!”
Kaya pala. .palagi kong naiisip si Ryna. Kaya pala palagi kong siyang inaalala at sobrang alalang-alala ako sa kanya. Pero binalewala ko lang lahat ng dinaramdam ko. :( Binalewala ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Switch Identity (ON-GOING)
RomanceNang dahil sa isang MALAGIM na trahedya magbabago ang lahat sa buhay ni Ryna at Leo. First Love and First Heartbreak nila ang isa't-isa. They were once a perfect couple. Pero wala na silang pakialam sa isa't-isa ngayon. Paano kung isang araw magisi...