EP15: First Love really never DIES. :(

98 3 0
                                    

Episode 15:

LEO’S POV

 3 days later. .

“Doc kamusta na po si ate? Ano na pong resulta? Kakayanin po ba niya ung operation?”

“Good News Iho. Nahandle niya lahat ng tests and she’s positive to have her operation by Monday.”

“Po?!! Talaga po?!!! Sabi sa inyo Doc eh, kakayanin ni Ate lahat :)))))!”

“Leo, wag muna tayong makasiguro. May tendency na bumigay ang puso niya during the operation”

Sa sinabi ni Doc Nathaniel, agad akong nanlumo.  Think Positive Leo. Kaya yan ni Ate. Hindi siya papalya. I trust her.

**** 

[ Nadine’s POV ]

**A/N: Ayan may POV na si Nadine Navarro :) Hehe. .(See picture of her sa right side). TRUE FRIEND siya ni Ryna. At the same time Ex girlfriend siya ni Jay-em. 

“Nurse may naadmit po bang Ryna Senteno dito sa ospital?”

“Ai wait lang po ichecheck ko lang po ha.”

Mangiyak-ngiyak na kami ni Rein at Joyce. Lord sana meron po. Sana may nakahanap kay Ate Ryna at pinunta dito.

“Nadine. 8 days na tayong naghahanap, wala pa din tayong mahagilap na balita o kahit man lang katawan ni Ryna. T____T” malungkot na sabi ni Rein.

“So anong sinasabi mo?!! Sumuko na tayo?!! Kasalanan mo ‘to eh! Pinalabas mo siya sa bahay nila?!! Kung hindi mo sana tinawag si ate Ryna sa labas e di sana hindi mangyayari lahat ng ‘to!!!” akmang sasampalin ko na sana si Rein pero pinigilan ako ni Joyce.

“Nadine stop! Mag-aaway nanaman ba kayo?!! Nadine walang may gusto ng mga nangyari. Kaya please wag mong sisihin si Rein. Lahat tayo may kasalanan dito.Hindi natin nasalba si Ate Ryna.  Kaya imbis na magsisihan at mag-away tayo, dapat nagtutulungan tayo para mahanap si Ryna! =(“

“Nadine patawarin mo ako. I didn’t mean to. Hindi ko naman alam na yung narinig namin na kakaibang tunog  eh rumaragasang baha na pala =(. Nadine, kung wala na talaga si Ate Ryna, magpaparamdam siya sa atin.”

Nananahimik nalang ako. May kasalanan din naman kasi ako. Hindi namin nailigtas si Ate. Mas inuna namin ang mga sarili namin. =(

“Excuse me Ma’am. Sorry po wala pong naadmit na Ryna Senteno dito.”

“Ahh. .Miss eto po siya oh.” Pinakita ko ung picture ni Ryna.

“Pasensya na po Mam. Wala talaga Mam eh. Baka sa ibang ospital po siya naadmit.”

Napayuko kaming lahat. “Cge po Miss, salamat nalang po.”

“Ilang ospital na ba ang napuntahan natin? Nagparadyo at nagbigay na din tayo ng mga flyers. T_______T. Nasaan ka na ba ate Ryna?!!!! Magpakita ka naman na oh. Please lang.” Napaupo si joyce sa may waiting area malapit sa nurse station at umiyak.

“Joyce, hindi tama na sumuko tayo. May iba pang paraan. Makikita pa natin si Ate. =(“

“Tahan na Joyce. Walang manyayari kung iiyak lang tayo.”

“Pero madami akong naiisip. Paano kapag nasa masamang mga tao si Ate Ryna? Paano kapag nasa dagat nap ala yung katawan niya? Paano kung napadpad siya sa Mindanao? Baka linapa na siya ng mga pating. Baka walang siyang mapuntahan at humihingi siya ng tulong. .Kawawa naman si Ate Ryna. T_______T”

Switch Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon