EP20: Ang akin ay akin lang!

61 2 0
                                    

Rein's POV

Rein Navarro here! Rein for short. This will be my first Point of view here. Sister ako ni Nadine, actually may mga nagsasabi na kambal daw kami pero hindi, one year lang ang gap namin. Mas nauna akong lumabas sa kanya, pero mas mukha siyang mature sa kin. Anyare?! Oh well, let me introduce myself, I’m already 18, taking up BS Tourism, my favorite quotation “Ang akin ay dapat akin lamang!”

“Kaibigan?! Kahit kelan never kong itinuring kaibigan si Ryna! ”

Ang ayoko sa lahat iyong nasasapawan ako. I met Ate Ryna nung lumipat kami sa Martinez’ Subdivision. Actually si Nadine talaga ang nagpakilala kay Ryna sa akin, napaka-friendly kasi ng kapatid ko, sabi niya mukha daw friendly si Ryna, oo mukha nga. .Sa umpisa lang pala. .

Akala ko talaga mapakikisamahan ko si Ryna, akala ko magjajive kami ng ugali, pero hindi! Lahat ng dapat na sa akin, eh na sa kanya. Lahat ng pangarap ko na sa kanya.

Siya na ang maganda, matalino, mabait, mayaman, though mayaman naman kami pero mas nakakahigit sila., siya na ang nag-aaral sa exclusive school, exclusive din naman school ko pero inuulit ko mas exclusive ang school niya. Siya na ang maputi at makinis, pinangarap kong maging maputi at kutis mala-artista pero kahit anong sabon ang gamitin ko wala pa rin!! Siya na ang madaming kaibigan, siya na ang gusto ng lahat, siya na ang maraming fans, siya na ang liniligawan ng lahat, siya na ang pinag-titinginan ng lahat. Siya na ang talented. Sige Ryna ikaw na!!!

Bagay na bagay nga sayo ang kantang “Na sa iyo na ang lahat” ni Daniel Padilla! Tss. .

Nakaka-irita na! Nakakainggit! Insecure na kung insecure! Okay na sana kung lahat eh na sa kanya na. .okay na sana eh. .50% palang na kumukulo ang dugo ko sa kanya. .ang hindi ko lang matanggap eh bakit sa dinami dami ng lalakeng mamahalin niya, eh ang pinaka-unang lalaking minahal ko! Ganito ba kalupit ang tadhana namin?!

Si Leo ang pinaka-unang lalaking minahal ko. Mas una ko siyang nakilala kesa sa pagkakakilala ni Ryna sa kanya. Schoolmates kami ni Leo noong highschool though higher year siya. Naattract na ako ng sobra sa kanya. Napaka-gwapo niya, super friendly, matalino pa! varsity pa siya ng basketball team, and he often sing during foundation day. Palagi din siyang dumadaan sa lugar naming tuwing papasok siya sa school at tuwing uuwi. Minsan nga nagkakasabay kami sa jeep papunta at pauwi galing school, and he often smiles at me. Grabe napakacute niya!!!!

Pareho kami ng sinalihang club siyempre kung nasaan siya dapat nandun din ako. That’s why nakilala niya ako at mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya.

Let’s say secret admirer niya ako, which is true. Lahat ginawa ko para mapansin niya ako. Effort kung effort para lang magustuhan niya ako. Grabe ang hirap ko, para lang maging close kami at para magustuhan din niya ako. .pero lahat ng effort ko hindi nagpave way! It’s all because of that freaking Ryna!!

Until this day came. .

"ATTTTEEE RRRYYYNNAAA!!!" 

"Uyy. .Ate sorry ha. .nakatulog kasi si Nadine. .Ang hirap gisingin!! 

"Mga panira ng moment. .”

"Hah? anong sabi mo Ate??"

"Wala! Ang aga niyo sabi ko!! Tsk! >.<"

"Sorry na Ate. .Ah. .eh. .oh. .Si Leo naman pala.."

Gulat na gulat ako sa nasaksihan ko. .Leo and Ryna already met. Eto ang iniiwasan kong insidente eh! Ang magkatagpo silang dalawa! Dahil alam ko. .alam kong mahuhulog agad ang loob ni Leo kay Ryna :( at wala akong kalaban laban kay Ryna. Ibang iba ang mga ngiti ni Leo nung nagkatagpo sila ni Ryna. Ngayon ko lang nakita ang mga ngiting iyon. And that day sobra akong nasaktan.

"Rein, you know him?"

Oo Ryna kilalang-kilala ko siya! At mas nauna ko siyang nakilala kaysa sa iyo!

"Ahhh. .Schoolmates kami Ate. .Pero higher year siya. ."

"Aaahhh. .Kaya pala. ."

"Oh. .magkakilala kayo Ate? Kayo ha. .May linilihim kayo ha. .Ayeeee. ."   sabi ni Joyce.

"No, we just met right now :)"   sabi ni Leo.

"Hah? Paano???!!!!!" 

"Mga chismosa!! Hahahaha. .Long Story. ."

"EKSAHERADA!!!!"  

"Oh, Ryna. .Papasok na ko sa loob. .Bka hinahanap na kasi ako ni lola eh. . :)”

"Aaaahh. ..Oh sige. .Nice meeting you Leo. .Bye. .”

"I'm looking forward to see you again here :">. .Byeee Ryna. ."  

Grabe ganyan ka na ba kalandi Ryna?!! Nakakainis!!! Bakit kelangan si Ryna pa! Bakit hindi nalang ako?!! Ang sakit sobrang sakit!!! Pangarap kong makausap si Leo na kaming dalawa lang at iyong sobrang tagal ba na pag-uusap na may halong ngiti sa amin! Pero anong nangyari?! Bakit kay Ryna napunta iyon?!! Kay Ryna nanaman?!!! Bwisit! Kakakilala palang nila parang may something na?!! Walang kaeffort effort?!!! Damn!

"Uyyy!! Ate!! Nainlove ka na ata ha. .Ayeee. .Ang puso baka malaglag!" 

Sinabi ko iyan sa kanya pero deep inside gusto ko siyang sampalin. Gusto kong sabihin sa kanya na nakakainis siya! Na lahat nalang ng gusto ko napupunta sa kanya! Lahat nalang!!! Gusto kong sabihin na napaka-landi niya!! Na huwag na huwag niyang tangkahing agawin si Leo sa akin!!! Ryna nasasaktan ako!!! Please lang huwag kang mahulog sa kanya!!

"Oo. .love na ata 'to mga girls. .Hahahaha! Tara uwi na tayo! Hahahaha"

Teka. .Love?! Mahal na niya si Leo?!!! Agad-agad?!!!! No! Hindi ‘to pwede!! Hindi!!!!!!

Eto pa ang masakit. .Noong malaman ni Leo na kilala ko si Ryna. .Kinuha niya number neto sa akin :(. .Siyempre sinabi ko hindi ko alam pero nagmakaawa siya. .siyempre hindi ko pa din binigay. .ano ako tanga?! Pero gulat na gulat nalang ako nung sinabi ni Ryna sa akin na katext na niya si Leo. Pero papaano?!! Leche. .binigay pala ni Nadine!! Gggrrrr. .

“Nadine bakit mo binigay number ni Ryna kay Leo?!”

“Ano naman ang masama dun Rein? Nagseselos ka ba? Gusto mo ba si Kuya Leo?”

“Hah? Anong pinagsasabi mo?! Hindi ko siya gusto noh!”

“Eh bakit nga ganyan ka makareact? Sabi ni Leo wala ka daw number ni Ate Ryna. .eh di ba meron?. .Kelangan magsinungaling Rein?”

“Pinoprotektahan ko lang si Ate Ryna. Malay mo lolokohin lang pala siya ni Leo.”

“Let Ate Ryna be happy. .Kung para sila sa isa’t-isa let it be. .Wag na tayong makialam okay? Suportahan nalang natin sila. Waaaaaaa. .kinikilig ako kung sakaling maging sila. .Bagay na bagay! Perfect!!”

Wow Nadine! Todo support lang?!! Pwes ako I object! Hindi pwedeng mahulog ang loob nila sa isa’t-isa. .Hindi pwede!!!! Pero I was too late to stop their feelings. :(

“Oh Leo. .Sino inaantay mo?”

“Obvious ba Ryna? Siyempre ikaw. .tara sabay na tayo pasok. .”

“Okay ka lang Leo? Magkaiba way papunta sa mga school natin. .Baka malate ka nyan. .”

“Tara na Ryna. .Wala akong paki kung malate ako. .I just want to assure na safe kang makakarating sa school niyo”

“Pero Leo. .”

“Wala ng pero pero. .Let’s go. .”

Araw-araw kong nakikita si Leo sa tapat ng gate nina Ryna. T_T Araw-araw ko silang nakikitang magkasama. Umaga, Hapon, Gabi. .Sila nalang lagi ang magkasama! They look so happy and sweet together. Tama nga si Nadine bagay na bagay sila. T__T. .Nagseselos ako!! Tama na please! Sobrang sakit na! Dapat ako ang nasa lugar ni Ryna ngayon. Dapat ako ang kasa-kasama ni Leo lagi. Dapat ako eh! Pero anong nangyari?! Ako ang nag-effort ng todo! Eh si Ryna nag-effort ba?!! Oo siguro. .pero hindi tulad nung sa akin! T___T

I hate you so much Ryna!!! I hate you!!!!!!

*To be continued*

Switch Identity (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon