"What if.. hindi pala ako ang ate niyo? Paano kung ibang tao pala ako. What would you do??"
**
Paano nga kaya kung ang babaeng kaharap ko ngayon ay hindi ang aming Ate?Paano kung hindi siya si Ate Cess?
Paano kung nagkamali kami ni Jay nung araw na makita namin siya?
Paano kung ibang tao ang nakuha namin noong araw na yun? Si Ate Cess naman oh! Ang dami nanaman niyang naiisip na kung ano ano. Pati ba naman sarili niyang identity pagdududahan niya? 😫
Haaaayst! Naguguluhan nanaman ako! Kalma lang Leo! Kalma! Siya si Ate Princess. Siyang siya! At yung necklace ang tanging palatandaan na siya si Ate Cess.
"Kung ano ano nanaman naiisip mo Ate Cess. Nagiging nega ka nanaman. Siyempre naman, ikaw si Cess. Ang nag iisa naming ate, wala ng iba. Huwag ka na ngang mag isip ng kung ano ano diyan baka mastress ka nanaman sa kakaoverthink."
"Eeee naman Leo.. Paano nga lang kung bumalik lahat ng alaala ko tapos hindi pala ako ang ate niyo??"
"Ate Cess. Wala ng masyadong madaming tanong. Ikaw na ikaw yan. Siguradong sigurado kami."
Wait, Sigurado nga ba ako?
To be honest, sometimes I'm having doubts. Paano ba naman..Everyday it gets weirder and weirder and weirder. Sobrang weird! Ang daming nagbago kay Cess eversince na nagkaamnesia siya.
Her voice changed a lot.
Sabi naman ng doktor epekto lang daw yun ng surgery at ng pagkakaroon niya ng amnesia. Noong una nakakapanibago talaga. Sobrang nag iba yung boses niya. 101%. Naging sobrang sweet na malambing na malumanay. Before kasi medyo may pag kaastig na boyish boses ni Ate. Kaya sobrang nakakapanibago. And everytime na naririnig ko siyang magsalita I was always wondering. I felt like narinig ko na yung boses niya before! I don't know when or where. Weird di ba?
Also, The way she dresses.
Bago magkaroon ng amnesia si Ate Cess. Simple lang yang manamit. Gusto niya yung mga hindi fitted na damit. Mas prefer niya ang pants kaysa dress and shorts. But! Ibahin niyo siya ngayon! Sus! nagpabili ng mga dress, shorts, hand bags and accessories dahil ayaw daw niya yung mga luma niyang damit at stuffs sa closet niya.
Kaya yung Cess na super plain noon. Aba! Girl na girl na ngayon kaya sobrang nakakapanibago talaga!
Her food preference also changed!
Picky kasi sa food si Ate Cess before. But now! Sobra kung kumaen! Lahat na ata masarap para sa kanya. Hindi na siya maarte sa pagkain! Lahat ng ayaw niya noon, kinakaen na niya ngayon! Mantakin niyo yun? Grabe naman ang epekto ng amnesia sa kanya! Lahat nagbago! Nakakapanibago! And she's a good cook now! Sobra ng galing magluto ni Ate! Iba ibang dishes na hindi namin alam kung saan niya natutunan.
At eto naman ang napansin ko ngayon. Marunong daw siyang kumanta?!!!! Nahihibang na ba si Ate???? She can't sing! Like seriously??? Sintonado siya! She can play the guitar pero ang kumanta no! No! No! She's claiming that she could sing! Weird!!!
"What's your proof? Yung necklace? Palagi mo nalang binabanggit sa akin yan Leo. Yung necklace lang talaga? Eh papano pag may kapareho pala ako nun? Napakaone of a kind naman ng kwintas na sinasabi mo."
Tama siya. Ang tanging palatandaan lang naman before is yung necklace. Kaya siguradong sigurado nga ako na siya si Cess. Kaya hindi na ako naghanap ng iba pang palatandaan.
BINABASA MO ANG
Switch Identity (ON-GOING)
RomanceNang dahil sa isang MALAGIM na trahedya magbabago ang lahat sa buhay ni Ryna at Leo. First Love and First Heartbreak nila ang isa't-isa. They were once a perfect couple. Pero wala na silang pakialam sa isa't-isa ngayon. Paano kung isang araw magisi...