Hindi ako napaparanoid, nababaliw, nabibingi or whatsoever. It was really my sister's voice! Rinig na rinig ko! Galing sa bibig nya mismo! She was singing in tune. Her voice was so angelic and napaka perfect. Alam niyo yung mga kumakanta sa choir? Ganun na ganun!
And I was really so shocked kasi hindi naman talaga magaling kumanta si Ate Cess. Sa 17 years na existence ko sa planetang ito, this was my first time that I heard her sing like that! Nakakagulat! As in! Napanganga ako! Epekto ba 'to ng pagkakaroon niya ng amnesia?! WTH!
"Hah?? Familiar voice???"
Familiar voice. Yes it is. I once heard that voice before pero hindi ko maalala kung kanino o kung san ko narinig! I kept on recalling my mind kung kanino ko na narinig yung boses na yun! Kung sa radyo ba, sa school, sa facebook, youtube. Aaargh!!! I can't remember!
"Hoy Jay! Tulaley much?! Kaboses ko siguro si Moira ano? Or si Jona? O baka si Yeng Constantino! Hahaha! Sabi sayo eh! Singer kaya 'to! Bwahahaha"
Ghaaaad! Hindi ko talaga maalala! Urrrggh!
"A--eh-- teka Ate how come????"
"Anong how come?? Aminin mo na kasing mala diva tong boses ko! Haha"
"Eh kasi hindi ka naman ganyan kumanta noon! Kaya how come?!!"
"Aba malay! Constant practice lang eto Jay! Basta I love my voice! Hihihi"
I need to hear her voice again. I need to confirm kung kaninong boses ko ba narinig yun!
"Eh baka tsamba mo lang yung kanina ate. Hahaha. I wanted to hear your voice again. Pleaseeee big sister. One last request"
"Uyyy naenjoy niya boses ko! Hahaha. Ikaw naman kasi hindi mo ako pinapatapos eh. Oh siya eto na, bagong kanta naman. Huwag mo akong ididistract ha 😂"
"Oo na Ate. Dali na. Naeexcite ako eh"
Ayan na. I need to listen to her voice carefully.
Jay alalahanin mo kung kaninong boses sila magkapareho. I need to!!Ate Cess was about to sing pero biglang...
*ding--dong*
"Oh Jay may bisita ka ata"
It was Jenny.
My Girlfriend."Aahh si Jenny. Nalimot ko. May dinner date pala kami mayang 7pm. Masyado na akong naamaze sa boses mo Ate Cess. Hehe"
"Oops! So pano ba yan Jay. Hahahaha. Bitin mode muna. I guess we can do this some other time. Papasukin mo na muna si Jenny. "
"Alright Captain Cess! It's a wrap! Hahaha hindi ka naman mawawala di ba? Nandito ka lang sa bahay lagi. Hihi"
"Oo naman Jay. Hindi ako mawawala.."
Nagkatinginan kami ni Ate Cess sa mata. It was a meaningful eye contact. Almost 5 secs.
"Ummm. I mean. Oo. Nandito lang ako palagi. You can hear me sing anytime. Haha lalo na sa room when I'm bored. Hihihi. Masyado ka na yatang namesmerized sa boses ko. Huwag ka! Pang The Voice Teens 'to!"
"Hahahaha teens?! Ate 22 ka na! Matanda ka na! Hahahaha"
"Umalis ka na nga sa harapan ko! Panira ng moment! Hahaha"
"Sige bye Ate!!!!! See you later kung gising ka pa!!"
"Hoy!!!! Di ka na magpapalit?! Akala ko ba papapasukin mo muna si Jenny?!!!"
BINABASA MO ANG
Switch Identity (ON-GOING)
RomanceNang dahil sa isang MALAGIM na trahedya magbabago ang lahat sa buhay ni Ryna at Leo. First Love and First Heartbreak nila ang isa't-isa. They were once a perfect couple. Pero wala na silang pakialam sa isa't-isa ngayon. Paano kung isang araw magisi...