Nakita ko syang umiiyak..Anong side ng personality nya ang nakita ko kanina?
Hindi kaya yun ang kapatid nya? May sakit ang kapatid nya at mukhang malala pa?
Hindi kaya yun ang rason bakit ganun ang ugali nya sa school?
At bakit nag iiba ang mood nya kapag nabanggit ang pamilya nya?Napakadaming tanong sa isipan ko. Sa nakita ko. Yun talaga ang personality nya.
Nag guilty tuloy ako dahil hinuhusgahan namin sya. Ayun pala mas matindi ang pinagdadaanan nya sa inaakala ko.
Ngayon medyo naiintindihan ko na.Naglakad ako pauwi na tuliro ang isip. Nakita ko ang itsura ng batang babae kanina. Mga nasa age 13-14 lang sya. Mas matanda lang sa kanya si Allen ng 2 years. Naisip ko kung sa akin nangyayari yun.. Makakaya ko pa ba mabuhay? Walang mga magulang. May sakit pa ang kapatid at tingin ko wala naman syang ganun kaibigan. Una dahil sa ugali nya, pangalawa sa mga nakakalaban nya sa korte. Magaling sya sa pagiging abogado pero madami syang nakakaalitan dahil dun. Ano pa bang natitira sa kanya?
Huh!
Hindi ko namalayan tumulo ang luha ko. Pinunasan ko kaagad yun.
"Ano ba yan! Huh?
Nasa tapat na pala ako ng gate ng bahay namin hindi ko napansin.
"Sasabihin ko ba kina Mama?"tanong ko sa sarili ko bago ako pumasok ng gate.
Naisip ko wag muna si Vlad nalang ang kusang magsabi.
Binuksan ko ang gate namin at pumasok na ako.----
Meanwhile sa ospital..
"Vlad..
Tawag ng isang babae. Nakita nya si Vlad na nakaupo sa gilid ng emergency room. Nakayuko ito at hawak ang towel ng kapatid. Hinawakan nya ito sa balikat.
"Huh?
Inangat ni Vlad bahagya ang ulo nya para makita ang babae.
"Ninang?
"Vlad.. Magpahinga kana. Magdamag kana dito.
Umiling si Vlad.
"Si Veena.. Inatake nanaman.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Nahihirapan na ako!
Namuo ang luha sa mga mata nya. Hindi maiwasan ng Ninang nya na maluha din. Hinagod nya ang likod ni Vlad habang nakaupo sya sa tabi nito.
"Ako din naman nahihirapan na din. Nakikita ko sya na nagpapakatatag na mabuhay para sayo.
"Bakit kasi sya pa! Pwede naman ako nalang!
"Anak, hindi naman natin maiiwasan ang ganyan problema sa buhay. Hindi ikaw ang binigyan ng karamdaman dahil may iba ka pang misyon.
"Pero si Veena.. Masyado pa syang bata. Madami pa syang pwedeng gawin sa buhay nya. Ako.. Walang may kailangan sa akin. Galit lahat ng tao sa akin.
Nakita ng matanda ang galit at sama ng loob sa mukha ni Vlad. Hindi nya maitatanggi na nahihirapan na ang inaanak nya.
"Hayaan mo. Malalagpasan nyo din tong magkapatid. Wag ka mawalan ng pananalig.
Yumuko ulit si Vlad. Hinawakan nyang mahigpit ang towel ng kapatid.
----
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...