Chapter 68

26.7K 567 42
                                    




Matapos ang pasko. Umuwi kami sa Manila mga 28 na. Medyo napasarap pagbabakasyon namin. Tsaka di na rin kami pwede magtagal at si Vlad may trabaho.
Ilan araw din kaming walang kontak simula nung umuwi kami galing Cavite. Naging busy ata sya sa mga paperworks nya. Kaya hindi ko na muna sya kinulit.

Nangako naman sya na sa New Year magkasama kami.
At dahil may pasok na din ako sa OJT ko. Pumasok ako ng 30 para makapagreport. Ayaw ko umabsent dahil lang sa mga kakilala ni Vlad ang may ari nun.

"Goodmorning Aly!" bati sa akin ni Mam Sheila ang head ng Accounting Dept.

"Goodmorning po. Eto na po pala yun mga reports na hindi ko natapos. Pasenya na po Mam. Na-delay. "sabi ko pagkaupo ko sa upuan sa loob ng office nya.

"Its okay. Vlad told me that you're in Cavite.

Ngumiti ako. Matapos nyang marevised ang mga gawa ko. Lumabas na din ako. Bumalik na ako sa cubicle namin.

After New Year for sure magiging busy na din ako. Syempre ilan buwan nalang graduate na ako. Hayss- Parang kelan lang..

Napasandal ako sa upuan ko habang hindi ko maiwasan matawa. Hinawakan ko ang kwintas na bigay ni Vlad.

"Hays- Namimiss ko na sya.

Nagulat ako ng may makapa ako sa likuran ng pendant.

"Ano to'?

Akala ko sa harap lang may nakaukit pati sa likod? Hinubad ko ang kwintas at tinignan mabuti ang naka ukit sa likuran ng pendant.

"Uhh-- August 8 2000?

Nagtaka ako. Ano yun date na yun?

"Itext ko kaya si Vlad? Ano ba to'?

Napaisip ako mabuti. Ano yun date na yun! Ano yun!
Napakamot nalang ako sa ulo ko.

----

Halfday lang kami sa work kaya 1pm nakapag out na ako. Magkikita kami ni Drake sa mall at alam nyo na. Magbabonding kami magbestfriend. Ang tagal ko din sya hindi nakamusta. Namimiss ko na din sina Jelly at Yanie.

"Uy!" tawag sa akin ni Drake ng makita nya ako nakatayo sa harap ng Jollibee.

Inakbayan nya agad ako.

"Ang tagal mo ha." hinampas ko sa balikat si Drake at tinawanan lang ako.

Naglakad lakad kami paikot ng mall.

"Oh wow! Naka kwintas kana pala ngayon!" biglang bati ni Drake nang makita ang kwintas na suot ko.

"Oo bigay ni Vlad nung pasko."hinawakan ko ang kwintas ko.

"Bagay sayo!" Nakangiti si Drake.

"Hmm- Nga pala, may naka ukit dito ang weird nga eh.

Nagtaka si Drake. "Naka ukit?

Tumango ako. Hinubad ko sandali ang kwintas ko. At pinakita kay Drake ang nakita kong petsa sa kwintas.

"August 8 2000?

"Oo. Nakita ko yan date na yan dito. Ano kaya yun sa tingin mo?

Napahawak si Drake sa pisngi nya. At nag isip.

"Ang labo kung 2000 kayo nagkakilala no?" biglang tawa nya.

"Nagkakilala?

"Oo. Alam ko pag may ganyan mga petsa sa lacket it means petsa ng pagkakakilala nyo.? Tama ba yun?

Mas lalo ako nalito.

"Ano ka ba Drake! 2000? Halos 7 years old lang ako nun eh.

Natawa si Drake at napakamot sa ulo.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon