Friday na.Hindi ko alam kung maeexcited ako kasi kasama ko si Vlad. Napagkasunduan namin na pumunta ng Cavite.
Doon na din kami magpapalipas ng weekends. Si Allen iniwan ko sa bahay dahil hindi talaga sya makakasama at may exams sya ng friday. Si Veena naman, gusto din namin isama pero hindi kami pinayagan ng doctor nya. Ang naiwan nalang na magbabantay sa kanya is yun Ninang nila.Maaga kami bumyahe ni Vlad. Nagkita kami sa bahay around 5AM. Nagdala lang ako ng ilan damit at ganun din sya. Naeexcited ako at makikita ko si Lolo at the same time makikilala ng mga relatives ko sa side ni Mama si Vlad. Oha! Eto na po ang future husbie ko!!
"Are you okay love?" tanong sa akin ni Vlad ng mapansin nyang natatawa ako. Mukha nanaman akong timang.
"Ah oo. Masaya lang ako."sagot ko at nahiya ako bigla. Binalikan nya ako ng ngiti.
On the way to Cavite na kami. Nagtext na din ako kay Mama na salubungin kami sa bahay ni Lolo kung andun na sila.
Tahimik lang kami ni Vlad sa loob ng sasakyan. Hindi naman ako sanay kaya nag open ako ng topic about kina Yanie at Sir Aries.
"Love? Nagkausap na kayo ni Sir Aries?"tanong ko habang kumakain ako ng binili nyang waffles.
"Yeah. Yesterday."sagot nya habang nasa kalsada ang tingin nya.
"Anong sabi?
"Umm- he wants us to protect them I mean they're relationship. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Aries. Ang sabi nya if mabuko man sila hindi ako pagsususpetsahan.
"Ha?
"Because the board trusted me. Of all the professors in that school ako lang ang hindi malapit sa mga estudyante. So paano daw ako pagsususpetsahan.
Napaisip ako. Tama naman si Sir Aries.
"But still. Hindi man ako pagsuspetsahan. Iingatan ko pa din ang relasyon natin. Magtatapos kana sa next year. Ayoko maudlot yun.
Napangiti ako sa sinabi nya. Ako pa din at ang kapakanan ko ang iniisip nya. How sweet!! Halikan ko to!
Ilan oras na tumagal ang byahe namin halos mga 3 hours ata. Nakaidlip na ako sa sasakyan at hindi ko namalayan nasa Cavite na pala kami. Nagising nalang ako ng huminto ang sasakyan at lumabas si Vlad para mag cr. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng Tagaytay. Malapit na kami sa amin.
Nakita kong pabalik na si Vlad sa sasakyan.
"Gising kana pala?" Hinawakan nya ko sa pisngi at ngumiti.
Nakakainlove ka alam mo ba yun!!
"Tagaytay na to diba?" tanong ko sa kanya.
Tumango sya.
"Ituro mo na yun daan." he said.
"Oo. Lalagpasan lang natin yun Picnic Grove. Then ituturo ko na yun daan.
Inistart nya na ang sasakyan at nagdrive na sya. Nakaupo lang ako at hinihintay ang text ni Mama.
Maya maya nagvibrated na ito at nareceive ko ang text ni Mama.Sms from: Mama
Sa bahay kana dumiretso anak. Kakauwi lang namin sa Lolo mo. Hinihintay ka nya.
Natuwa ako sa text ni Mama. Okay na si Lolo. Hindi na ako kakabahan pa.
Dumaan kami sa Picnic Grove. Simula dun tinuro ko na kay Vlad ang mga dapat likuan at ang barangay na pupuntahan namin. Medyo looban kasi yun barangay namin halos mabundok na sa amin at puno ng taniman ng pinya. Kaya nga masaya ako pag nagbabakasyon kina Lolo dahil nagtatanim kami ng pinya at may mga masasayang fiesta. Na hindi ko na nararanasan pa sa syudad.
"Barangay Sta. Ana.." nabasa ni Vlad ang arko na pinasukan ng kotse.
"Pamilyar sa akin ang lugar na to.." naibulong nya pero narinig ko at nagtaka ako. Pamilyar sya?
"Vlad?
"Pamilyar sa akin eh.. Hindi ko lang matandaan.
Nagulat ako. Hindi ko alam ang tinutukoy ni Vlad pero parang sigurado sya sa sarili nya na nakarating na sya dun.
Sa Purok 4 ang bahay ni Lolo. Kilalang kilala si Lolo sa lugar namin dahil matagal syang naging Kapitan sa Barangay. At syempre mabait din napaka palabiro pa.
"Ang Mama mo ba yun?" tanong sa akin ni Vlad ng maaninag namin ang isang babae na nakatayo sa may tabing kalsada.
"Oo ayan nga.
Pinahinto ko kay Vlad ang kotse at lumabas ako. Tinawag ko si Mama na naghihintay na pala sa amin.
Inutusan ni Mama si Vlad na iparada ang kotse nito sa loob. Pagkaparada nya ng sasakyan. Pinababa na sya ni Mama.
"Salamat Vlad at sinamahan mo si Aly na umuwi dito.
"Wala po yun."ngumiti lang si Vlad kay Mama.
"Ateng!!!
Nagulat ako sa narinig ko. Kilala ko ang boses na yun. Boses ni Tita Lucia yun. Kapatid ni Mama.
"Naku Ateng!! Sino itong gwapong lalake na to na kasama ng anak mo? Ay ang yummy ha~
Hindi ko maiwasan matawa at si Vlad naman halos mamula mula na ang pisngi. Kasing ugali ko si Tita Lucia. Complete difference kasi sila ni Mama. Kung si Mama tahimik at mahinhin ay naku po si Tita Lucia naman naku po! Wag nyo ng alamin!
"Boyfriend ni Aly." sagot ni Mama kay Tita.
"Ay hindi nga! Napakaswerte naman nitong pamangkin ko. Hindi maikakaila same kami ng taste.
Natawa ako. Hinawakan ako sa braso ni Tita Lucia. Inaya nila kami na umakyat sa itaas at kanina pa naghihintay si Lolo.
Nakasunod lang sa amin si Vlad na ayun hiyang hiya pa din. Halos lahat ng taga barangay nakatingin kasi sa kanya.Umakyat kami. Walang gaanong tao sa bahay ni Lolo dahil ang mga pinsan ko nagsipasukan. Si Papa naman nasa taniman ng pinya, kasama ang ibang kapatid ni Mama. 9 na magkakapatid sila Mama kaya malaki ang angkan namin sa side nya hindi katulad kay Papa. Only child lang sya.
Dumiretso kami sa kwarto ni Lolo. Ibinaba ni Vlad ang mga gamit namin sa sala.
"Pumasok na kayo.." utos sa amin ni Mama.
Pumasok kami sa loob at nakita namin nakahiga si Lolo. Halatang hinihintay nga nya ako.
Nilapitan ko sya.
"Lolo.
Nagulat si Lolo ng marinig ang boses ko. Nilingon nya agad ako at ngumiti sya.
"Alicia.. " inalalayan ko sya para bumangon.
Sa totoo lang ang sabi nila Mama kaya gustong gusto ako ni Lolo ay dahil kamukhang kamukha ko daw si Mama nung kabataan nya. At si Mama kasi nung bata pa sya ang pinaka naghawig kay Lola. Kaya yun gustong gusto ako ni Lolo. Medyo nakakatawa pero totoo.
"Huh?" napansin ni Lolo si Vlad na nakatayo sa tabi ko.
"Vicente? Paanong!" gulat na sabi ni Lolo ng makita nya si Vlad.
Nagulat kaming dalawa ni Vlad.
"Lolo?
"Vicente ikaw nga!!
Vicente? Diba pangalan ng tatay ni Vlad yun??
----
Enjoy reading and please vote :)
Thank you 😗See Chapter 21 para makilala nyo si Vicente.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...