Sa faculty ng Commerce Building:Nasa loob si Vlad kasama sina Aries at Cathy.
Nakaupo si Vlad at may ginagawa habang ang dalawa kumakain na ng tanghalian."Hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Aries kay Vlad.
Umiling lang si Vlad. Tuloy tuloy sya sa ginagawa nyang report.
"Hindi na talaga magbabago yan si Vlad no?" bulong ni Cathy kay Aries habang kumakain sila.
"Ewan ko. Wag naman sana."binalikan ni Aries ng tingin si Vlad. Nag aalala sa kaibigan.
"Ngayon nga pala start ng enrollment no?"pag iba ng topic ni Cathy.
"Oo nga eh. Ang daming papasok na first years. Naku. Lagot yan kay Vlad! "patawang sabi ni Aries. Natawa namin si Cathy.
RRRRRIIING!
Nagulat si Vlad nang magvibrate ang phone nya. May tumatawag. Sinagot nya iyun. Nakatingin lang sa kanya ang dalawa habang may kinakausap sya sa telepono.
"Ano!"biglang sigaw ni Vlad na ikinagulat nang dalawa.
"Vlad? Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Aries.
Inilagay agad ni Vlad ang phone nya sa bulsa at nagmadaling kuhanin ang mga gamit.
"Anong nangyayri!" pigil sa kanya ni Aries pagkahawak nya sa braso nito.
"Veena. Inatake nanaman sya!" said Vlad na namumutla na.
"Ha! Kaya mo ba? Hindi ka pa kumakain Vlad at natutulog! Then magdadrive ka!" tanong ni Aries.
"My sister needs me. I need to go!" tinanggal nya ang kamay ni Aries sa braso nya at agad lumabas ng kwarto.
Naiwan ang dalawang professor at nag aalala kay Vlad."Dyos ko. Inatake nanaman si Veena." alalang sabi ni Cathy.
Nagmadaling bumaba si Vlad ng 3rd floor. May mga nababangga sya pero hindi nya ito mga pinapansin.
Sa kabilang parking lot nya ipinarada ang kotse nya kaya kailangan nyang tumakbo patawid bago makarating dun. Medyo nahihilo na din sya habang tumatakbo.
Paglabas nya ng building dire diretso sya sa paglalakad.
Biglang bumusina ang isang sasakyan padating. Hindi ata naririnig iyun ni Vlad at tuloy tuloy sa pagtawid sa gitna.
"Ah!" biglang bumalik sa ulirat si Vlad ng makita ang sasakyan padating at hindi sya makaalis sa posisyon nya.
Bumusina ang sasakyan at pinilit nito makapreno.
Pero..Biglang may humawak sa braso ni Vlad at hinatak sya papunta sa kabila. Napahiga si Vlad sa damuhan.
"Uhhh--
Nakita ni Vlad ang taong humatak sa kanya. Isang babae- hindi nya gaano namukaan at medyo nahihilo sya.
"Okay ka lang ba?" tanong ng babae na humatak sa kanya.
Tumango sya kahit hindi nya malinaw na naririnig ang sinabi ng babae.
"Buti naman. Halika!" hinawakan sya ng babae sa kamay at tinulungan makatayo.
"I'm okay. Don't worry." sagot ni Vlad kahit na medyo nahihirapan syang tumayo.
"Sige po.." sagot ng babae.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...