Special Ending Chapter Part 2

33.9K 642 39
                                    

Vlad's POV:

Nang makita ko si Aly na naglalakad paakyat ng stage isa lang ang naisip ko. Sya na na talaga ang gusto ko makasama habang nabubuhay ako. At gagawin ko ang lahat para mapasaya ko sya..
Nang makilala ko pa sya ng mas mabuti, naramdaman ko na hindi lang pagkagusto ito kundi pagmamahal na talaga. Nagkaroon ako ng pagpupursigi magbago at matanggal sa pag uugali ko yun makasarili. Nasanay ako na nag iisa at walang tumutulong. Para sa akin para lang sa mahihina ang naghahanap ng masasandalan. Simula ng mamatay sina Mama at Papa. Nangako ako sa sarili ko na magiging matibay ako para kay Veena at sa mga pangarap ko para sa kapatid ko pero hindi ko namamalayan na ang kagustuhan pala nila ay maging masaya ako. At yun ang hindi ko naranasan habang nagkakaedad ako.

Halos ngayon ko nga lang narealize. Nang makilala ko si Aly.

----

"Kinakabahan kana?" tanong sa akin ni Jerald na nasa gilid ko. Inaayos ko ang bulaklak na nasa suit ko. Halos umaayon na lahat sa preparation na ginawa ko. Nakabihis na ang lahat. Ang mga bisita. Simple lang naman ang kasal na naiprepare ko inihalintulad ko lang sa personality ni Aly. Sunflower ang tema ng buong wedding. Ganun kasi ang pagkakilala ko kay Aly. Para syang sunflower na binibigay ni Mama sa akin pag nalulungkot ako. Sumasaya ako at may kakaibang pakiramdam ito idinudulot sa akin na ngayon nararamdaman ko pagkasama ko si Aly. Isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam na gustong gusto ko.

"Oo. Kinakabahan na ako Jerald. Okay lang ba yun ginawa ko?" tanong ko sa kaibigan ko.

Tinawanan lang ako ni Jerald at tinapik ako sa balikat.

"Oo naman. Hintayin mo nalang si Aly. Patapos na yun."

Napatango ako. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Baka ngayon pa ako maihi. Wag naman sana. Tigilan mo yan Vlad. Naku naman..
Kung andito lang sina Papa at Mama alam nila maipapayo sa akin. Ano kayang klaseng asawa ako o ama?

"Andyan na si Aly!

Nagulat ako sa sinabi ng isa sa mga kaibigan ni Aly. Bigla nanaman akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagbukas ang pinto ng simbahan at naaninag ko sa liwanag ang isang babaeng nakasuot ng wedding dress.. May hawak syang bouquet ng sunflower.

Naalala ko tuloy ang mga oras na pinipilit ko sya sarilinin at sya naman pinipilit ako iwasan. Naging hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya dahil nun una nalilito ako sa nararamdaman ko. Pag nakikita ko sya, pinagpapawisan ako, bumibilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako, naiihi ako, sumasakit ang tyan ko at- wag ko na banggitin yun isa nakakahiya.

Nagsimulang lumakad si Aly kasam ang mga magulang nya. Kasama ko naman sina Jerald at Aries.

Katatapos lang din lumakad ng mga brides maid at mga groom's men pati mga ninong at ninang. Isa sa mga nakuha kong ninong si Mr.Perez na nakawitness sa mga kalokohan ko para lang mapansin ako ni Aly. Si Mam Dela Cruz Dean ng Educ at ang Dean ng Architecture si Sir Pelaez. Imbitado din ang mga kasamahan ko sa Law Office. Ang iba sa kanila mga umabay mga nag feeling na mga binata pa at dalaga. Hinayaan ko na. Kasama din sa plano ko na imbitahan ang mga kamag anak ni Aly na mga taga Cavite. Andito lahat ng Tita at Tito nya mga pinsan nya at Lolo nya.
Importante ito kay Aly kaya sinigurado ko na mkakarating sila. At pamilya ko na din sila. Tinanggap nila ako tulad ng pagtanggap nila kay Papa.

"Vlad.." nagulat ako ng nasa harapan ko na pala si Aly. Inaabot na sa akin ng Mama nya ang kamay nya. Ngumiti ako . At niyakap ko ang mga magulang nya bago ko sya tuluyan kunin.

Naiiyak pa ang mama ni Aly at wala naman ako magawa kundi yakapin nalang ito.
Hawak ko na ang kamay ni Aly at tuloy kaming naglakad papunta sa harap ng altar at para masimulan na ang seremonya.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon