Defense week..Busy kaming lahat. At syempre ako. Sa sobrang busy ko hindi na ata ako natutulog. Bangag na ako. As in lahat kami. Pumasok kami na naka corporate attire. Masakit pa ang paa ko sa paltos dahil need magsuot ng high heels. Kasama si Vlad sa panel of judges namin. Hindi ko alam if kakabahan ako or maeexcited. Natatakot na kapag hindi ko ginalingan parang pinahiya ko na din si Vlad. Or naeexcited dahil makikita ko si Vlad.
"Aly. Ready kana?!" sigaw sa akin ni Jelly. Nagpapractice kami ng mga sasabihin mamaya.
Ang leader pa naman namin si Allison. Nakakairita lang, kasi ang bossy nya masyado then pakitang gilas pa.
"Wait. Kinakabahan ako." nangangatog nanaman ako.
"Umihi ka muna kaya.. Baka mamaya nasa loob na tayo saka kapa maihi." pang aasar ni Jelly sa akin.
Sumang ayon ako na umihi muna. Talagang maiihi na ako sa kaba. Nagtatakbo ako papuntang cr.
"Huh?
Paglabas ko. Nasa pinto na ako ng makita ko si Vlad na parang may hinahanap.
"Psst.
Sinitsitan ko sya. Nakita naman nya ako.
"Vlad?
Bigla nya ako hinila papasok ng cr.
"Wait wait. Baka naman may makakita sa atin." bulong ko sa kanya.
"Shhh- I just want to give you a goodluck.
Nagulat ako sa sinabi nya. Nagblushed ako. Yun lang pala akala ko mag aano na tayo dito eh..
Napahawak ako sa bibig ko. Ano ano nanaman ang naiisip ko. Puro kaanuhan eh kasi naman hinahanap ng katawan ko eh.. Ummmm!!!
Hinawakan nya ang pisngi ko at hinagkan ako sa mga labi. Napayakap ako sa kanya. Eh kasi naman namiss ko.
"Galingan mo Love. Alam ko madali lang sayo yun." he said habang hinahawi nya ang buhok ko.
"Kinakabahan ako kasi si Allison baka ilaglag kami. Bruha yun eh.
"Don't worry. Hindi mangyayari yun. Basta galingan mo.
Ngumiti ako. Todo support talaga ang boyfriend ko. Kagatin kita ulit. Hihihi.
Dahan dahan binuksan ni Vlad ang pinto at sumilip. Nauna na syang lumabas bago ako at baka may makahalata sa amin. Well, may makakahalata talaga kasi sa Girls CR sya lumabas at hindi sa Boys CR.
Lumabas ako at binalikan sina Jelly. Andun na din sina Drake at Yanie.
Napahawak ako sa binti ko. Medyo masakit na din ang paa ko. Paano kaya ito mamaya.. Wag sana ako matapilok.
Pumasok sa loob ng room ang 3 professors na kasama sa Panel of Judges. Nakita ko si Vlad na naka black suit. Natawa tuloy ako kasi matagal tagal na din yun huli ko sya nakitang naka ganun.
Nagready na ang unang grupo at syempre kami yun. Inayos ko na ang sarili ko at tinago na ang papel na kanina ko pa hawak. Guide ba ganun. Charot!
"Oh paganda ka pa ng konti." said Yanie na nilagyan ako ng lipstick.
"Okay na yan. Maganda na sya."
pigil sa kanya ni Drake. Natawa naman ako.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...