Special Chapter: 32

35K 600 15
                                    


2 years ago:

Sa bahay ng mga Gonzales..

"Kuya! Okay ka lang ba?" Tanong ni Veena sa kapatid.

Nakita nya itong nakasandal sa kinauupuan. At kanina pa hindi mapakali.

"Hindi ako okay. Nahihirapan akong mag isip ng paraan.." sagot nya sa kapatid. Napahawak sya sa noo nya.

"Ano ba kasing problema? Baka may maitulong ako.

"Foundation week na sa university.

Nagulat si Veena. Nilapitan nya ang kapatid.

"Sama ako Kuya." Pagkakasabi nya sa kapatid pagkahawak nya sa braso nito.

"Hindi pupwede. Mapapagod ka dun at baka mapano ka pa.

Sumimangot ang kapatid.

"So ano pala yun problema mo?" tanong ulit ni Veena kay Vlad pagkaupo nyang muli.

"Si Aly.

Nagulat si Veena.

"Sasabihin mo na ba sa kanya Kuya?" excited na tanong nya.

"Hindi pa. At ayoko nga muna. Iniisip ko lang at narinig ko sa mga kaklase nya na iseset nila ito sa Marriage Booth sa kaklase nilang si Zach.

Nagtaka si Veena.

"Ayun ba yun fake Marriage? Gusto ko makaranas nun Kuya.

"Veena. Parang game lang yun, kaya lang naiinis ako. Ayoko syang makasal sa kahit sino totoo man o fake o kahit laro laro pa yun. " matigas nyang sabi.

"So ano gagawin mo Kuya?

Napaisip si Vlad.

"I have an idea..

----

Kinabukasan:

Nagsimula ang 3rd day ng Foundation Week sa Holy Angel University.

Nagbukas na din ang kanya kanyang booth sa bawat colleges. Nagsimula ang palaro sa umaga. Kaya't maagang nagkalat ang mga estudyante. Nagkaroon din ng festive parade.

Maaga din dumating si Vlad. Ipinarada nya ang sasakyan nya sa parking lot sa likod ng building ng Commerce.

Dala nya ang laptop nya at ilan libro pagkalabas nya ng kotse. Hindi naman kasi sya sumasali o nagpaparticipate sa Foundation Week. Sya lang ang madalas naiiwan sa Faculty kapag may mga program sa school.

"Goodmorning!" bati nya kay Aries ng masalubong nya ito pagbukas nya ng pinto ng Faculty.

"Stressed?" tanong ni Aries. Umiling si Vlad at tuloy tuloy ng pumasok sa loob.

Nakita nya ang ibang kasamahan sa loob. Sina Arianne, Mr.Ponce at ang Dean na si Mrs. Araneta. Binti lang nya ito at dumiretso na sa cubicle nya.

"Hey!" tawag sa kanya ni Arianne.

Hindi nya ito pinansin.

"I heard from some of my students.. Nakalista ka daw sa lahat ng iseset sa Blind Date at Marriage Booth.

Napakunot noo si Vlad sa narinig.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon