Chapter 41

28.9K 652 21
                                    



Sumisikip ang dibdib ko sa napanood ko. Halos ayaw tumigil ng mga mata ko sa pagluha. Dyos ko! Si Veena ayoko pa syang mawala.. Si Vlad.. Ayoko syang mawalan nanaman ng isa pang minamahal..

Nilapitan ko si Veena matapos ko mapanood ang video.

"Veena.. Lumaban ka.. Please. Lumaban ka..

Hinawakan ko ang kamay nya.
Biglang may pumasok,

"Huh?

Pumasok ang isang Doctor. Chineck nya ang heartbeat ni Veena.

"Mam, uumpisahan na po namin ang operasyon after a couple of minutes.

Nagulat ako. Pero wala pa si Vlad.
Umalis na ang Doctor. Bumalik ang atensyon ko kay Veena.

"Susubukan ko sya ulit tawagan o itext.

Kinuha ko ang phone ko. At idinial ang number ni Vlad, still out of coverage area pa din, nagtext ako ng paulit ulit. Tinext ko na din si Sir Jerald baka sakaling magkasama sila. Nanginginig ang mga daliri ko habang nagtatype. Bakit ba sa mga ganitong sitwasyon wala akong magawa..

Ate..

Nagulat ako sa boses na narinig ko. Nabitawan ko ang phone ko at lumingon ako kay Veena.
Gising sya!

"Veena!!

Nilapitan ko sya kaagad at hinawakan kong muli ang kamay nya.

"Veena! Padating na ang Kuya mo! Kinokontak ko na sya!!

"Ate- Hindi ko na kakayanin- "bulong nya.

Napailing ako at muli nanaman bumuhos ang luha ko.

"Hindi pwede! Paano na si Vlad! Kayo nalang ang magkapamilya! Ikaw nalang ang meron sya..

"Ate- Ikaw na ang pamilya nya-

Nagulat ako.

"Mas okay na mamamatay ako ng hindi nya alam, dahil pag nandyan sya mas pipiliin ko nanaman lumaban kahit na hindi ko na talaga kaya-

"Veena-

"Gusto ko na maging masaya si Kuya.. At alam ko magiging masaya sya pag iniwan ko sya sayo..

"Wag mo sabihin yan please! Magsisimula na ang operation mo mamaya. Makakaligtas ka!

Napailing si Veena.

"Hanggang dito nalang ako ate- Mahal na mahal kita at si Kuya..

Hindi ako makapagsalita. Anong gagawin ko!!

Biglang pumasok sa loob ang isang grupo ng mga nurse. Inayos nila ang si Veena at inilipat sa isang stretcher.

"Veena!" tawag ko sa kanya.

Nilingon lang nya ako. At ngumiti. Nagulat ako. Ngumiti sya.

"Pangako Veena.. Hindi ko iiwan ang Kuya mo!

Kinuha si Veena ng mga nurse. Hinabol ko sila hanggang sa operating room. Kasama ko ang Ninang nila. Pinagmamasdan namin si Veena habang inaayos sya ng mga nurse.

"Dyos ko! Iligtas nyo po si Veena." Bulong ng Ninang nila na may hawak na rosaryo.

Napalingon akong muli kay Veena. Anong pwedeng gawin ni Vlad pag nawala si Veena- Okay na si Vlad ngayon.. Unti unti na syang nagbabago.. Nagiging masaya na sya. Bakit kailangan sa kanya lahat mangyari ito.. Hindi naman sya masamang tao. Please Lord.. Ngayon lang po ako hihiling sa nyo.. Wag nyo muna po kunin si Veena sa amin..

Napapikit ako. Walang tigil ang luha ko sa pagbuhos..

"Mam, uumpisahan na po namin.." nagulat kami ng humarap sa amin ang Doctor ni Veena.

Matapos nyang kausapin ang Ninang nila Vlad. Bumalik na sya sa loob ng operating room.

Naupo ako para maghintay. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kundi takot at kaba.. Nasaan kana Vlad!

Itinaas ko ang dalawang tuhod ko at dun isinandal ang ulo ko. Nanginginig ang mga tuhod ko.

----

Aly!

Nagulat ako sa boses na naririnig ko. Namumugto ang mga mata ko sa mga luha. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yun.

Nakita ko si Vlad..
Nasa may bintana sya ng operating room.

"Vlad-

Tumayo ako sa kinauupuan ko. At nilapitan si Vlad.

"Veena-..

Nagulat ako ng makita ko syang umiiyak at ang mga mata nya punong puno ng galit.

"Lumaban ka Veena!!" sigaw ni Vlad.

Nagulat ako ng hinampas nya ang mga upuan. Nagwawala sya. Naku po! Sumusuntok sya sa pader gamit ang kaliwang kamay nya. At halos nangingitim na ito. Pilit syang pinapakalma ng Ninang nya pero ayaw nya tumigil.

Hindi ko maiwasan maluha ulit. Vlad-

"Vlad- Huminahon ka.. Magiging maayos din si Veena." kalmadong sabi sa kanya ng Ninang nya.

"Paano ako hihinahon!! Si Veena!! Hindi ko alam kung anong pang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanya!!

Sinipa nya ang isang upuan. Tumumba ito malapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita nya ako.

"Aly-

Nilapitan nya ako at niyakap ako.

"Vlad- " niyakap ko din sya.

"Aly-- Si Veena.. Natatakot ako.

Nararamdaman ko sa mukha ko ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata nya. Ang mabilis na tibok ng puso nya at ang namamaga nyang mga kamay.

"Kung sana hindi nalang ako umalis malamang nakausap ko pa sya- Kasalanan ko to.." patuloy pa nya.

"Vlad- please.. Gusto na ni Veena na magpahinga..

Biglang bumitaw si Vlad sa pagkakayakap sa akin.

"HINDI PWEDE!

Nagulat ako ng sinigawan nya ako.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko! Hindi mo alam ang pakiramdam ng iniiwan at nag iisa!! Kaya hindi pwedeng mawala si Veena sa akin!!

Hindi maalis ang takot ko at kung paano ko makita si Vlad na galit na galit.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para kumalma sya.

"Vlad- tama na please!" pagkasabi ko habang papalapit ako sa kanya.

"Shut up!!" sigaw nya sa akin. Natigil ako sa paglapit sa kanya.

"Iha. Lumayo muna tayo kay Vlad- Hayaan muna natin sya." sabi ng Ninang nila Vlad pagkalapit sa akin.

Nahihirapan ako ng ganyan sya.
Nasasaktan.

Lumayo kami ng bahagya sa kanya. Hindi mapakali si Vlad sa gagawin nya. Hinihintay pa din namin ang balita ng mga Doctor.

Naupo kaming dalawa ng Ninang nya sa dulo. Lumayo muna kami at baka kung anong gawin nya kung subukan pa namin pakalmahin sya.

----

Ilan oras ang lumipas. Hindi ko namalayan nakaidlip ako sa upuan. Narinig ko ang pagbukas ng operating room. At pagmamadali ng mga Doctor. Nagkakagulo sila at nagpapanic.

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nakita ko si Vlad na pilit pumapasok sa loob ng operating room. Pinipigilan sya ng ibang mga nurse. Naririnig ko syang tinatawag ang pangalan ni Veena. Sumisigaw sya at halos naitulak nya ang ibang nurse na pumipigil sa kanya. Umiiyak ang Ninang nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Lalapitan ko ba si Vlad..

Lumakad ako ng kaunti papalapit sa kanila hanggang sa marinig kong sumigaw si Vlad..

Hindi pa patay ang kapatid ko!!! Buhayin nyo sya!! Buhayin nyo ang kapatid ko!! Parang awa nyo na!!!

----

Enjoy reading and keep voting :)

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon