9Am ang libing ni Veena.Maaga ako gumayak at kasama ko sina Drake. Nagsuot ako ng black dress. Ipinusod ko lang buhok ko at nagpulbos ng kaunti. Nagpaalam ako kay Mama. Naghihintay na sa akin si Drake sa labas.
"Aalis na po ako."paalam ko kay Mama.
Niyakap ako ni Mama at binulungan.
"Pakatatag ka anak..
Tumango ako at umalis na. Paglabas ko ng bahay nakita ko si Drake naghihintay. Niyakap nya ako.
"Salamat Drake." ngumiti ako. Hinawakan nya ang kamay ko.
May dala syang sasakyan. Susunduin namin sina Jelly at Yanie. Magkatabi kami sa harapan. Hawak nya ang kamay ko, halata kasing kinakabahan ako. Kinakabahan ako na magkita kami ni Vlad.
Inistart nya ang kotse at nadrive na si Drake. Dumaan kami ng school para daanan sina Jelly at Yanie then diretso na kami ng libing. 9AM start na misa para kay Veena then after nun libing na. Bago kami tumuloy ng libing bumili muna ako ng isang bouquet ng sunflower.
Nakarating kami sa misa bagonito magsimula. Nakita ko dun ang ilan hindi pamilyar na mukha gaya ng ibang kasama ni Vlad sa Law Office. Si Sir Jerald andun. Ang ibang professor din sa ibang course nandon at ang Dean ng Commerce at CBA. Nakita ko din ang Ninang nila Vlad na si Mrs. Adella. Hindi ko makita si Vlad.
"Hinahanap mo ba sya?" bulong sa akin ni Drake. Nagulat ako at hindi naman makapagkaila.
"Ayun sya-
Itinuro nya ang isang lalakeng nakatayo sa may gilid sa unang hilera ng upuan. Naka all black sya na suit. At nakasalamin itim. Si Vlad yun. Okay na kaya sya?
Hindi na muna ako lumapit at naupo kami sa likod. Dumating na ang Priest at nagsimula ang misa.
Hawak ko ang bouquet na ibibigay ko kay Veena bago sya tuluyan ilibing. Ngayon ko mas narealize kung gaano kahalaga si Veena kay Vlad. At nalaman ko kung gaano kasakait kay Vlad ang mga nangyari.. Paano pa noon nung bata pa si Vlad ng mamatay ang Papa nya at ang Mama nya.. Paano nya nalampasan lahat yun.. Alam ko malalampasan nya din ito. Babalik din sya sa dating malambing at striktong boyfriend ko. Marami pa kaming plano..
Nakita ko na binasbasan ang kabaong ni Veena. Tinatawag na ang mga gustong maghulog ng bulaklak at gustong silipin si Veena sa huling pagkakataon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumakad sa harapan. Dala ko ang bouquet ng sunflowers. Hindi ko alam kung nakatingin si Vlad dahil wala naman syang imik. Pagkalapit ko sa kabaong ni Veena. Humawak ako at sinilip sya. Matapos ay iniwan ko sa ibabaw ng kabaong nya ang mga bulaklak. Sumunod na sa akin ang iba. Sunod sunod sila nag alay ng bulaklak. Bumalik naman ako sa upuan ko. Hinawakan ako sa kamay ni Drake. Lumingon ako sa kanya. Hindi ko maiwasan lumuha. Ang sakit sa kalooban,, na saglit ko lang nakasama si Veena. Sana mas maaga ko pa sya nakilala at salamat sa kanya dahil nagkasama at nagkaroon ng daan para mas makilala pa namin ni Vlad ang isa't isa.
Hindi ko nakitang sumilip si Vlad kay Veena. Hindi ito umaalis sa pwesto nya. Pinanonood lang nya si Veena na ilibing. Ano bang nangyayari sayo Vlad?
Matapos na ilibing ni Veena. Nagpalipad kami ng mga puting lobo. Nakita ko lang si Vlad na paalis na at sumakay sa kotse nya. Ni walang paalam at hindi man lang kinausap ni kahit sino sa amin. Basta nalang sya umalis.. Na parang walang pakealam. Nasasaktan ako sa nakikita ko at sa pinaparamdam nya sa akin.
Nagdecide na kami umuwi. Ilan araw nalang at start na ng exams. Kailangan kalimutan ko muna si Vlad pansamantala. Kailangan magfocus ako. Malapit na din ang unang defense namin sa Feasibility. Hindi ako pwedeng maging matamlay.
----
Wednesday.. Unang araw ng Midterms.
Gahol na gahol ako magreview dahil ilan araw akong pagod at puyat. Sa dami ng iniisip ko pakiramdam ko hindi ako nakakapahinga. Buti nalang tinutulungan ako nila Jelly sa pagrereview. Ano na kayang gagawin ko kung wala sila?
"Unahin mo reviewhin to.. Mahihirapan ka dyan." said Jelly sa akin. Binigay nya sa akin ang notes nya. Nasa library kami nagrereview.
Isang oras pa at exams na. Pinipilit ko ipasok sa utak ko lahat ng binabasa ko at tinuturo nila sa akin. Nakakainis ngayon pa ako nagkaganito!
"Uy. Focus!" bigla ako tinapik ni Drake.
Tumango lang ako at bahagyang natawa. Kahit papano natatawa na ako ngayon.
After an hour. Nagsimula ang exams. Mukhang keri ko naman. Salamat sa kanila.
----
"Uuwi na ako!" sigaw ko kina Drake na nakapila pa sa KFC.
Kakaen daw sila. Natapos ang exam namin na super hirap. Akala mo board exams na namin. Nag yaya sila mag KFC. Kaya lang gusto ko na talaga umuwi at magpahinga.
"Ihahatid na kita!" pigil sa akin ni Drake.
"Hindi na. Malapit lang bahay ko. Sasakay nalang ako.
Ngumiti ako sa kanya. Lumabas ako ng fast food.
Nasa tabing kalsada ako at naghihintay ng masasakyan. Tumingin ako sa wrist watch ko."4PM palang. Maaga pa.
Madilim ang langit. Hindi ganun kainit. Naisip ko puntahan si Vlad. Sana okay na sya ngayon. Sana lang talaga..
Nagdecide ako sumakay ng taxi at dumiretso kina Vlad. Sisilip lang ako di rin ako magtatagal, hindi ko matiis si Vlad. Namimiss ko sya.
Nagsimulang umambon. Hanggang sa lumakas ang ulan. Shhiit! Nakalimutan ko magdala ng payong!
Pumara ako sa taxi ng makita ko sa bintana ng taxi ang gate ng bahay nila Vlad. Bumaba ako. Malakas na ang ulan. Kaya nabasa ako.
Tumakbo ako at sumilong sa waiting shed na malapit sa gate nila Vlad.
Kakatok sana ako sa gate kaya lang nagulat ako ng mabuksan ito. Bukas ang gate? Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok at mababasa na ako masyado ng ulan.
Sinara ko ang gate at tumakbo ako sa pinto ng bahay. Kumatok ako.
TOK!TOK!TOK!
Nagbukas ang pinto. Nagulat ako. Ano ba yan! Bukas ang gate, bukas ang pinto. Nasaan ba si Vlad?
Pumasok ako sa loob.. Parang walang tao..
"VLAD!" tawag ko sa kanya. Nag echoed lang ang boses ko.
----
Enjoy reading and thanks for voting. 🙂
PS:
Sa mga nagtataka at mabilis ako mag update. Eto lang po kasi ang libangan ko, after school or work. Pagsusulat lang ginagawa ko. After house chores. Hindi rin po ako outdoor person kaya yun haha mas madaming time para mag update. Salamat pa din sa pagtangkilik.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...