December, 23.Nasa kwarto pa ako at nag aayos ng gamit. Ngayon kasi ang uwi namin ni Vlad sa Cavite. Excited na ako as in super! Masasarili ko kasi sya ng ilan araw, walang kaba na pwedeng may makakita sa amin o makakilala. Although kinabahan ako na baka magsumbong si Zach pero sabi nga nya wag daw ako mag alala. Medyo hindi pa din ako maka move on sa expected proposal nya na akala ko talaga true na, aarte pa sana ako na mahihimatay pero mukhang di talaga ako maawardan ng best actress of 2016.
TOK!TOK!TOK!
Kumakatok na si Vlad. Binuksan nya ang pinto at sinilip ako.
"You ready?" tanong nya at nakangiti pa.
"Malapit na. Wait!" sinarado ko ang bag ko pagkalagay ko ng sumbrero ko.
Kinuha nya ang bag ko at sabay na kami lumabas ng kwarto. Nailagay na din namin yun ibang bag namin sa loob ng kotse nya. Nauna na kasi sina Mama at Papa kasama si Allen kahapon pa. Kami nalang ang hinihintay dahil kahapon lang din nagpaalam si Vlad sa office nila na magleleave sya.
Sumakay ako ng pagbuksan nya ako ng pinto. Then sumakay na din sya ng driver's seat at sinimulan paandarin ang kotse.
Nasa Manila palang kami ng bigla ako magutom.
GGGGRRRRR~
"Huh? Gutom ka ba?" tanong sa akin ni Vlad habang nagmamaneho sya.
"Oo. Eh-
Hindi ako makatanggi at gutom talaga ako.
"Wait.."he said at nagtaka ako ng may kapain sya sa likod ng upuan ko.
"Here. I made some sandwiches sa bahay. Kainin mo muna pansamantala.
Nagulat ako. Gumawa sya ng sandwiches para sa akin? Kainis naman! Para talaga sa akin to mga sandwiches!
Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko hindi ko alam kung kikiligin ako o kakainin lahat ng sandwich na ginawa nya. Omelette pa talaga ang palaman with mayo. Ang yummy! Kasing yummy nya! Hihi~
Kinain ko ng kinain ang mga sandwiches. Natatawa naman sya habang pinagmamasdan ako.
"Slow down love. Baka mabilaukan ka." he said at lumingon sa akin ng mabilis.
"Okay lang ako love. Ang sarap nga nitong gawa mo." sabay ngiti ko.
Tinawanan nya ulit ako. Nagpatuloy na sya sa pagmamaneho. After ko makakain nakaidlip ako. Hindi naman nya ako ginising kaya hindi ko na din namalayan na nasa Cavite na pala kami.
"Were here." sabi nya habang ginigising nya ako. Nasa Sta. Ana na pala kami. Ginising nya ako para ituro sa kanya ang daan patungo sa bahay ni Lolo nakalimutan ko hindi nga pala nya tanda yun.
"Huh?" nagtataka sya sa mga banderitas na nakikita nya sa daanan habang nagmamaneho.
"Anong meron dito?" tanong nya.
"Fiesta." sagot ko habang nakadungaw ako sa bintana.
"Talaga? I've never been in a fiesta.
Nagulat ako napalingon ako sa kanya.
"Hindi nga? Never been talaga?
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...