Hapon nang makipagkita ako kay Sir Jerald. Nasa isang coffeeshop kami. Pinakita ko sa kanya ang nakuha kong video. Pinanood nya yun at sinuri kung makakatulong din ba ito."Mabuti at nakakuha ka ng ganitong ebidensya. At least kahit papaano malilinis ang pangalan ni Vlad sa school nyo at pwede natin gamitin ito na gawa gawa at paninira lang ang ginawa ni Zach kay Vlad tungkol sa nyo.
Tumango ako.
"Makakabalik pa kaya si Vlad sa pagtuturo?
"Maaari.. Pero hindi ganun kadali yun. Siguro magpafile ulit sya ng bago. Basta ang mahalaga mapatunayan natin na sinisiraan lang sya.
"O sige. Okay na ako dun.
"Ganito gagawin ko ipasa mo sa akin yan video then ako na bahala magpakita nito sa Law Office. Pwede namin sampahan ng kaso si Zach. Alam ni Vlad ito. Ako na din bahala magdala nito sa Dean at President ng school nyo. Kung ikaw pa kasi ang magdadala baka pagsuspetsyahan ka nila.
Sumang ayon ako kay Sir Jerald.
"Salamat po at ready kayo na tulungan ako.
"Wala yun. Ayoko din naman huminto sa pagtuturo si Vlad.
Ngumiti ako. Pagkatapos namin mag usap, hinatid din ako ni Sir Jerald sa bahay. Tatawagan nalang nya ako kapag naipadala nya na sa school ang video.
Medyo nakahinga ako ng maluwag at sa paraan yun matutulungan ko si Vlad.Pagkapasok ko ng bahay humalik lang ako kay Mama at Papa. Then pumanik na ako papuntang kwarto ko. Tinext ko si Vlad na nakauwi na ako. Kahit hindi kami nagkikita, nagrereply naman sya sa mga text ko.
"Nagtext pala si Yanie?" nagtaka ako at hindi ko nabasa ang text nya. Kanina pa pala yun mga tanghali.
Sms from: Yanie
Bru. Alam ko na ang address ni Sir Vlad. Pwede mo na sya puntahan anytime na gusto mo sya makita.
Nangiti ako sa nabasa ko. Makikita ko na si Vlad ko. Pwede ko sya sorpresahin.. Tama! Sa Valentines!
Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan at napaisip kung ano magandang ibigay kay Vlad sa nalalapit na Valentines Day. Kaya lang wala pa akong budget. Medyo nagtitipid pa ako at malaki ang magagastos ko sa pambayad ng graduation fee. Pero hahanap pa din ako ng paraan nung pasko wala na nga akong regalo sa kanya.
Napapikit ako habang nag iisip. Bulaklak kaya? Ang weird lang ako pa magbibigay ng bulaklak no? Natawa ako sa iniisip ko.
"Anak! Kakain na!" narinig ko ang sigaw ni Mama. Tumayo agad ako at nagbihis na. Kakain na pala kami.
Matapos ko magpalit, lumabas na agad ako at bumaba. Mamaya na ako mag iisip ng ibibigay ko kay Vlad.
----
February 14.
Sunday ang Valentines Day. At dahil sunday wala akong pasok sa OJT. Makakapunta ako ng mall para makahanap ng ibibigay kay Vlad na gift.
"Ano ba yan.. Wala pa din ako makitang gift na pwede ko ibigay kay Vlad.. " halos 2 hours na akong naglilibot ng mall.
Lumingon ako sa mga boutique na nasa paligid ko.
"Ano yun!
Nilapitan ko ang isang store at nakita ang isang sign dun.
Sale: Commemorative Chocolates
Nakalagay sa isang kahon ang iba't ibang klase ng chocolates. Cheap sya oo pero dahil ang cucute nito dahil malilit lang sya naisip ko na yun ang bilhin. Para syang mga chocolates na kinakain ng mga bata at dahil minsan isip bata si Vlad. Babagay sa kanya ito.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...