Chapter 74

24.5K 499 18
                                    



Aly!

Nagulat si Vlad ng makita nya ako. Napatayo ang Dean sa kinauupuan nya.

"Ms. Yuson! What are you doing here!

"Dean at Mr President. Wala pong kasalanan si Sir Vlad dito. Wag nyo po syang tanggalan ng lisensya!" sabi ko na kinakabahan.

"Ngayon at nandito kana. Ms. Yuson.. Sabihin mo sa amin kung totoong pinuwersa ka  ni Mr. Gonzales na makipagrelasyon sa kanya..?

Nagulat ako sa tanong nila. Hindi naman nya ako pinwersa.. Napatingin ako kay Vlad. Hindi maganda ang titig nya sa akin.. Bakit ganun! Andito ako para ipagtanggol sya.

"Sinabi ko na sa nyo ang totoo.. Pinuwersa ko si Ms. Yuson. Kaya wala syang kasalanan kung meron man dito ako yun. Dahil ginamit ko lang sya. Sya ang biktima dito. Inabuso ko sya. At sa totoo lang hindi ko naman sya mahal, ang habol ko lang sa kanya ay ang katawan nya.

Nagulat ako sa sinabi ni Vlad. Bakit nya ginagawa ito! Pinapalala nya ang sitwasyon.

"I'm sorry Ms. Yuson.. Hindi namin  alam na inaabuso ka na ni Vlad. "said Dean Castro na nilapitan ako. Hindi ko alam ang nangyayari. Si Vlad..

"Kung may dapat kayo parusahan dito, ako yun."said Vlad.

"Yes. Mr.Gonzales. Asahan mo na ang immediate termination mo gayundin ang license mo effectively today.

Nagulat ako. Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang sa akin si Vlad na parang sinasabi nya na wag ako magsalita.

"Vlad. I want you to move your things out of this building. Hindi ko akalain na isang katulad mo na kagalang galang ay gagawa ng ganitong bagay na alam mo na ikasisira mo at ng trabaho mo. I'm sorry.. "said Pres. De Jesus.

Yumuko lang si Vlad at nagpaalam na. Hindi pa din ako makapagsalita. Gusto ko umiyak pero hindi ko magawa at hindi ko pwede ipakita naapektuhan ako.

"I'm sorry Ms. Yuson at nadamay ka pa dito.."said Dean Castro na hindi rin maipinta ang mukha sa mga nangyari.

"Okay lang po..uhhh- lalabas lang po ako..

Tinanguan ako ni Dean at agad ako lumabas na. Agad kong hinabol si Vlad pabalik ng faculty.

"Vlad!" sigaw ko.

Nakita ko sya sa loob at nagliligpit ng gamit. Pumasok kaagad ako.

"Vlad!

"Aly?" nagulat sya ng makita ako. Nakatingin sa amin si Sir Aries.

"Bakit mo sinabi yun! Pinalala mo yun mga nangyari.. Ang sama sama na ng tingin nila sayo..

"Okay lang.. Sanay na ako dun Aly. Lahat ng tao masama ang tingin sa akin..

"Hindi totoo yan.. Mabait ka Vlad. At hindi mo ako pinuwersa sa relasyon na ito..

"Love.. I love you.. At nangako ako na poproteksyunan  kita kahit anong mangyari.. Kaya sinabi ko ang mga yun.. Kung hindi ko ginawa yun.. Sisirain ko pati tiwala ng magulang mo sa akin.

Nangilid ang mga luha ko.. Gusto ko na talaga umiyak.

"Pero dahil sa ginawa mo.. Hindi kana makakapagturo..

"Okay lang ako.. Mas iniisip kita. Magpakatatag ka. Magiging okay din ako..

Niyakap ko sya ng mahigpit. Halos maluha na ako. Lagi nalang nya ako nililigtas at mas iniisip nya ako. Naiinis ako at wala ako magawa para tulungan sya.

"Sa ngayon, wag na muna tayo magkita. May mga mata pa din nakatingin sa atin.. At mas hindi ko alam ang magagawa ko kapag pati ikaw pa nadamay..

Tumango ako. Pinunasan ni Vlad ang luha ko. Kinuha ni Aries ang mga gamit ni Vlad. At sabay sabay kaming lumabas na ng faculty.

"What do we have here?" nagulat ako ng makita namin si Zach.. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Bigla ako kinabahan. Kelan ba sya hihinto na sirain si Vlad..

"You again.. "said Vlad. Nag iba ang tono ng pananalita nya.. bigla akong natakot.

"Admit it Vlad. You lose the battle. At ikaw ang napaalis sa eskwelahan na to'.  Your nothing but a loser.. "said Zach na may tono na nangaasar.

"Vlad. Pabayaan mo na sya." bulong ni Sir Aries kay Vlad.

"No. I'll finish this now." nagulat kami sa sinabi ni Vlad. Binaba nya ang dala nyang bag at nilapitan si Zach.

"Ano? Susuntukin mo ako?

Walang sinabi si Vlad at..Lumagapak sa pisngi ni Zach ang kamao ni Vlad. Halos mapaupo sya sa ginawa nito. Napahawak ako sa bibig ko.

"Vlad- tama na yan!" said Sir Aries.

"Wag mo ako pakealaman Aries. Matagal na ako nagtitimpi. Idemanda nya ako kung gusto nya matapos ko basagin ang mukha nya.

Mabilis na nilapitan ni Vlad si Zach at sunod sunod na sinuntok ito sa mukha. Napapaatras lang si Zach pero lumalaban sya at tinatamaan nya din si Vlad. Nangangatog na ako sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang sya nakitang ganun..

"Tama na yan!" sigaw ni Sir Aries. Sinubukan nyang pigilan si Vlad pero tinabig sya nito at ayaw magpapigil.

"Ano! Eto ang gusto mo diba! Ang magalit ako!" sigaw ni Vlad kay Zach.

Putok na ang labi ni Zach at may pasa na sa mukha si Vlad. Wala pa din silang tigil.
Nagulat nalang ako ng biglang matumba si Zach at aakmain tadyakan ni Vlad ito.

"TAMA NA!" Sigaw ko at niyakap ko si Vlad.

"Tama na please.." naramdaman ko ang mga luha ko na tumulo..

"Please.."ulit ko at nag mamakaawa na ako kay Vlad. Hindi sya nagsasalita.

Hinatak ni Sir Aries si Vlad. Duguan ang kamay nito. At may mga pasa na din.

"Tama na Zach! Napakasama mo!" sigaw ko kay Zach sa bwisit ko. Ayaw na tumigil ng mga luha ko. Nakayakap pa din ako kay Vlad para hindi na sya mkagalaw.

Pinunasan ni Zach ang dugo sa pisngi at labi nya at umalis na. Naiwan kaming tatlo.

"Tigil na Vlad..please.." bulong ko sa kanya.

Naramdaman ko ang palad nya sa ulo ko at hinimas ang buhok ko.

"I'm sorry.."narinig kong sinabi nya at naramdaman kong muli ang labi nya sa noo ko.

Wala sa sarili si Vlad at sinabihan ako ni Sir Aries na sya nalang ang bahala kay Vlad. If may makakita pa sa amin panigurado gulo nanaman. Kahit gusto ko sya samahan sa bahay nya at ayusin sya hindi ko pupwede gawin. Hinayaan ko nalang si Sir Aries na samahan si Vlad.

Hindi ko makalimutan ang mukha nya kanina. Sinalo nya lahat ng kahihiyan na dapat pareho kaming sumalo. Naiinis ako at hindi ako makagawa ng paraan.. Ako nanaman ang dahilan kung bakit may nawala na isang importanteng bagay kay Vlad.

At ngayon hindi kami pupwedeng magkita..kakayanin ko ba.. hindi ko kaya..

----

ENJOY READING AND THANK YOU FOR VOTING :)

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon