Chapter 72

26K 469 36
                                    


RRRRIIIINNNGGGG!

Nagulat ako ng tumunog ang alarm clock. Kinakapa iyun sa gilid ng table ko para patayin. Masakit pa ulo ko. Gusto ko pa sana matulog pero kailangan ko pumasok.

Hinawakan ko ang katabi kong unan..

"Ah-" bigla akong huminto sa pagkapa sa unan ko dahil iba ang nakakapa ko. Katawan.. Katawan-- muscles? Buhok? Yikes!

Ibinaba ko pa ang kamay ko at.

AAAAHHHHH!

Nagising si Vlad sa sigaw ko. Halos mahulog ako sa kama.

"What happen! Are you okay!" Gulat na tanong ni Vlad sa akin. Nakasuot pa din sya ng sleeves na suot nya kagabi kaya lang bukas ang mga butones.

"A-ano! P-paano? D-dito ka natulog?" nauutal kong tanong.

Tumango itong nakatawa. Napahawak ako sa noo ko at napahinga ng malalim.

"Goodmorning Love.." nilapitan ako ni Vlad at hinagkan ako sa pisngi.

Hihi~ Ang aga aga naman nito..

Matapos magbihis ni Vlad. Sabay kaming bumaba para kumain ng almusal. Hinatid nya pala ako kagabi then nakatulog na sya sa higaan ko. Mukhang tinamaan sya ng mga nainum nya. Kaya lang hindi ko talaga makalimutan yun nangyari kanina..

Nahawakan ko yun ano nya- Hihi! Ayyyy~

"Kumain na kayo.. "yaya sa akin ni Mama ng makita kami sa may sala.

Naupo kami sa may hapag at sumabay na kay Papa para kumain.
Pinagtimpla ko ng kape si Vlad at ako naman kumain na.

"Saan ang pasok mo ngayon?" tanong ko kay Vlad na katabi ko.

"School then Law office.. "ngiti nyang sagot sa akin. "Susunduin pa din kita, okay?

Tumango ako. Matapos namin kumain. Nag ayos lang ako sandali then inaya ko na si Vlad na umalis. Ihahatid pa nya ako then papasok pa sya. Sumakay kami sa kotse nya na ipinarada nya sa harap ng bahay.

Halos 45 minutes din ang byahe namin papunta sa work ko. Hawak lang ni Vlad ang kamay ko. Ewan ko ba nitong mga nakaraan araw sobrang sweet nya.
Araw araw akong kinikilig.

"We're here." sabi nya ng iparada nya ang kotse nya. Mabilis nya lang ako hinagkan at nagpaalam na.

"I love you." sagot ko ng isarado nya na ang pinto ng kotse. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makalayo sya. Pumasok na din ako after nun.

----

TOK!TOK!TOK!

Nagulat ang Dean ng Commerce ng may kumatok. Pinagbuksan nya ito ng pinto.

"Zach? "nagulat sya ng makita si Zach sa pinto. Pinapasok nya ito.

"Why are you here?" tanong nya agad dito.

Biglang inilapag ni Zach ang isang envelope sa ibabaw ng table.

"I just wanna inform you that your favorite professor.. you trusted for the Dean position.. was a big liar.

Nagulat ang Dean.

"Anong ibig mong sabihin?

"See it for yourself.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon