Epilogue

40.6K 606 34
                                    




"Please memorize those lines in your notes.. I'll give a short quiz after that.. "said Vlad sa harap ng klase nya. Architecture ang tinuturuan nya.

Nakabalik sya sa pagtuturo after a couple of months. 5th year Achitecture ang hawak nya ngayon.

"Sir. Itatanong ko lang po kung paano yun gagawin sa plano bukas para sa thesis.."tanong ng estudyante nyang si Xander. Isa sa mga top student nya.

"Ay yun ba.. Isesend ko nalang sa email mo yun format.

"Sige po Sir."bumalik si Xander sa upuan nya.

"Hey! Sachi! Macie! Hindi ko sinabing magtawanan kayo! May pinagagawa ako!" sigaw nya sa dalawang estudyante na nasa likuran. Natahimik ang dalawa.

Naupo sya. Biglang nagvibrate ang phone nya.

"Huh? Nagtext si Aly?

Sms from: My Wife <3

Love.. Mag uwi ka nga ng mangga tsaka gusto ko ng langka. Kung pwede durian? Gusto ko yun fresh. Please. I'm craving..

"Durian? Dito sa Manila? Saan ako makakabili?" tanong ni Vlad sa sarili at napahawak sya sa noo nya.

Halos 1 buwan ng ganun si Aly. Grabe kasi maglihi halos lahat ng pagkain hinahanap. Nakarating na si Vlad kung saan saan mahanap lang ang pagkain gusto ng asawa. Pati ang manghuli ng sariwang isda ginawa nya. Pati makarating sa Zambales at Cavite para bumili ng kasoy at sariwang mga seafoods.

"Saan ako maghahanap ng durian? Pupunta pa ako ng Davao?

Matapos ang klase nya. Dumiretso agad sya sa faculty at sinubukan magtanong kung saan sya makakbili ng durian at mangga. Hindi pa naman panahon ng mangga.

"Ano! DURIAN!" gulat na sabi ni Aries."Saan ka bibili ng Durian?

"Hindi ko alam? Bibili na ba ako ng ticket papuntang Davao?

Natawa sina Cathy at Aries.

"Kung pupunta ka ng Davao? Isama mo na si Aly." pabiro naman ni Jacob.

"Ayaw nga nya ng ganun. Gusto nya sa bahay lang sya. Nagiging sensitive pa sya ngayon. Kapag hindi ko nabili magtatampo eh makakasama sa kanya yun.

"Naku. Normal lang yun Vlad. Lahat talaga ng babae nagiging maselan sa unang pagbubuntis nila.

"Minsan naawa ako sa kanya kasi sabi nya nahihirapan na daw sya.

"Hmm- May nabanggit sa akin ang Lola ko about sa ganyan.. "biglang singit ni Aries.

"Ano yun?" curious na tanong ni Vlad.

"Hakbangan mo daw yun asawa mo habang natutulog para malipat sayo yun paglilihi nya. Para hindi na sya mahirapan. Epektib daw yun.

"Superstition lang naman yun pero minsan epektib nya." said Cathy.

"Sure kayo? Effective sya.

Tumango sina Aries at Cathy.

"O sige itatry ko mamaya.

Napangiti ang dalawa.

----

Gabi na nakauwi si Vlad galing HAU. Langka lang ang nabili nya at wala pang mangga at durian. Balak nyang gawin ang sinabi ni Aries. Medyo pati sya nahihirapan na din sa asawa. Inaamo nga nya pag nagtatampo kaya lang ayaw naman magpalambing. Hindi nya maintindihan kung galit ba ang asawa o talagang epekto lang yun ng pagbubuntis nya.

"Hey Love." bati nya sa asawa ng makita nya ito sa sala at nanonood ng tv. Hinalikan nya ito sa noo.

"Nakabili ka?"tanong agad ni Aly.

"Langka lang. Wala pa ako mahanap na hilaw na mangga at durian. Don't worry.. I'll buy tomorrow.

Napasimangot si Aly.

"O sige. Promise me. Bukas.

Tumango si Vlad. Pumanik na sya sa kwarto nila. Sobra ang pagod nya galing trabaho at syempre pagod sa paghahanap ng langka. Mukhang magpapareserve na sya ng ticket papuntang Davao bukas.

Matapos nyang maligo, nagyaya na si Aly na matulog. Nakahiga na sila at sya hindi pa makatulog. Balak na talaga nya gawin yun nabanggit ni Aries. Desperado na sya.

"Please ngayon lang ako maniniwala sa mga pamahiin na yan." bulong nya sa sarili nya.

Dahan dahan syang bumangon. Iniiwasan nyang magising si Aly dahil kapag nangyari yun lagot sya.

"Shhh--

Bumangon sya. Nakatagilid matulog si Aly kaya hindi sya gaano mapapansin nito. Medyo tumataba na din ang asawa nya at mas lalo sya nanggigigil dito hindi naman nya malambing at nagsusungit nga.

Itinaas nya ang kaliwang paa nya para ilipat sa kabila. Tahimik nya ito nailipat sunod naman ang buong katawan nya ng tuluyan nya ng mahakbangan ang asawa.

Sinimulan nya ng kumilos at..

"Love?

Nanigas sya bigla sa posisyon nya. Nagulat sya mg magising si Aly. Patay..

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Aly nang makita ang asawa na nasa ibabaw nya.

Hindi makapagsalita si Vlad. Nag iisip sya ng mapapalusot.

"Uhh- kasi ano- Love.. Gusto mo ba magstretching?" biro nya kay Aly at pinilit ngumiti.

Napasimangot si Aly. Mukhang hindi maganda ang biro nya.

----

Kinabukasan, sa Commerce Faculty.

"ANO!!

Natawa si Aries sa kwento ni Vlad.

"Dahil sa sinabi mo, nagalit sa akin si Aly. Pinalabas tuloy ako ng kwarto at ayun natulog ako sa sala. Nagalit pa tuloy sa akin. Ayaw ako patulugin sa kwarto." said Vlad na nakasimangot.

"Paano ngayon yan?" tanong ni Aries.

"No choice. Para hindi na sya magtampo. I need to go to Davao now.

Kinuha ni Vlad ang mga gamit nya. Nakakuha na sya ng ticket pabyahe ng Davao. At naghalfday na din sya para makabyahe ng maaga.

"Sama ako." said Aries.

"Wag na. Matatagalan lang ako Aries..

Napasimangot si Aries. Lumabas na sya ng faculty dala ang iilan gamit nya.
Paglabas nya nasalubong nya ang isang bagong professor.

"Goodmorning Dean." bati nito sa kanya. Ngumiti lang sya at nilagpasan na ito.

Nagmamadali syang bumaba at dumiretso sa parking lot saka sumakay ng kotse nya at umalis.

----
KEEP UPDATED FOR MORE SPECIAL CHAPTERS :)

Please support
"AN EXTRAORDINARY LOVESTORY"

Published soon 🙂😊

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon