Chapter 63

29K 621 15
                                    



Umorder si Zach ng makakain namin. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ano man oras dadating si Vlad. Hindi kaya mabunyag na yun relasyon namin. Naku naman! Pahamak si Zach sa amin!

"Are you okay?" tanong sa akin ni Zach nang makabalik sya sa table namin.

"Ah-oo!" nakakagat ko na ang mga kuko ko sa kaba. Tsk!

"Hm- You seem nervous? Sigurado ka? Okay ka?

Tumango ako kaagad. Halata na talaga sa mukha ko ang kaba.
Maya maya dumating ang pagkain namin.

"Lets eat!" yaya nya sa akin. Hindi ko alam kung makakakain ako. Hindi ko maiwasan lumingon sa paligid. Vlaaaad!

"I forgot the tissue." said Zach na tumayo para kumuha sana ng tissue.

"Oh. What do we have here?"nagulat ako sa boses na narinig ko.

"VLAD!

Nakatayo sya sa harap ng table namin.
Umiikot na ang paningin ko. Suskopo! Sa itsura ni Vlad mukhang manununtok na sya.

"Vlad?" gulat na sabi ni Zach.

"What are you doing here?" dugtong nya pa.

"Passing by. And you're with my student.?

Tumango si Zach.

"You're dating huh?" Kalmado lang sya sa pagsasalita.

"Uhh- maybe?"pang asar na sagot naman ni Zach. "Wala syang kasama ng makita ko sya so I guess inaya ko sya for a date.

"Hmm- Hindi yun ang nakikita ko dito. She even don't like being with you.

Nagulat si Zach. Lumingon sya pabalik sa akin. Hindi naman ako makareact.

"What do you mean?" tanong nya kay Vlad na medyo pataas na ang tono.

"She really wants to be with me and not you.

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Balak nya na ba talaga ibunyag ang relasyon namin kay Zach?

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mo na noon palang iwas na sayo si Aly.

"Aly.!

Hinatak ako ni Vlad sa kinauupuan ko at.

"Vlad!!

Nagulat nalang ako at napapikit ng halikan nya ako. Sheeeemmmmaaay! Pinagtitinginan kami ng mga tao! Hindi ako makagalaw at hawak nya ako sa bewang ko.
Hindi rin makagalaw si Zach sa kinatatayuan nya. Pati ako nagulat!!

"She's mine!" biglang sigaw ni Vlad kay Zach pagkabitaw nya sa halik nya sa akin.

"So you and her?" tanong ni Zach na naguguluhan pa din.

"Yes! So you better know your place..

Hinatak ako paalis ni Vlad sa kinauupuan ko para lumabas sa restau, pinagtitinginan na kasi kami.

"Hey! Hindi mo alam ang kaya ko gawin. Kaya ko pa din maagaw sayo si Aly.." nagulat ako sa sinabi ni Zach. Dyosko! Nag aalboroto na si Vlad!

Binalikan sya ng tingin ni Vlad at ang sama na nya tumitig.
Nilapitan nya si Zach at hinawakan ito sa magkabilang kwelyo.

"Makakalimutan ko na naging estudyante kita once na gawin mo yan. You can't talk to her, even touch the tip of her hair. Kundi hindi lang suntok ang gagawin ko sayo.

Nun ko lang narinig si Vlad na ganun. Iba talaga ang galit nya kay Zach.

"Vlad. Tama na! "hinawakan ko sya sa braso para pigilan.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon