Hapon na at wala pa si Vlad. 6PM na at first time nyang ma'late. Nag aalala na ako."Nasaan na kaya sya?" hindi ako mapakali habang nakatayo. Nasa lobby na ako at naghihintay. Paulit ulit ako tumitingin sa phone ko kung nagtext ba sya. Pero wala.
"Vlad- "kinakabahan ako. Naupo muna ako para kumalma. Masama pa naman kapag kinabahan ako.
Ilan minuto pa ang lumipas. Napatayo ako ng makita ko sya na nagmamadaling lumakad papunta sa akin.
"Vlad!" tawag ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla nya ako yakapin. Yakap na mahigpit.
"Vlad? Okay ka lang ba?" tanong ko at nagtataka sa kinikilos nya.
"I love you." he said at parang nag alala ang tono nya.
"Are you okay?" tanong ko pagkabitaw ko sa yakap nya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.
"I need to take you home.." sabi lang nya at hinawakan nya ako sa kamay ko.
Iba ang pakiramdam ko sa kanya. May problema kaya sya? Tahimik nanaman sya.
Tuloy tuloy kami papasok ng kotse nya. Tahimik lang sya habang nagdadrive.
Pinagmamasdan ko lang sya."Vlad?
"Yes Love?
"Uhh- " Ano bang sasabihin ko! "Ah- wala. " nasambit ko nalang.
Tuloy lang sya pagdadrive. Hanggang sa maka uwi kami.
Hindi sya nagsasalita at ang mukha nya hindi maipinta."Were here." sabi nya ng makita ko nakaparada na ang kotse nya sa harap ng bahay.
"Love. Hindi kita maihahatid bukas. Kaya mo naman bumyahe bukas na mg isa. " nagulat ako sa sinabi nya.
"May lakad ka ba bukas?
Tumango lang si Vlad. Hinagkan lang nya ako sa labi at hindi na sya bumaba ng sasakyan.
"Vlad?
"I love you. And I'll do everything to protect you.." sabi nya at tumitig sya sa mga mata ko. Saka nya isinarado ang pinto.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Anong nangyayari kay Vlad..
Hindi ko maintindihan at naging malamig sya. May nagawa ba akong mali?"Anak?"nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Mama. Lumabas pala sya ng marinig nya ang busina kanina ng sasakyan ni Vlad.
"Ma." agad kong niyakap si Mama.
"May problema ba anak?" tanong nya sa akin.
"Si Vlad po.."
"Ha?
"Parang may nagbago po sa kanya..
----
Nakaupo lang si Vlad sa terrace, habang hawak ang isang bote ng alak. Biglang dumating si Aries.
"Umiinom ka?" tanong ng kabigan sa kanya.
"Aries. Ayoko madamay si Aly. Kaya wag mo na babanggitin sa kanya ang mangyayari bukas." said Vlad pagkatungga ng bote na hawak nya.
"Hindi pwede yun Vlad. Ano yun ikaw lahat sasalo ng consequences?
"Oo. Ako nalang. Tutal ako naman talaga ngpumilit sa lahat ng to'. At nangako ako sa pamilya ni Aly na poprotektahan ko sya. Ayoko masira ang pangako na yun. Ayoko masira ang tiwala sa akin ng mga magulang ni Aly.
Naupo si Aries. Pinagmamasdan lang nya ang kaibigan sa pag inom.
"Hindi makakabuti sayo yan Vlad. Sabihin mo na kasi kay Aly. Mag aalala sayo yun.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomansaHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...