Halos 1 week na ang lumipas. Bukas na ang graduation ko. Naeexcite ako at kinakabahan. Nakalatag na sa kama ang mga isusuot ko bukas. Ang dress na bigay ni Vlad ang balak ko isuot. Then ang itim na toga ko. Yun invitation at yun sumbrero. Pati yun sandals na isusuot ko nakaready na. Ako nalang ang hindi pa. Pakiramdam ko hindi ako makakatulog.Napahawak ako sa tyan ko. Babae ka kaya o Lalake? Hmm..
Naupo ako sa kama ko. At napadungaw sa bintana. Naiisip ko si Vlad, bukas na kami magkikita. Sasabihin ko na din ang tungkol sa baby namin. Ano kayang mangyayari sa amin pagkatapos nito? Sana matupad ko kay Vlad yun pangako ko na mabigyan sya ng masayang pamilya. Sa totoo lang nang makapasok ako sa bahay "namin" naimagine ko yun may mga batang nagtatakbuhan sa sala habang ako naglilinis at si Vlad naman nagluluto. Natatawa tuloy ako sa mga naiisip ko. Ano ba yan! Pagkapanganak ko dapat magtrabaho ako nako! Grabe na to ah!
TOK!TOK!
Nagulat ako sa kumatok at pinagbuksan ko yun ng pinto.
"Anak.. May naisip na ako ipangalan sa anak mo kapag babae.
Nagulat ako sa sinabi ni Mama at natawa. Talaga si Mama! Inuuna pa isipin yun di ko pa nga alam kung babae ba yun o lalake?
"Ano naman po yun Ma?" nakatawa kong tanong.
"Kapag girl, naisip ko pagsamahin ang pangalan mo at ni Vlad. Kaya pwede din ang Alliyah Venise.. O kaya Maria Veronica. Mas maganda yun? O kaya pag lalake Vincent o kaya isunod natin sa name ng Papa mo. Elliot..
Natawa ako sa mga naiisip ni Mama.
"Sige Ma. Kapag nalaman natin kung ano ang gender ni baby gagamitin ko yun mga naisip mong pangalan.
Nangiti si Mama at niyakap ako.
"Matulog kana. Para di ka stress masyado bukas. Congrats ulit anak.
Hinagkan ko si Mama. Nagpapasalamat ako at umayon lahat ang gusto ko.
Lalo ngayon makakatanggap pa ako ng award bukas. Isa din sa surprise ko kay Vlad.
Cum Laude ako.Inayos ko na ang mga dadalhin ko bukas at 8AM dapat nasa school na kami. Ayoko ma-late naku!
Matutulog na ako.----
"Will you marry me?" said Vlad habang nasa terrace at nag iisa.
"Mali. Mali. Masyadong pormal. "tumayo sya sa pagkakaluhod nya at naupo.
"Aly.. I want you to be my wife. Marry me. Hmm.. Wait I sound rude.. "napahawak si Vlad sa noo nya.
"Think Vlad. Ngayon pa ako hindi makapag isip ng maayos. Bukas na yun Vlad. Everything is ready. My god.. Kinakabahan ako.." napahawak sya sa dibdib nya.
"Calm down Vlad. I know you can do it. Tomorrow I'll make Aly the happiest woman ever.
Ngumiti sya at muling binuksan ang kahon na naglalaman ng singsing nila ni Aly.
----
ATE'!!!!
Nagulat ako sa sigaw ni Allen. Bumangon agad ako.
"Ano ba Allen.. Inaantok pa ako!"sabi ko habang inaantok pa.
Nakita ko si Allen sa loob ng kwarto ko.
Nakabihis na?"Bakit nakabihis kana?"tanong ko habang napipikit pa.
"LATE KANA!!
Nagulat ako sa sigaw ng kapatid ko. Napatayo ako sa higaan. At lumingon sa alarm clock ko. Dyos ko po! 7AM na!!
"Maliligo na ako!" sigaw ko kay Allen at inabutan ako ng twalya. Nagtatakbo ako papuntang cr.
Mabilis akong kumilos maligo. Pagkatapos dumiretso agad ako sa kwarto para magbihis. Narinig ko na ang boses ni Mama na tapos na sila at ako nalang ang hinihintay.
Naglatuyo ako ng buhok para kahit papano maayos naman. Hindi na ako nakapaglagay kahit lipstick man lang, pagkasuot ko sandals ko bumaba na agad ako dala ang invitation. Nakita ko sina Papa na naghihintay na sa ibaba."Sa sasakyan kana mag ayos," sabi ni Mama at kinuha ang gamit ko. Lumabas na kami at nakaparada na ang sasakyan sa labas. Pagkasakay namin at wala nang nakalimutan nagsimula ng magdrive si Papa.
----
"Nasan na si Aly?" tanong ni Drake kina Jelly at Yanie.
"Late yun." said Yanie.
"Naku. Ngayon pala sya naging late. Kung kailan graduation na." said Drake at napahawak sa buhok nya.
"Dadating na yun. Hintayin na natin."
JEL!YANIE!
Nagulat ang dalawa ng marinig ang sigaw ko.
"Sa wakas ang VIP dumating na!"narinig kong sinabi ni Drake. Hinampas ko kaagad sya sa balikat nang makalapit ako sa kanila.
"Mukhang di ka gaano nakapag ayos?" tanong naman ni Yanie.
"Na-late ako ng gising." sagot ko na nakatawa pa.
"Anak. Papasok na kami sa loob. Kina Drake kana ba sasabay?" biglang tanong ni Mama na nasa likod ko pala. Tumango ako.
Nauna na sila pumasok at kami naman kailangan pa hanapin si Mam Cathy.
"Nasaan si Sir Vlad?" bulong ni Yanie habang hinahanap namin si Mam Cathy.
"Wala pa nga eh. Sabi nya ngayon kami magkikita. Wala ngang text eh."sabi ko at napasimangot.
"Malay mo naman may surprise yun." said Jelly.
"Sana nga dumating na sya..
----
Huminto ang sasakyan ni Vlad sa parking lot sa tapat ng building ng Commerce. Nakita sya agad ni Aries na nakabihis na at papunta na sa auditorium.
"Vlad!" tawag sa kanya ni Aries. Nilapitan nya ang kaibigan.
"Ready kana?" tanong ni Aries.
"Oo. Kagabi pa."sagot naman ni Vlad na nakangiti.
Nakaitim syang suit at peach na long sleeve. Naka sunglasses sya at may dala syang bouquet of sunflowers. Kinapa nya sa bulsa nya ang kahon ng singsing. At ngumiting muli.
"Kaya mo to' Vlad!" bulong nya sa sarili.
Sinabayan nya na si Aries na magpunta ng auditorium. Narinig nila na nagsisimula na ang programa. Kaya nagmadali na din sila.
----
Pagkapasok nila ng auditorium nagsisimula na ang speech ni Pres. De Jesus. Naghanap ng mauupuan si Vlad at Aries. Natanaw nya sa upuan nya si Aly na nakaupo sa bandang harapan katabi sina Jelly at Yanie.
"Andun na pala sya.."bulong nya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso nya.Bumaba na sa stage ang presidente ng university at sumunod na umakyat ang Dean ng Commerce para sa isang maikling panimula.
Tahimik ang mga estudyante. Habang nasa kabilang side naman ang mga magulang at iba pang mga bisita. Naka upo lang si Vlad at pinagmamasdan si Aly. Kinuha nya ang phone nya para itext ito at ipaalam na nandun na sya.
----
ENJOY READING AND DONT FORGET TO VOTE..
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...