Extra Chapter

16.6K 339 45
                                    




Kasalukuyan abala ang mga estudyante sa unang araw ng ika 112nd Foundation Week ng kanilang unibersidad. Walang klase ang mga kursong pinayagan sumali sa mga aktibidad habang ang mga freshman ay nagkaklase hanggang tanghali. Walang kibo ang Law Major Professor na si Vladimir habang hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Nasa harapan niya ang ilan estudyante from Criminology na may klase sa unang araw ng Foundation Week. Inaasahan niyang hindi siya magtuturo ngayon araw dahil lahat ng estudyante mula sa College of Business and Finance ay kabilang sa mga university activities. Ilan oras lang naman ang ilalabi niya sa klase pero hindi siya makapaghintay dahil alam niyang nasa school grounds si Alicia at tumutulong sa itinayo nilang booth ngayon taon.

"Ang tagal ng oras." aniya at sinilip ang relo sa ikasampung beses. Wala naman talaga siyang plano na magturo sa tatlong araw na idadaos ang taunang pagdiriwang ng anibersaryo ng unibersidad pero nang makiusap sa kaniya ang Dean ng Criminology, wala siyang magawa. Kaya heto nagsisisi siya.

Food Booth ang itinayo ng grupo nina Alicia mula sa Section A Sophomores. At maaga palang ay nakita na niya ang dalaga na may mga dalang kaldero at sandok habang papasok sa eskwelahan. Hindi niya maalis ang ideya na makikita niya itong nagluluto. Gusto niyang tumikim at kumain, kumain ng niluto ni Aly.

"Sir! Tapos na kami!" sigaw ni Rico, isa sa mga Criminology students. Nagbigay kasi siya ng re-take exam para sa mga bumagsak sa nakaraan midterm. Nagtakbuhan ang mga estudyante patungo sa mesa niya para ipasa ang kaniya-kaniyang exam. Kahit sila ay sabik lumibot sa buong unibersidad para subukan ang ilan booths na tinayo ng mga kaklase.

Isinilid niya sa bag ang mga gamit at libro. Matapos ay isinara ang silid. Nagtungo siya agad sa Faculty Room para iwan doon ang mga exams ng mga bata.

*****

"Nasaan na yon frozen fries natin?" tanong ni Jelly pagkababa niya ng isang case ng coke. Lumapit agad si Drake sa kaniya at pinalo ang kamay niya.

"Aray! Bakit ka namamalo!" sigaw agad ni Jelly. Salubong ang kilay ni Drake na sumagot. "Hindi ko sinabing buhatin mo yan! Sabi ko magluto lang kayo mga babae diba. Bakit ang titigas ng ulo niyo!" humaba ang nguso ni Jelly nang marinig iyon. Nagmeeting kasi sila bago buksan ang itinayong booth. Ang mga lalake lang ang magbubuhat at mga babae naman ang mag-aasikaso sa pagluluto. Habang siya ay pasaway pa din nagbubuhat.

"Ilan lang ba kayong lalake? Dalawa! Ikaw saka si Janus." pataray niyang katwira at saka inirapan ang binata. Napakagat sa labi si Drake habang pinipigilan mainis.

"Hoy, mag-aaway talaga kayo ngayon pa! Kung kailan ang daming bumibili!" sigaw sa kanilang dalawa ni Yanie. Hawak nito ang sandok na ipinapanghalo niya sa pagpiprito ng kikiam at fishball.

"Eto kasi, ang kulit!" padabog si Drake at kinuha ang case. Sinimulan niyang isalansan ang mga iyon sa dinala nilang cooler. Dumating naman si Janus dala ang dalawang plastic ng ice cubes.

"Yanie! Paano ba to?" natutulirong tanong ni Aly sa kaibigan. Nakatingin siya sa blender at hawak niya sa kaliwang kamay ang takalan ng chocolate powder. Isa sa mga tinitinda nila ay shakes at si Aly ang nakatoka dito.

"Sukatin mo ng kutsara para hindi masiyadong matamis." sabi ni Yanie at tinulungan ang kaibigan. Hindi niya pwedeng asahan si Aly sa pagluluto. Ilan beses na kasi itong nakasunog at takot sa tumatalsik na mantika ang kaibigan. Kaya wala siyang choice kundi akuin ang lahat.

"Pabili nga po!" sigaw ng isang babae kasama pa ang isang grupo. Hindi magkanda uga uga ang magkakaibigan sa bugso ng mga bumibili. Hindi nila alam ang uunahin. May bumibili ng softdrinks, ng fisball, ng french fries at shake. May isa pa na nagrerequest ng halo halo.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon