Balik sa present time:Hindi ko maiwasan matawa sa mga naikwento ko at kwento ni Veena. Ginawa talaga ni Vlad yun para lang magkasama kami. Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatawa. Mas maloko pala si Vlad kaysa sa akin.
"Oh? Okay lang kayong dalawa?" tanong ni Vlad pagkabukas nya ng pinto.
Napalingon kaming dalawa ni Veena sa kanya at hindi maiwasan matawa kapag naalala ko ang ginawa nya.
"Veena?" tanong nya sa kapatid.
Napailing si Veena.
"Wala ako sinabi Kuya!!
Inilapag ni Vlad ang dalang pagkain sa table. Hindi ko naman maiwasan mapangiti.
"Nagugutom na ba kayo? Kumain na tayo.." he said.
Binuksan nya ang dala nyang pagkain.
Nilapitan ko sya at hinalikan ko sya sa pisngi. Nagulat si Vlad."Love?
"I love you." I said to him.
Hinawakan nya ako sa bewang ko at niyakap ako.
"You missed me already?" malambing nyang tanong. Tumango ako. At hinalikan nya ako sa noo.
"EHEM! Nang iinggit po ba kayo?" tanong ni Veena na naghihintay pala abutan ng pagkain.
Natawa kaming dalawa ni Vlad. Naghiwalay muna kami at inasikaso namin si Veena.
May dalang spaghetti si Vlad at ice cream. Yun daw ang paborito ni Veena na combination.
Nakakatawa dahil paborito ko din yun. Naupo kaming dalawa ni Vlad sa tabi ni Veena."You eat like a kid.. "said Vlad na nakangiti habang pinagmamasdan ako.
Napataas ang isang kilay ko at nagtaka sa sinasabi niya. Bigla nalang nyang hinawakan ang pisngi ko at pinunasan ang sauce ng spaghetti sa pisngi ko gamit ang kamay nya.
"Ay- sorry!" I said at bigla ako naghinay hinay sa pagkain.
"Its okay. I like it.
Nagulat ako sa sinabi nya. Medyo nakaramdam ako ng hiya pero natuwa ako sa ginagawa nya. Tumayo sya para ikuha kami ni Veena ng maiinom.
"Ate- Nakita mo na ba magalit si Kuya?"Bulong sa akin ni Veena.
Nagtaka ako.
"Hindi pa. Bakit?"
Umiling si Veena."Nakakatakot magalit yan si Kuya eh."
"Nagalit na sya?
Tumango si Veena. "Dati pa yun.. May lalake kasi noon nagkagusto sa akin. Kaya lang ayun niloko ako. Hindi naman ako niligawan pero iniwan nya kasi ako ng walang pasabi siguro kinaayawan ako dahil sa may sakit ako.
Nalungkot ako sa sinabi ni Veena.
"Hindi naman siguro dahil dun..
Napailing si Veena.
"Yun naikwento ko sayo kanina. Galit na galit si Kuya nun nalaman nya na iseset ka sa Marriage Booth. True yun. May mas malala pa dun.
Nagulat ako.
"Ano! Ano!"curious kong tanong.
"Anong pinag uusapan nyo dyan!" tanong sa amin ni Vlad na nakatingin na pala. Bigla kaming naghiwalay agad ni Veena.
Naupo sya sa gitna namin ni Veena. Hindi na tuloy yun pinag uusapan namin. Inabot sa akin ni Vlad ang isang baso ng juice at ganun din kay Veena.
"Aly. Bukas kakausapin ko si Aries." said Vlad habang hawak hawak nya ang plato ko.
Nagulat ako.
"Ha? Akala ko ba hindi na natin sila pakekealaman.
"Oo nga. Bibigyan ko lang ng warning si Aries. Ayoko nga na pakealaman sila pero ayoko din silang mapahamak at isa pa kaibigan mo ang girlfriend nya diba?
Napatango ako.
"So I need to talk Aries tomorrow.. Just stay quiet around Yanie.
Tumango ulit ako.
Sumandal ako sa likod nya dahil nakaupo at nakatagilid sya sa akin at nakaharap sya kay Veena. Ang bango bango ng likod nya. Bakit ba laging ang bango bango nya? Ano kayang feeling ang katabi sya matulog? Magkayakap kaya kami magdamag? Kinikilig nanaman ako.
"Love? Are you okay?" nagulat ako ng bigla nya akong hinawakan sa hita ko.
Napaangat tuloy ako sa pagkakasandal ko sa likod nya.Kitang kita ang pagkamula ng mukha ko.
"Are you okay? Are you tired?" Sunod sunod na tanong nya.
Humindi ako at inayos ko ang pagkaupo ko. Hindi ko inaasahan hahawakan nya ako sa hita ko. Eh diba nga nahalikan na din nya yan hita ko..
Nag init ang mga pisngi ko. Malamig sa kwarto pero feeling ko pinagpapawisan ako ng sobra sa kaba.
"Hey..
Tinabihan nya ako at dumikit sya ng bahagya sa akin. Nilagay nya ang braso nya sa bewang ko at ang mukha nya nasa balikat ko.
"Umm- Love?
"Yes?" sagot nya.
"Tubig." yun nalang ang nasambit ko sa kaba ko. Ikaw ba naman magkaboyfriend ka ng katulad ni Vlad pakiramdam ko naka jackpot ako at isa pa hindi mawala wala sa isip ko yun sinabi ni Yanie nung nakaraan.. Bakit ba ayaw ako tantanan ng word na yun!! Eh ano kung virgin pa ako kahit na 23 na ako!!
Inabot ni Vlad sa akin ang isang baso ng tubig. Ininom ko kaagad yun saka sumandal sa couch. Pinapanood lang kami ni Veena.
Hapon na ng magdecide si Vlad na ihatid ako pauwi. Nagpaalam ako kay Veena. Natutuwa ako at napapasaya namin si Veena kahit na alam namin na nalulungkot sya at kulong sya sa ospital. Malungkot naman talaga sa ospital.
Hawak ni Vlad ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang parking lot. Bukas may pasok at hindi kami magkakaroon ng quality time. Well, okay lang naman at least safe kami at ang relasyon namin.
Gustong gusto kong kausapin si Yanie pero nagpipigil ako at may ibang plano si Vlad. Nagtitiwala ako sa kanya.
"Were here." said Vlad at pinagbuksan ako ng pinto.
Pumasok ako at naupo sa passenger seat sa harapan. Hinihintay ko syang pumasok sa loob. Nakita ko syang may kausap sa phone. Mukhang importante.
"I'm sorry Love. May tumawag na client. " he said pagkabukas nya ng pinto ng kotse.
"Client?
Tumango sya.
"Oo. Bagong kaso.
Nagulat ako. Kaso? So about sa attorney profession nya.
Nagstart na sya magdrive. Hindi ko na naitanong kung tungkol saan yun at wala din akong alam dun.After a couple of minutes nakarating kami sa bahay. Hindi pa naman masyadong late. Inihinto nya ang kotse sa harap ng gate namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto.
"Love.. I wanna remind you kapag hindi ako pumasok sa school it means nasa court hearing ako or my appointment ako. " he said at humalik sa pisngi ko.
"Oo naman.
"I love you- "he said it again.
Niyakap ko sya bago ako pumasok sa loob. Bumalik sya sa kotse nya at umalis na din.
Napahawak ako sa dibdib ko. Iba ang kaba ko sa propesyon nyang yun. I mean sa pag aabogado nya. Alam ko magandang propesyon yun pero sa pag kakaalam ko madaming galit sa pamilya nya dahil sa maling bintang sa Papa nya. Wag sana makaapekto sa kanya at sa amin yun ngayon..
----
Enjoy reading and thank you for voting :)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...