Chapter 39

31.7K 586 19
                                    



Matapos namin kumain at matapos magpanic ng aking kalooban kanina sa ginawa ni Vlad. Nakahinga na din ako ng maluwag.

"Wait Love." paalam sa akin ni Vlad ng narinig kong tumunog ang phone nya. May tawag sya.

"Sige.

Lumabas sya ng bahay para sagutin ang tawag na yun. Pinagmamasdan ko lang sya mula sa itaas.

Sino kaya yun tumawag?

"Aly-

Nagulat ako ng marinig ko si Mama. Nasa tabi ko pala sya.

"Ma?

"Masaya ako at okay ang relasyon nyo ni Vlad.

Napangiti ako.

"Salamat Ma at sinuportahan mo kami. At kahit na may past kayo ng tatay ni Vlad. Isinantabi ninyo yun para po sa amin.

Bigla akong niyakap ni Mama.

"Basta tandaan mo Anak. Sa isang relasyon hindi palaging masaya darating ang mga problema na pwedeng sumira sa nyo pero mahalaga lumalaban kayo at magpakatatag.

Tinanguan ko si Mama. Hinagkan nya ako sa pisngi at umalis na.

"Matulog na kayo maya maya." Bilin ni Mama.

Nakita kong paakyat na si Vlad. Iba ang awra ng mukha nya.

"Vlad? Okay ka lang ba?" tanong ko ng mapansin ang pag iba ng mood nya.

"Love. Tinawagan ako ng private investigator ko.

Nagulat ako. Private ano daw?

"Love. May lead na sila sa nagpapatay kay Papa.

Hindi maipinta ang mukha ni Vlad. Namumuo ang galit sa mga mata nya. Nun ko lang sya nakitang ganun.

"I'll make them pay for what they've done to my father."matigas nyang bigkas.

"Love. Hindi ba delikado yan?" tanong ko na nag aalala. Hindi ko maiwasan.

"Don't worry. I'm okay. At hindi ako mapapano.

Niyakap nya ako. Alam ko kung gaano kahalaga kay Vlad ang paghahanap at pagbibigay ng hustisya sa Papa nya. Pero natatakot naman akong may mangyari sa kanya sa pag iimbestiga nya dito.

"Lets go to sleep."yaya nya sa akin. Hinawakan nya ako sa mga kamay ko at inaya sa mga kwarto namin.

"Love."bumitaw ako sa kamay nya, nang makarating na kami sa mga kwarto namin.

"Huh?

"Nag aalala ako sayo.." I said.

"Love. Don't worry about me. I'll be fine.

"Pero galit ka kanina. I mean nang malaman mo na may lead na. Nababasa ko sa mga mata mo.

"Aaminin ko. Galit ako. Galit na galit. Pero hindi ako gagawa ng anuman hakbang na pwede kang mag alala. I promise I won't.

Hinawakan nyang muli ang mga kamay ko. Lumapit sya ng bahagya sa akin.

"Lets sleep together.." bulong nya sa akin.

Hindi ako makahindi. Oo!! OO NA NGA!!

Hinila nya ako papasok sa kwarto nya. This time hindi ako kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit..

Naupo ako sa kama. Nagulat ako ng maghubad sya ng shirt nya. Maaayyyygadddd!!!

Napapikit ako. Natawa sya ng makita ako.

"Bakit nakapikit ka.."nilapitan nya ako at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Eh kasi ano-

"Gusto lang kita makatabi matulog.. That's all..

Nagulat ako sa sinabi nya. Hinila nya ako at napahiga ako sa kama. Nasa ibabaw ko sya. Kitang kita ko ang mala model nyang katawan. Kung hindi ko pala sya kilala malamang sasabihin kong model sya at hindi abogado.

"I love you." he said and he just kissed me.

Nakatitig sya sa mga mata ko. Hindi ko maiwasan mapatitig din sa kanya. Ang ganda ng mata nya at napakalambing nyang tumingin.

Isinandal nya ang ulo nya sa bandang dibdib ko.

"I love you.. I love you.." paulit ulit nyang sabi habang pinapakinggan nya ang heartbeat ko.

Hinaplos ko ang buhok nya. Napakalambot nito at ang sarap hawakan. Napakabango pa.

Hindi ko napansin nakatulog na pala sya sa ginagawa ko. Nakatulog sya sa dibdib ko habang ang mga kamay nya nasa braso ko.

Napacute nya. Hihi~

----

I love you Aly.. I'll be going now..

Hindi ko alam kung nananaginip ako. Parang narinig ko ang boses ni Vlad na nagpapaalam at naramdaman ko ang labi nya na hinalikan ako sa noo.

Napadilat ako!

"Huh?" bumangon ako sa higaan.. Nakakumot sa akin ang damit na suot ni Vlad kagabi.

Wala sya sa tabi ko. Lumabas agad ako ng kwarto at nakita ko si Mama.

"Ma! Nasaan po si Vlad?" agad kong tanong.

"Nagpaalam sya sayo. Nauna na sya bumalik sa Manila. Nabanggit nya sa akin may importante syang meeting sa private investigator nya.

Nagulat ako.

"Ganun ba.. Sana okay lang sya.."bumalik ako sa kwarto at dala pa din ang shirt nya.

Hindi ko maiwasan mag alala. Kahit na alam kong nangako sya na wala syang gagawin nag aalala pa din ako.

Niyakap ko ang damit nya. Nakita ko ang phone sa ilalim ng unan. Kinuha ko yun at may text message.

Sms from: Vlad my Love<3

Goodmorning Love. Sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo ng maayos. Don't worry about me. May kailangan lang akong ayusin sa Manila. Magkita nalang tayo sa Lunes. I love you so much..

Nangiti ako sa text nya. Hindi nya nakakalimutan magtext. Okay na din ako sa ganun. Kaysa walang text.

Parang naalala ko pa ang mga nangyari kagabi. Hindi nga kami nag ano- pero mas sweet pa dun ang ginawa namin. Magkatabi kami natulog. Well, nag aabang pa din ako kung kailan kami mag aano- Alam nyo na yun.. Baka dun maihi na talaga ako. For sure. Ibitin pa nya ako na patiwarik.

----

Linggo ng hapon kami umuwi nila Mama. Nagpaalam na ako kina Lolo at nangako naman sila na dadalaw sila sa graduation ko at syempre bago yun uuwi kami sa kanila sa Pasko.

Ibinilin din nila si Vlad na isama ko ulit pati ang kapatid nito.

Bumyahe kami nila Mama ng hapon at halos gabi na kami nakauwi sa bahay. Itinext ko na din si Vlad na nakauwi na kami. Alam ko busy sya kaya hindi na ako nagexpect pa ng reply.

Pagkadating namin sa bahay, pinili ko kaagad na humiga sa kama kaysa ang maligo. Hagard sa byahe then syempre walang kiss mula sa Vlad ko kaya yun matamlay ang Alicia.

Ang daming nourishment ng kiss at yakap nya ha. Feeling ko blooming ako at hyper to the max! AS IN TO THE MAX!!

Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko. Yakap ko pa din ang tshirt nya. Hanggang sa makatulog ako.

[Veena Calling...]

----

Enjoy reading and thank you for voting mga ka #TeamVladAlyForever 💟✌🏻️

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon