Chapter 66

25.8K 553 12
                                    



Buong hapon na akong naghahanap sa mga bata at kay Vlad. Naiinis na ako. Nasaan na ba sila!

Naupo ako sa bench na nasa harap ng bahay. Halos napagod na ako kakahanap sa kanila. 6PM na at wala pa din sila, nag aalala na ako!

"Wala pa din sila, Aly?" tanong sa akin ni Mama. Bumaba pala sya.

"Wala pa Ma. Nag aalala na ako!" sabi ko na talagang nag aalala na at naiinis na.

"Nandyan lang ang mga yun. Parang hindi ka nasanay." sabi ni Mama na nakatawa.

"Iba ngayon, kasama po nila si Vlad. Paano kung napagtripan yun? Iba pa naman yun magalit.

Napapakamot ako sa ulo ko sa kakaisip.

"Sumama kana lang sa amin sa itaas at tumulong maghain. Nang hindi ka nag iisip ng kung ano ano..

Bigla ako hinatak ni Mama paakyat, hindi na din ako makatanggi.

Malapit na din kasi maghapunan kaya tumulong nalang ako maghain.
Inaayos ko na ang mga plato ng biglang makarinig ako ng mga nagtatawanan at papaakyat.

Nakita ko sina Jer, Yoshua, at ang magkakapatid. Pati si Vlad na..

"BA'T GANYAN ITSURA MO!" sigaw ko ng makita ko syang punong puno ng putik sa katawan daig pa nya magsasaka.

Hinawakan ko kaagad sya sa pisngi.

"Anong nanagyari! Bat ganyan itsura mo at ang-"hinawakan ko ang ilong ko." Ang baho mo!" sabay sabi ko habang nakatakip ang ilong ko.

Tinawanan lang ako ng mga bata at nila Mama.

"Love, I've been to games.

Nagulat ako. Napataas ang isang kilay ko at lumingon ako sa mga bata.

"Ano nanaman mga kalokohan ang pinagawa nyo kay Vlad!" sigaw ko sa kanila.

"Eh- ano- kasi  Ate-" nauutal na si Yoshua. Pinsan ko nga!

"Hindi kayo nag paalam sa akin at talagang ginising nyo pa si Vlad eh nagpapahinga to!"sigaw ko ulit. Naiinis kasi ako.

"Love- its not their fault-

"SHHHH! Wag kang magsalita dyan ha. Isa ka pa! Hindi mo man lang ako ginising at nagpaalam ka.

Nagulat si Vlad tumahimik sya sa pagsasalita.

"Kayo ha! Ang dami nyo ng kasalanan sa akin ha. Nakuuu!!

Natahimik ang mga bata. Hindi alam ang sasabihin.

"Love.."tawag ulit ni Vlad. Lumingon ako at-

Nakita ko ang isang-

"Biik?" nagulat ako sa nakita kong hawak nyang biik.

"Ano yan?"tanong ko ulit.

"Hinuli ni Kuya Vlad yan para sayo."sigaw bigla ni Yoshua.

"Sa akin?"sabay turo sa sarili ko.

"Yeah. They told me na gusto mo manalo ng biik sa palaro. Kaya ito hinuli ko.

Natulala ako sa hawak nyang biik. Totoo naman na gusto ko talaga makahuli nun dati pa. Kaya lang hindi ako makakasali dahil mga lalake ang kadalasan sumasali dun.

"Hinuli mo talaga yan?

Tumango si Vlad at ngumiti sa akin. Inabot nya sa akin ang biik. Medyo nawala ang inis ko at natawa nalang sa biik na hawak ko.

"Are you still mad?" tanong ni Vlad.

Umiling ako at niyakap sya.

"Salamat dito." bulong ko sa kanya.

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon