Vicente.."Si Papa?"tanong ni Vlad na nalilito pa din.
"Lolo? Bakit nyo kilala ang tatay ni Vlad?" tanong ko pabalik kay Lolo.
"Anak kana ni Vicente?
Pinalapit ko si Vlad kay Lolo.
"Amelia. Nasaan si Amelia!" bigla nyang hinanap si Mama.
"Bakit po Papa?" pumasok si Mama sa kwarto.
"Amelia. Amelia!! Si-si Vicente!
Nagtataka kami sa ikinikilos ni Lolo ng makita nya si Vlad. Ngayon si Mama naman ang hinahanap nya.
"Papa, huminahon kayo. Baka atakihin nanaman kayo nyan..
Ibinalik ni Mama si Lolo sa pagkakahiga.
"Amelia- Si Vicente.. Hindi mo ba naalala. Sya yun una mong kasintahan..
Nagulat kami ni Vlad sa narinig. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Papa. Matagal na yun. Iniwan ako ni Vicente kaya nga si Eduardo ang napangasawa ko ang tatay nina Aly at Allen.
"Oo.. Pero sya si Vicente!"pagpupumilit ni Lolo kay Mama at hindi maalis ang pagkakaturo nya kay Vlad.
Niyaya ko muna si Vlad na lumabas ng kwarto. Kasama namin si Tita Lucia.
"Okay lang ba ang Lolo mo?"nag aalalang tanong sa akin ni Vlad.
Umiling ako at nalilito pa din. Sino ba si Vicente? Ang alam ko ang tatay lang ni Vlad ang alam ko may pangalan ganun.
Naupo kaming dalawa habang hinihintay si Mama na lumabas.
"Totoo kaya yun sinabi ni Papa?" biglang tanong ni Tita Lucia.
Lumingon sya kay Vlad."Tita?
"Vicente? Anong apelyido mo Vlad?"tanong nya.
"Ang buo ko pong pangalan ay Vladimir John E. Gonzales.
Hindi maipinta ang mukha ni Tita ng marinig ang buong pangalan ni Vlad.
"Anong pangalan ng tatay mo, nung binata pa ito?" Tanong nya ulit kay Vlad.
"Si Papa po? Juan Vicente Gonzales.
Nagulat si Tita sa narinig.
"Dyoskopo! Totoo nga!
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Vlad.
"Hawig mo nga si Vicente nung binata pa ito. Tama si Papa..
"Tita. Hindi ko maintindihan.." sabi ko.
"Wait. "nagpunta ng sala si Tita at may kinuhang isang litrato sa isa sa mga drawers sa may sala. Nagmamadali syang kuhanin yun at binalikan kami.
"Eto! Eto!
Hawak ni Tita ang isang litrato na halos black and white pa ata ang kulay. Tinuro nya ang isang lalake na nakatayo sa likod ni Mama.
"Papa.." narinig kong sinabi ni Vlad.
Tatay nga nya yun?
"Its my father. But how? Aly's mom? Hindi ko maintindihan."sunod sunod na tanong ni Vlad kay Tita.
"Si Vicente at si Amelia ang nanay mo Aly. Ay makasintahan noon.
Nagkatinginan kami ni Vlad. Mas lalong naging magulo.
"Si Vicente kasi nung nakilala namin. Dayo lang sya dito. Mga edad 15 ako nun ng makilala ko sya. Sya ata nasa 18 ata sya nun. Kasi 16 lang si Amelia nun.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...