Maaga ako nakauwi. Hinatid ako ni Drake sa bahay. Okay na kami sa wakas.
Si Vlad nalang ang dapat ko kausapin.Naupo ako sa upuan na katabi ng study table ko. Nag iisip ako kung itetext ko ba sya o bukas dadalaw nalang ako kay Veena. Maari pa kami makapag usap dun.
Kinuha ko ang phone na katabi ng mga books ko, nakapatong sila sa study table ko.
"Itetext ko na nga lang.. " I said to myself.
Sinubukan ko magtext pero hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.
Hi. Kamusta kana?
Isinend ko sa number nya. Naghihintay ako ng reply nya. Nainip ako sa pagkakaupo kaya nahiga ako sa kama ko.
Still...
10 minutes..
15 minutes..
30 minutes..
Wala pa din reply. Napayakap ako sa unan ko. Baka busy sya. Hindi ko maiwasan malungkot sa naging reaksyon nya nung huli kami nag usap. Na disappoint ko sya. Then hindi nya ako pinapansin sa school. Bumalik sya sa ugali nyang seryoso at parang laging galit sa mundo.
Mukhang dadalaw nalang ako sa ospital bukas para malaman ko kung ano bang nangyayari kay Vlad. Hindi talaga ako mapakali.
Sa sobrang pagiisip ko tungkol sa kanya. Nakatulog ako. Hindi ko namalayan may tumatawag pala sa phone ko..
[Vlad Calling]
----
Maaga ako gumising. Kinatok ako ni Mama at magpapaalam sya dahil aalis sila ni Papa.
Bumangon ako sa higaan ko. Kinuha ko kaagad ang twalya para maligo.
"Maliligo ako Allen. Aalis ako sandali!" bilin ko kay Allen ng makita ko syang nanonood ng tv sa sala.
"Sige. Hindi naman ako aalis." sagot nya sa akin.
Pumasok ako ng cr at nagsimulang maligo. Hindi na ako gaano nagpatagal pa sa cr. Gustong gusto ko na makausap si Vlad. Sasagutin ko na talaga sya. Kasi mahal ko sya.
Matapos kong maligo, nagbihis ako. Wala akong jeans. Kainis! Nagdecide ako magdress at no choice ako. Hindi pa pala ako nakakapaglaba kaya yun naubusan ako ng isusuot. Matapos ko magpatuyo ng buhok. Nagsuklay ako at kaunting pulbos lang okay na.
"Aalis na ako!" paalam ko kay Allen.
Nagsuot ako ng sandals at lumabas na. Lumakad ako na kaunti papunta sa bus stop. Hindi ako pwede magtaxi at mapapamahal ako.
Wala pang 30 minutes nakarating ako ng ospital. Tuloy tuloy ako naglakad papasok sa loob at dumiretso paakyat ng 2nd floor.
TOK!TOK!TOK!
Kumatok ako bago ko binuksan ang pinto.
Nakita ko si Veena na nakahiga."Veena-
Pumsok ako sa loob. Nakita kong bumangon si Veena at narinig nya atang pumasok na ako.
"Ate-
Hindi ko alam kung bakit ganun ang itsura ni Veena. Nilapitan ko sya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko pagkahawak sa kamay nya.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is The Professor!
RomanceHR : #2 Teen Fiction / #1 Comedy -UNDER MAJOR EDITING- Alicia entering her last year as a college student hoped it would be much peaceful than any other years. But to her surprise, the most terror and coldhearted Law Major Professor Vladimir ask her...