Chapter 75

26.7K 557 16
                                    




2 weeks na ang lumipas simula ng mabunyag ang tinatago namin relasyon ni Vlad sa school. Napatanggal sya sa university at tinanggalan sya ng lisensya sa pagtuturo. Kasunod pa nun ang madaming batikos sa kanya at panlalait na narinig ko sa school. Masakit man kahit na alam kong hindi totoo yun. Pinipilit ko na wala akong naririnig. Pinipilit ko magpakatatag. Bakit pa naging ganito kung kailan okay na kami? Malapit na graduation ko? Matatapos na ako at hindi nanamin kailangan pa magtago. Pero nasira pa din ang plano namin.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Yanie. Nasa mall kaming dalawa. Inaya nya ako na lumabas kami dahil medyo hindi nagbabago ang mood ko, malungkot at parang malayo ang iniisip. Hindi kami nagkikita ni Vlad at hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.

"Iniisip ko si Vlad.." sabi ko habang iniinom ang isang baso ng juice.

"Puntahan mo." said Yanie.

"Hindi ko nga alam kung saan sya nakatira ngayon..

"Ay oo nga pala. Gusto mo tanungin ko kay Aries.." Nagulat ako.

"Totoo? Tanungin mo please!" Sabi ko at napahawak ako sa kamay ni Yanie. Gusto ko na talaga makita si Vlad. Mababaliw na talaga ako.

Tumango si Yanie. Niyakap ko sya bigla.

"Salamat ha." sabi ko habang yakap ko si Yanie.

"Oo basta wag kana malungkot ha. Alam mo naman hindi ako sanay eh..

Tumango akong nakangiti. Matapos namin kumain, namasyal kami sandali sa mall at umuwi na din. Next time na papasyal kami dapat kumpleto na kami nila Jelly. Malapit na ang March. Halos bilang na bilang na ang araw. After namin maka graduate baka mas lalo kami mawalan ng time na magkabonding. Kaya sasamantalahin nanamin ngayon.

February na pala. Valentines na tapos ganito kami ni Vlad. Kainis naman.. Sana malaman na agad ni Yanie ang address ng bagong bahay ni Vlad.

----

Kinabukasan, maaga ako pumasok. Medyo traffic kasi at baka malate ako.
Halos 1 hour din ang byahe buti nalang talaga hindi ako nalate.

"Goodmorning Mam.." bati ko kay Mam Sheila ng masalubong ko sya sa elevator.

"Aly, ikaw pala yan. Hindi ko ata nakikita si Vlad? May problema ba kayo?" tanong nya.

"Po? Wala naman po busy lang sya.

"Hmm.. Sa bagay. Kapag naging busy yun parang kabute yun. Bigla biglang nawawala. Then susulpot.." sabi nya habang nakatawa. Nasa loob na kami ng elevator at papaakyat ng 3rd floor.

"Malapit kana pala gumraduate no.."

"Ah..opo..

"Sana dito kana lang magtrabaho..irerecommend kita tutal maganda naman ang performance mo.

Nagulat ako sa sinabi ni Mam Sheila. Hindi ko iniexpected na sasabihin nya yun. Sa bagay baka nga talagang maganda ang performance ko, ayoko din naman kasi ipahiya si Vlad. Palagi nalang nya ako tinutulungan. Ang tanging maisusukli ko sa kanya ay yun magaral ako ng mabuti. Yun lang masaya na sya.

"Salamat po Mam. Wag po kayo mag alala dito po ako mag aapply after ng grad ko.

Ngumiti sa akin si Mam Sheila. Naghiwalay na kami ng daan ng magbukas ang elevator. Tumuloy na sya sa office nya at ako naman sa cubicle namin.

----

Nakatayo lang si Vlad at pinagmamasdan ang puntod ng kapatid. Nagdala din sya ng mga sunflowers para dito.

"Pasensya kana Veena. Ngayon lang kita nadalaw. Masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraan araw. Sana kung andito ka lang mas madali ko malulusutan ang mga bagay na to, dun ka magaling ang tulungan ako. Ngayon hindi na ako makakapagturo tulad ng gusto mo.. I'm sorry Veena..

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon