Chapter 43

28.8K 633 23
                                    


Nakita ko sina Jelly at Yanie sa tapat ng Mcdo. Hinihintay nila ako. Hindi ko pa man sila tinatawag. Tumakbo sila papunta sa akin. At niyakap ako. Napangiti ako at kinomfort nila agad ako.

"Salamat ha." bulong ko sa dalawa.

"Wala yun best. Andito kami para sayo. Be brave kayo ni Sir Vlad." said Jelly.

Inaya ko sila na pumasok na. Sumakay kami ng bus papuntang school. Dahil wala si Vlad, iba muna ang magtuturo at maghahandle sa amin. Balita na din sa school ang nangyari sa kapatid ni Vlad. Kaya halos lahat ng profs at school board dadalo sa burol ni Veena para makiramay. Pupunta din sina Jelly at Yanie ganun din si Drake.

Nagsimula ang klase namin at si Mam Catherine ang magtuturo. Wala ang atensyon ko sa klase. Inaantok pa ako at ang isip ko na kay Vlad. Gusto ko puntahan sya at alamin ang kalagayan nya.

"Mamaya pupunta kami sa burol, sasama ka?" biglang bulong sa akin ni Drake na katabi ko.

Tumango lang ako. Maghapon ang klase. Tahimik lang ako habang kasama ko sina Drake. Naaappreciate ko naman ang ginagawang effort nila Yanie na libangin ako. Pero wala pa din epekto. Ang gusto ko makita si Vlad.

Mga 7PM na kami nagpunta ng burol. Ewan ko ba kinakabahan ako. Pumasok kami sa loob. Madaming tao. May mga nakaupo at nakatayo may mga kumakain at nakasilip kay Veena.

"Nasaan si Sir Vlad?" tanong sa akin ni Yanie. Napailing lang ako. Hinahanap ko sya pero hindi ko sya makita.

Nakita ko naman si Sir Jerald. Nilapitan ko ito.

"Sir Jerald. Nasaan po si Vlad?" bulong ko dito.

Humarap sa akin si Sir Jerald.

"Aly- Ganun pa din. Ngayon umiinom sya. Ayaw naman magpapigil.

Nagulat ako. Umiinom sya eh di naman sya sanay uminom.

"Nasaan sya?

"Nandun sya sa kotse nya. Doon nagpapakalasing..

Nanlalambot ang mga tuhod ko. Nagpaalam ako kina Drake na hahanapin ko lang si Vlad sa may parking lot.
Lumabas ako ng chapel at dumiretso sa parking lot. Nakita ko ang sasakyan ni Vlad. Lumakad ako at nakita ko syang nakaupo sa may gilid ng kotse nya. Ang daming bote ng alak ang nauubos na nya. Hindi pa daw sya kumakain.

"Vlad- Tama na yan!"sigaw ko sa kanya at kinuha ang bote ng alak na hawak nya.

"Magpahinga kana man.! Tama na yan!!" Sigaw ko at kinuha ko pa ang mga alak na nasa tabi nya.

Pero bigla syang tumayo at kinuha ang kamay ko.

"Aray! Nasasaktan ako!

Mahigpit ang hawak nya sa wrist ko. Bigla nya ako isinandal sa kotse.

"V-Vlad-

Naaamoy ko ang alak sa bibig nya.
Hindi sya nagsasalita. Wala syang imik basta hawak lang nya ako. Hindi naman ako makagalaw sa pwesto ko at inipit nya ang mga binti ko.

Bigla nya akong hinalikan sa leeg ko.

"Aaaa--Vlad---

Nagpupumilit ako magpumiglas sa pagkakahawak nya sa akin. Pero tuloy sya sa paghalik sa leeg ko. Hindi ito ang gusto ko, hindi sya ito! Hindi sya ganito humalik!

Nagulat ako ng ilagay nya ang isang kamay nya sa pagitan ng mga binti ko. Kinabahan ako bigla. Natatakot na ako.
Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ko.

"Vlad- please tama na!!

Hinatak ko ang kamay ko at sa takot ko. Nasampal ko sya. Binitawan nya ako.

"Hindi ito ang gusto ko Vlad!! Hindi ikaw yan!" sigaw ko habang naiiyak na ako.

Lumayo sya sa akin ng bahagya at muli nyang kinuha ang bote ng alak saka ininom. Tinalikuran nya ako at lumakad sya palayo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi sya si Vlad na mahal ko at lalong hindi nya ito gagawin sa akin.

----

Matapos namin dumalaw sa burol ni Veena. Nag aya na ako umuwi. Pagod ako at matamlay. Ilan araw nalang at libing na din ni Veena. Sa last night nalang ako babalik. Ayoko na maulit ang ginawa ni Vlad sa akin. Natatakot ako sa mga pwede nya pang gawin kapag binalak ko lumapit sa kanya.

"Aly- Sure ka bang okay ka?" tanong sa akin ni Drake habang papauwi na kami.

Tumango ako. Maputla ako at hindi ko maitago na hindi ako okay. Sinabi ko nalang kay Drake na kulang pa ako sa tulog.

Hinatid nya ako pauwi. Dumiretso lang ako ng kwarto at nagpahinga. Nanginginig pa din ang mga tuhod ko. Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Vlad. At nasampal ko sya. Pero parang balewala lang sa kanya yun ginawa nya sa akin. Naiinis ako sa kanya.
Nagtakip ako ng unan sa mukha. Nagpipigil ako sa pagpatak ng luha ko.

----

2 days ang lumipas simula ng huli ako dumalaw sa burol ni Veena. Last night na. Kinabukasan libing na nya. Wala pa din akong balita kay Vlad. Nagtetext si Sir Jerald sa akin. Minsan nababasa ko ganun pa din si Vlad, umiinom nagkukulong sa bahay nila. Hindi kumakain o nagpapahinga. Laging galit at parang wala sa katinuan. Paano pa ako haharap sa kanya?

"Anak sasama ka ba sa last night?" tanong sa akin ni Mama ng makita ako sa sala at nanonood ng tv.

"Bukas nalang po ako pupunta."sagot ko na hindi lumilingon kay Mama.

"Sigurado ka ba Anak?

Mabilis akong sumagot ng oo kay Mama.

"O sige. Kami nalang ni Papa mo ang pupunta. Babalitaan nalang kita tungkol kay Vlad..

Bigla akong nalungkot. Sa totoo lang kung hindi ako kabado at takot, pupunta ako. Kaya lang pag nakikita ko ang itsura ni Vlad pakiramdam ko anuman oras saktan nya ulit ako lalo at nakainom pa sya.

Pinagmasdan ko nalang ang pag alis nina Papa at Mama. Gusto ko man dalawin pa si Veena pero kapag nakarinig ako ng anuman balita tungkol kay Vlad baka maisip ko nanaman at magkunwari akong matapang na harapin si Vlad. Pero hindi.. Mahina ako..

Napasandal ako sa couch. Malapit na ang monthsary namin ni Vlad. Pero mukhang hindi naman namin yun maicecelebrate.

"Vlad-

Kinuha ko ang phone ko at tinitigan lang ang litrato ni Vlad na screensaver ko. Kailan kita ulit makikitang nakangiti? Ang tanong makikita ko pa ba ulit yun?

Hanggang kailan sya ganun.. Hanggang kailan ako ganito..

----
Enjoy reading and thanks for voting.. 😗

#CondolenceSirVlad
#BeBraveAly

My Boyfriend is The Professor! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon