Chapter Eight

966 64 5
                                    

Kisses's POV

Kisses's Room
Nakadapa siya sa kama, habang impit na umiiyak.

Naniwala ka naman kasi agad, nasaktan ka tuloy. Alam mo nang may girlfriend, hinayaan mo parin ang sarili mong umasa. Gusto ka lang niyang halikan, nag-assume ka naman agad na inlove na siya sayo.

Inis na bumangon at umupo sa kama. Basta na lang niya pinahid ang mga luha sa magkabilang pisngi.

"Huminto ka na! Ano ba!" inis niyang saway sa sarili. "Bakit ba ayaw mong tumigil ha!" habang patuloy sa pagpahid ng mga luha na walang tigil sa pag-agos. "Sa tingin mo ba talaga ipagpapalit niya ang girlfriend niya sayo?! ni hindi ka nga marunong magluto! kung hindi sunog, hilaw! Pancake mo parang scramble egg! Congee mo pagkaing pang hospital!." mas lalo siyang naawa sa sarili at mas napaiyak.

Naabutan pa man din siya ng ulan kanina, muntikan pa niyang mahiwa daliri niya sa pag pe-prepare na mga ingredients. Ilang beses pang napaso bibig at dila niya para lang siguraduhing tama ang pagkakatimpla niya sa congee. Tapos iinsultuhin lang siya nito? Tatratuhin na parang wala itong pakialam masaktan man siya sa sasabihin nito.

Sana lang talaga magising na siya isang araw, na wala na si Edward sa puso niya. Mahirap pero pipilitin niya, hindi niya hahayaang masaktan siya uli ng ganito. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito mananatili sa puso niya. Pero sisiguraduhin niyang hinding-hindi na niya hahayaan ang sariling mahulog uli rito.

Humiga siya uli sa kama at hinayaan ang sariling umiyak. Hindi na niya napansin ang pagsara ng pinto niya sa kwarto.

***

Kisses's POV

"Good morning Philippines and hello world! This is Kirsten Danielle Delavin, 16, Masbate Philippines!!!" Ala beauty queen niyang bati with waive, ng bumungad siya sa kusina, kung saan nagluluto ang kuya niya.

Natigilan naman ito, hindi nito inaasahan na ganoon ka hyper na Kisses ang gigising sa umagang yun.

Hindi niya sinalubong ang tingin ng kuya niya. Nagkunwari siyang interesado sa niluluto nito.
Nakasuot siya ng eyeglasses ng umagang yun, gusto niyang itago ang pamumugto ng mata niya.

Hindi na siguro napansin ng kapatid niya dahil nginitian din siya nito agad. "Good morning bunso". Sabay halik sa pisngi niya.

"Hmm...ang bango ng fried rice. Mukha yatang sinipag kang magluto ngayon kuya." Nakangiting kumento niya.

"Congee lang naman kasi niluto mo kagabi. Kaya tuloy nagutom agad ako pagkagising ko kanina." Pang-aasar nito sa kanya.

Tsaka niya naalalang hindi pala siya nag hapunan kagabi. Kaya pala kumalam ang sikmura niya ng maamoy ang nilulutong fried rice ng kapatid.

Then, bigla siyang may naalala.

The hardest part is waking up in the morning, remembering what you were trying to forget last night. Hindi bale, masasanay rin siya. At ngumiti na siya ulit.

***
Lunch Break

Magkasama sila ni Maymay sa canteen, o-order na sana sila ng biglang may tumawag sa kanya.

"Kisses...!"

"Marco...hi!" Masayang bati niya rito.

"Are you okay? I mean, about last night--" puno ng pag-aalala ang mukha nito.

"I'm fine Marco" putol niya sa kung ano man ang sasabihin sana nito.

Hindi pa niya kasi nasasabi kay Maymay ang mga nangyari sa kanya lately, ayaw niya kasi itong ma-distract. Alam niyang importante rito na ma-maintain nito ang matataas nitong grades para sa scholarship.

"Hi Kisses!" Si Heaven na lumapit din sa kanila.

Katabi nito si Edward na ang isang kamay ay naka-akbay sa balikat ng nobya, sandali niyang tinapunan ng tingin kamayng iyon. At agad na inalis ang mga mata ng mapansin niyang mataman pala siyang tinitingnan ng binata.

"Hi Heaven..." tipid niyang bati rin dito.

Bumaling ang tingin niya kay Edward at nginitian ito pagkatamis-tamis, yung tipong lalanggamin na sa sobrang tamis.

"Hello Edward, so glad to see you here." Aniya with sarcasm.

Paano naman kaya siya makakapag move on nito kung parati rin naman niya itong makikita?

Pero hindi siya sinagot ng binata, nakatingin lang ito sa kanya.

Cold treatment huh?! At ito pa talaga ang may ganang umasta na para bang siya pa ang may nagawang kasalanan?

Kinalma niya ang sarili, kahit gustong-gusto na niya itong awayin at pagsusuntukin sa galit. Hindi niya deserved na tratuhin siyang ganito ng binata.

Nang medyo kumalma na siya ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"By the way Marco, Heaven and Edward. I would like you to meet my bestfriend Marydale. Ate May, mga kaibigan sila ni Kuya Christian." Sana lang walang makapansin sa panginginig ng boses niya.

"Maymay na lang." Nahihiyang sabi nito sa tatlo.

Napatitig si Maymay kay Edward then may ibinulong sa kanya.

"Siya ba yung sinasabi mo na parang si superman?" Kinikilig na tanong nito.

Nakita niyang napangiti si Edward sa sinabi ni Maymay.

At bumulong pa talaga si Ate Maymay, na sa lakas ay narinig din yata ng tatlo.

Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan.

"Ano ka ba ate Maymay, hindi naman si superman yun. Ang sabi ko, para siyang si Joker." Nakita niyang nawala bigla ngiti ni Edward. Natawa naman sina Marco, Heaven. "Ang galing kasi nitong mang trip! napaniwala nga ako nito eh." Natatawang sabi niya.

Kung titingnan ay para lang siyang nag ku-kuwento tungkol sa isang nakakatawang pangyayari. Pero alam niyang nakuha ni Edward ang mensahe niya dahil kung nakamamatay lang ang tingin nito, tiyak pinaglalamayan na siya ngayon.

Dahil ba natatakot itong malaman ni Heaven?
Kahit na masakit ay ngumiti pa rin siya.

"Nah...I've learned my lesson. Hindi mo na ako maloloko sa susunod." Mataman niya itong tiningnan, bigla siyang may na hagip na lungkot sa mga mata nito. Pero agad itong umiwas ng tingin sa kanya. Hindi tuloy siya sigurado kung tama ba ang nakita niya.

"I'll go ahead guys, nalimutan ko kasing puntahan si Prof. Ramirez kanina sa office" anito kina Marco at Maymay. Then bumaling kay Heaven. "Kita na lang tayo after class Hon." Paalam nito kay Heaven, sabay halik sa labi ng nobya while nakatingin sa kanya.

Namula siya sa ginawa nito, inis na inirapan niya ito pero sinagot lang siya nito ng isang nakakalokong ngiti.

Napaka-bastos talaga ng lalaking ito! Hindi pa talaga na kontento! Sa harap ko pa talaga mismo!

Tumalikod na ito sa kanila at lumakad pabalik ng building.

"Alright...my treat!" si Marco. "Dahil napaka-swerte ko ngayon, dahil tatlong magagandang babae ang makakasama ko for lunch."

Dahil sa narinig ay nalimutan na niya ang inis kay Edward. Gutom na rin kasi siya, kanina pa kumakalam ang tiyan niya.

Masayang-masaya sila ni Maymay habang papasok sa canteen. Walang nakapansin sa makahulugang tingin na ginawa na Heaven sa kanya.

to be continued...

***





I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon