"Everything will be fine..." nakangiting sabi sa kanya ni Maymay.
Pinatayo siya nito at inayos ang buhok niya.
"Please tell me what's happening Maymay, nasaan ako at paano ako napunta rito? At tsaka bakit ganito ang damit na suot ko?" Sunod-sunod na tanong niya matapos makita ang sarili sa harap ng salaming nasa gilid ng kama.
"Sabihin na lang nating ito na ang happy ending na matagal mo ng hinihintay." Makahulugang sagot nito habang nilalagyan siya ng lipstick. "Ang likot mo kasing matulog kanina kaya hindi ko na ito nailagay." Natatawang sabi nito sabay lagay ng floral headdress ang ulo niya.
"T-teka nga muna." Sabay iwas rito. Lumapit siya sa salamin at tinitigang mabuti ang sarili. "Sabihin mo nga sa akin, ikakasal ba ako ngayon ng hindi ko alam?"
Hindi agad ito nakaimik.
"Maymay naman eh..." sabay harap rito. "Sa akala mo ba hindi ko agad mapapansin? Alangan namang isipin kung first communion ko ngayon?" Aniya at tiningnan ulit ang damit na suot. Isa iyong off shoulder bohemian white dress na may slight train sa likod.
"Pero aminin mo maganda yung damit." Nakangiting sagot nito, pilit na pinapaganda ang mood niya.
"Gusto kung makausap si Edward." Mariing sabi niya sa kaibigan.
Napakamot ito sa ulo.
"Kisses naman eh, sisirain mo yun moment na buong magdamag naming inihanda."
"Maymay please..."
"O-okay..." sagot nito at pagkatapos ay lumabas na sa kwarto.
Inalis niya ang floral headdress sa ulo at maingat na inilagay sa kama. Huminga ng malalim habang nag-iisip.
Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kwarto ng bumukas ulit ang pinto at pumasok si Edward. Awtomatiko siyang huminto at napatingin rito.
"Gusto mo raw akong makausap?" Kaswal nitong tanong sa kanya.
Napahalukipkip siya sa tanong nito. Habang pinipigilan ang sariling batuhin ito ng remote control.
Paano nito nagagawang umakto na parang normal lang ang kasal na gaganapin habang siya ay kanina pa nalilito at kinakabahan?
"Ano to?" Naguguluhang tanong niya rito.
"Bakit, ayaw mo?" Kaswal na namang tanong nito sa kanya.
Hindi agad siya nakasagot.
Gusto niya syempre! Kaya lang...
Nalilitong napatingin siya sa binata.
Ang kaninay pormal na aura nito ay biglang lumambot.
Napaatras siya ng makita ang reaksiyon ng mukha nito.
"Tigil-tigilan mo ako Edward Barbers. Kung sa akala mo ay madadaan mo ako sa ganyan, nagkakamali ka." Banta niya rito..
Huminga ito ng malalim at tiningnan siya ng deretso sa mga mata.
"Sa totoo lang ay hindi ko alam, ni hindi nga ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko." Nahihirapang sagot nito.
"Hindi ka sigurado, pero ginawa mo pa rin."
"Dahil mahal kita Kisses at ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa dulo ng buhay ko, dun sigurado ako."
Hindi siya nakapagsalita sa narinig.
Nakita niya ang unti-unting paglapit nito sa kanya. Nang makalapit na ito ay kinuha nito ang mga kamay niya at maingat na pinisil.
"Sorry kung naging duwag ako. Hindi ko kasi mapatawad ang sarili ko sa nangyari sa iyo. Akala ko ay mas magiging okay ang lahat kung lalayo ako. Pero hindi ko pala kaya, hindi ko kayang tingnan ka lang sa malayo." Anito sabay haplos ng isang kamay nito sa pisngi niya. "Gustong-gusto kung maging akin ka ulit Kisses. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap para sa aking pigilan ang sarili kung yakapin ka sa tuwing nagtatagpo tayo."
"Sana hindi ka naduwag, sana nilapitan mo ako, sana sinabi mo sa akin." Naiiyak na sagot niya rito.
Idinikit nito ang noo sa noo niya at pumikit.
"That was the worst decision i've ever made in my life and i'm so sorry." Puno ng emosyong hingi nito ng tawad.
"I love you so much Edward. Hindi ko alam kung paanong nanatili ka pa rin sa puso ko sa kabila ng nangyari sa akin." Umiiyak na sabi niya rito.
Lumayo ito sa kanya ng bahagya at pinunasan ng mga kamay nito ang mga luha sa pisngi niya.
"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay niya sa akin. I might have done something great in the past, para mahalin ng isang katulad mo." Maluha-luhang sabi nito pagkatapos ay lumuhod ito sa harap niya. "Ilang beses ka ng umiyak at nasaktan noon ng dahil sa akin, hindi ko man maipapangakong hindi ka na ulit iiyak at masasaktan. Pero isa lang ang sigurado ako, hinding-hindi na ako mawawala pa sa tabi mo. I will love you always and forever Kisses Delavin. Will you spend the rest of you life with me?" habang hawak-hawak ang isang singsing na may brilyante sa gitna. "Will you marry me?" Buong pagmamahal nitong tanong sa kanya.
Tuluyan ng bumuhos ang luha niya.
"Yes!" Sagot niya rito habang tumatango.
Agad nitong isinuot ang singsing sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you..." habang masuyong nakatitig sa mga mata niya.
"Mahal na mahal rin kita..." sagot niya rito, pagkatapos ay buong pusong tinanggap ang halik nito.
Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Para iyong isang matagal na kahilingan na sa wakas ay natupad. Mas masaya siguro kung naaalala niya ang lahat, pero wala na siyang magagawa pa sa parteng iyon. May dahilan ang Diyos kung bakit nawala ang memorya niya. Kung ano man iyon ay hindi niya pa alam. Pero ang importante ay ang ngayon at ang bukas kasama si Edward.
Totoo pala ang miracle...?
Ipinaalala kasi ng puso niya ang nakalimutan ng isipan niya.The End...
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."