Kisses's POV
Kanina pa siya naghihintay ng text ni Marco, nakauwi na siya ng apartment pero wala pa rin siyang natatanggap na text.
Okay na siguro si Edward, dahil kung hindi, tiyak naman sigurong sasabihan siya ni Marco. Tsaka kanina pa ito dinala sa clinic so kung may masama mang nangyari kay Edward ay kanina pa sana siya nito kinontak.
"Sana nga okay lang siya." Aniya habang nakadapa sa kama niya.
Tinanong niya kanina ang security kung nakita nitong dumating si Edward, pero hindi pa raw pati na si Marco.
Sana okay na siya.
Maya-maya ay bumangon siya at tiningnan ang wall clock. Malapit ng mag alas-otso pero wala pa rin ang kuya niya. Kanina pa niya ito tinatawagan pero cannot be reach ito. Nagpasya na lamang siyang mauna ng kumain. Pagkatapos ay naglinis ng katawan tsaka natulog, hindi na niya napansin kung anong oras ito nakauwi.
***
"Good morning kuya Tian," bati niya sa kapatid na kasalukuyan ay nagluluto ng breakfast."Good morning bunso." Anito pero nakatutok ang mga mata sa ginagawa.
"Anong oras ka nga pala nakauwi kagabi?" Tanong niya habang humihikab.
Bago ito makasagot ay nagtanong siya uli. "Bakit ang dami naman ata ng niluto mo kuya, may bisita ba tayo?"
"Dadalhin ko sa hospital mamaya, na ospital kasi si Edward." Sagot ng kuya niya.
"What?!!!" Gulat na napatingin ng deretso sa kapatid.
"Bunso naman eh, magigising mo pati mga nasa kabilang kwarto sa lakas boses mo." Saway nito.
"Bakit? Anong nangyari? Akala ko ba simpleng lagnat at nosebleed lang ang yun?" Hindi niya pinansin ang pagsaway nito sa boses niya.
"Hindi pa namin alam, hindi pa lumalabas ang resulta ng laboratory test."
"Kung sumama kaya ako kuya." Suhestiyon niya, nagsisisi siya kung bakit hindi siya naghanap ng paraan kahapon para malaman ang totoong lagay ni Edward.
"Huwag na bunso, may klase ka pa. Mamaya pa naman kasi ang pasok ko, kaya pwede ko pa siyang dalawin ngayong umaga."
Hindi na lamang siya nagpilit, baka magtaka pa ito. Sana lang magka free time siya mamaya, loaded kasi siya ngayong sem na ito, lunchtime lang ata ang break niya. From 8:30 am to 7:30pm ang klase niya, malabo talaga siyang makadalaw. Patay rin siya sa kuya niya pag umabsent siya dahil alam nito lahat ng schedule niya sa klase.
Bahala na, basta kailangan niya makahanap ng paraan para makadalaw kay Edward.
***
Three days after...Kung kailan umabsent ang professor niya sa panghuli niyang subject sa araw na iyon, ay tsaka niya nalamang nakalabas na si Edward sa hospital. Simula ng ma ospital ito ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makadalaw rito dahil super busy siya sa school. Gusto na nga niyang maiyak dahil para siyang pinaglalaruan ng pagkakataon, dahil lahat ng subjects niya ay may mga projects na ibinigay na kailangan ipasa agad.
Kung kailan nagkaroon ng time, tsaka naman malalamang nakalabas na pala! Himutok niya.
Hmmm...ano kaya ang gagawin niya para pambawi sa hindi niya pagdalaw rito.? Kung ipagluto na lang kaya niya ito? May kasabihan nga na, "The way to a man's heart is through his stomach." Natuwa siya sa ideyang naisip.
Dahil wala ang professor niya para sa huling subject niya sa araw na iyon ay may oras pa siyang mamili ng mga kakailanganin niya para lulutuin.
***
Excited na ipinatong niya sa mesa ang mga pinamili. Dahil kanina pa umuulan, nag pasya siyang magluto ng brown rice congee with chicken.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fiksi Penggemar"I loved you once, love you still, always have and always will."