Chapter Thirty-Three

834 54 19
                                    

Edward's POV

"Excuse me sir, someone is looking for you outside." Anang assistant niya na nakapasok na pala sa opisina ng hindi man lang niya namamalayan.

"Sino?"

"Heaven Peralejo daw po."

Napangiti siya ng marinig ang pangalang binanggit ng assistant.

"Let her in..."

Ilang buwan na ring hindi sila nagkita ni Heaven. Pagkatapos kasi ng gabing mabaril si Kisses ay agad itong lumipad patungong Canada kung saan naninirahan ang mommy nito na ilang taon na rin pa lang hiwalay sa daddy nito, dahil sa obsesyon ni Benedict sa mommy niya.

Akala talaga niya ng gabing iyon ay magkasabwat sina Heaven at Benedict. Ang hindi niya alam ay may iba palang pinaplano ang dalaga. Malakas raw kasi ang kutob nito na maaabutan sila ni Benedict. Kaya kinausap nito si Joao na sumunod sa kanila at magdala ng mga pulis.

Tinawagan rin nito si Kisses at sinabihan na e.cancel na muna nito ang flight pauwi, nalaman kasi ni Heaven ang plano ng daddy nitong ipadukot si Kisses oras na lumabas ito ng NAIA. Pero ang hindi nito alam ay may mga tauhan rin palang nakahandang dumukot kay Kisses sa oras na hindi ito tumuloy.

Dahil kampante si Heaven na magiging maayos ang plano nitong pagpapadakip sa daddy nito. Kaya naman hindi na lamang nito ipinaalam sa kanya ang usapan nito at ni Joao, ayaw kasi nitong dagdagan pa ang problema niya. Pero laking gulat nito ng makita si Kisses habang hawak ng mga tauhan ng daddy niya. Kaya naisipan nitong magkunwaring nasisiraan ng bait at tinutukan pa siya ng baril para mas lalong makumbinsi si Benedict at para na rin magkaroon pa sila ng oras na hintayin si Joao at ang mga kasama nitong pulis na medyo natagalan sa pagdating.

Dahil sa takot ni Kisses na baka tutuhanin ni Heaven ang pagbaril sa kanya, ay tumakbo ito palapit upang saluhin ang bala. Nagulat ang tauhan ni Benedict sa ginawa nito at nakalabit ang baril ng wala sa oras na siyang tumama sa ulo ni Kisses.

Kung hindi lamang biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya ay malamang nasuntok na niya ang mesa dahil sa galit na muling naramdaman ng maalala ang pagkakabaril kay Kisses.

Nang itaas niya ang paningin ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Heaven.

"Hi Edward, it's nice to see you again." masayang bati nito sa kanya.

Nginitian niya ito at tsaka nilapitan.

"It's nice to see you too, Heaven." Aniya at niyakap ang kaibigan ng mahigpit, pagkatapos ay naupo sila sa living area ng opisina.

"Ibinalita sa akin ni Joao ang pagkawala ng memorya ni Kisses." Agad na sabi ni Heaven ng makaupo. "Ayoko pa sanang umuwi rito, pero ng malaman ko ang ginagawa mong pag-iwas sa kanya ay nagpasiya akong umuwi rito saglit para e.untog yang ulo mo." Simple lamang ang pagkakasabi nito, pero sa tagal na nilang magkakilala ni Heaven ay alam niyang galit ito.

"Hindi ko siya iniiwasan, okay? I'm just...busy lately." Kaila niya rito.

"Really? For five months? Oh, come on Edward, kaya mong isangtabi ang lahat alang-alang kay Kisses."

"Fine, you want to know the truth? Hindi ko kayang tingnan si Kisses sa kalagayan niya ngayon ng hindi sinisisi ang sarili ko!" Galit na sagot niya rito. Hindi para sa kaibigan kundi para sa sarili niya.

Huminga siya ng malalim upang pagaanin ang nararamdaman.

"I'm sorry..." hingi niya ng paumanhin rito.

"Believe me Edward naiintindihan kita, alam kung may pinagdadaanan ka rin. Pero kailangan ka ni Kisses ngayon."

"You're wrong, mas mapapabuti siya kung mawawala ako sa buhay niya." Sabay iwas ng tingin sa dalaga. "Alam ko kung gaano siya ka mahal ng pinsan mo. Kaya mapapanatag ang loob ko kung mapupunta siya kay Joao. Wala ng naaalala si Kisses sa akin. Kung gugustuhin ni Joao ay kaya niya akong palitan sa puso ni Kisses ngayon." Walang emosyong sabi niya.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon