Chapter Sixteen

1.4K 63 29
                                    

Kisses's POV

Pinilit niyang bumalik sa normal ang lahat sa harap ng pamilya niya at mga kaibigan. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito sa kanya. Nagpapasalamat rin siya dahil wala rin ni isa sa mga ito ang nagbanggit tungkol sa pagpapakasal ni Edward kay Heaven. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, walang gabing hindi siya umiiyak. Kung hanggang kailan siya magiging ganito? Ay hindi niya alam.

***
Saturday Night

Niyaya siya ni Maymay na mag bar ng gabing yun. Pinagbigyan naman niya ito, alam niyang gusto lang siyang libangin ng kaibigan. Panahon na rin siguro para subukan niyang kalimutan si Edward. At ang aliwin ang sarili ang isa sa mga paraan na naisip niya.

Kasama ng kaibigan ang boyfriend nitong si Luis, si Doc. Luis Hontiveros. Mag-aapat na taon na ang mga ito at nagpaplano na ring magpakasal. Masaya siya para kaibigan at least isa man lang sa kanila ay may masayang lovelife. Okay na rin siguro yun.

Kanina pa nila hinihintay ang bandang tutugtog para sa gabing yun.Nasa may bandang harap sila nakaupo malapit sa stage. Dahil sa matagal na rin siyang hindi umiinom ay medyo tinamaan na rin siya ng alak na iniinom nila.

Naiiritang nilingon niya ang grupo na nasa likod niya. Kanina pa kasi maiingay ang mga ito.

"Gosh!...makikita ko na rin ng personal si baby Joao!!!" Tili ng babae nasa likod niya, kasama ang mga barkada nitong maiingay rin katulad nito.

"Anakan lang niya ako bes! Solve na talaga ako!"
Sabi naman ng isa.

"Ang tagal naman! Saan na ba si Joao my loves!"

Tsss! Mga walang silbi sa lipunan!
Pagkatapos ay straight na ininom ang alak na nasa baso niya.

Nag-aalalang tumingin si Maymay sa kanya. "Kisses, hinay-hinay lang oi! Andito tayo para mag-enjoy. Balak mo yatang maglasing eh." Anito.

"I'm okay ate May, don't worry." Aniya habang nakangiti.

Maya-maya ay nagpaalam siya sa dalawa na mag c-cr muna. Gusto sana siyang samahan ni Maymay pero tumanggi siya.

Infairness malinis naman ang banyo ng bar na napuntahan nila sosyal ang mga gamit sa loob. Parang siyang nasa hotel.

Lumapit siya sa salamin at tiningnan ang mukha niya. Medyo namumula na siya dahil sa nainom.

Natawa siya.
Mukhang hindi na niya kailangang mag retouch ng blush on.

Dalawa lang ang cubicle sa loob. Occupied ang nasa kanan kaya sa kaliwang cubicle na lamang siya pumasok.

Maya-maya ay may narinig siyang ingay sa kabilang cubicle. Gusto na sana niyang itong balewalain ng may narinig siyang nagsalita, na ikinalaki ng mga mata niya.

"Faster baby...faster. That's right...ohhhhh..." sabi ng isang lalaki sa namamaos na boses.

Namula ang mukha niya ng maintindihan ang ginagawa ng nasa kabila.

Tumikhim siya para ma aware ang nasa kabila na may ibang tao sa loob. Pero parang hindi siya narinig ng mga ito. Nagkunwari ulit siyang umuubo, medyo nilakasan pa niya ang pag ubo this time.

Narinig niyang bahagyang tumawa ang lalaki.
"I heard you the first time miss, if your not comfortable, you can get out." Sabi nito in a husky voice.

Hindi makapaniwalang na napatingin siya sa dingding na nakapagitan sa kanila.

At siya pa talaga ang kailangang mag-adjust sa mga ito?

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon