Edward's POV
"Good morning sir!" Masiglang bati ng assistant niya ng makita siya.
Isang tango ang isinagot niya rito. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng opisina ng may bigla siyang maalala. Binalingan niya ulit ito.
"Don't forget to fax the files na ni-request ni Mr. Chang. Follow-up mo rin sa secretary ni Mr. Tan kung tuloy na ba yung appointment ko sa boss niya bukas. Kung hindi pa rin, then cancel it." Hindi na niya naitago ang inis na nararamdaman sa huling sinabi.
"Natawagan ko na po ang secretary ni Mr. Tan sir. Eh, n-nasa Japan pa rin daw po ang boss niya, next week pa daw po ang balik. Binago po kasi ang schedule ng operasyon ng anak nito." Nag-aalalang sagot nito.
Hindi makapaniwalang napatingala siya sa narinig.
"Sabihin mo sa secretary niya, na pag hindi pa rin matutuloy ang meeting namin ng boss niya next week, ay maghahanap na ako ng ibang kumpanyang pwedeng makapag-provide ng mga materials na kailangan ng JB Holdings for up coming projects!"
"Yes sir!" Nakangiting sagot nito na hindi na niya gaanong narinig dahil pumasok na siya agad sa opisina niya pagkatapos.
***
Hinubad niya agad ang suot niyang coat at niluwagan rin ng kaunti ang necktie. Nilapitan niya ang mesang nakapuwesto sa may sulok ng kwarto at kinuha ang isang bote ng alak na nakalagay roon. Naglagay ng hanggang kalahati sa basong katabi lang nito at agad na dinala sa bibig. Gusto niya sanang ubusin agad ang laman ng baso at magsalin ulit, pero pinigilan niya ang sarili. May maaga pa kasi siyang meeting na dadaluhan ng araw na iyon. Uminom lang siya ng kaunti at pagkatapos ay tahimik na tumingin sa labas ng bintana ng opisina niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso ng maalala ang araw na nagising si Kisses sa hospital kung saan niya ito dinala matapos mabaril ng tauhan ni Benedict.
***
Five months ago...
Katatapos lang niyang maghanda para bumalik na ulit sa ospital kung saan naka-confine si Kisses ng makarinig siya ng mga sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto niya.
"Edward! Edward! Please, open the door iho." Nagmamadaling tawag ng mommy niya sa labas.
Napakunot ang noo niya. Nilapitan niya ang pinto at binuksan. Nagulat pa siya dahil agad siyang niyakap ng mahigpit ng ina habang umiiyak.
"What's wrong? May nangyari ba? Nasaan si dad?" Sunod-sunod niyang tanong.
Kumalas ito sa pagkakayakap at hinarap siya.
"Now you're weird..." ng makitang nakangiti na ang ina.
Hindi nito pinansin ang komento niya. Tinitigan siya nito sa mga mata at nagsalita.
"Edward, si Kisses..." anito.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?!" May bahid takot niyang tanong sa ina.
Mag a-anim na buwan ng comatose si Kisses matapos ang operasyon na isinagawa sa dalaga dahil sa bala na tumama sa gilid ng ulo nito. Successful naman ang operation, kaya lang hindi pa ito nagigising. Kung wala rin lang importanteng trabaho sa opisina ay palagi siyang nasa hospital at binabantayan ang dalaga. Umuuwi lamang siya sa bahay nila upang maligo at magpalit ng damit, gaya ng umagang iyon.
"She's awake iho...Kisses is awake!" Masayang balita nito.
"What!" Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Hindi na siya ulit nakapagsalita dahil sa sari-saring emosyong nararamdaman. Napaiyak na lamang siya habang mahigpit na nakayakap sa ina at tahamik na nagpasalamat sa Dios.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfic"I loved you once, love you still, always have and always will."