Kisses's POV
Pagkatapos nilang mag-breakfast ay napagkasunduan nila ni Joao na magkita na lamang sa lobby after an hour. Kailangan pa kasi niyang magpalit ng damit habang ito naman ay may kakausapin pa raw saglit.
Pagkatapos suotin ang napiling damit ay tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nasiyahan naman siya sa nakita niya.
Simple yet classy...
Matapos mag spray ng favorite niyang perfume ay pinuntahan na niya si Joao sa lobby.
Nakita niyang may kausap itong babae.
Ito ba yung sinasabi nito kaninang kakausapin nito saglit?
Hindi na muna siya lumapit, pinagmasdan niya muna ang dalawa na mukhang walang pakialam kahit na pinagtitinginan na ng mga tao sa paligid.
Ay! Grabeh siya oh...
Aniya sa sarili ng makitang idinikit ng babae ang katawan nito kay Joao habang nilalaro ang kwelyo ng lalaki. Hindi na siya nagtaka ng makita niyang mukhang nag-enjoy ang binata sa ginagawa ng babae.
Haist! Napakalandi talaga ng lalaking to! At sa lobby naman ngayon ha!
Biglang namula ang pisngi niya ng maalala ang una nilang pagtatagpo ni Joao.Tsss! Of all people, bakit ba kasi ito pa ang kinuha ng kuya niyang kumanta sa event!? Nag-cross tuloy uli ang mga landas nila.
Natigil siya sa pag-iisip ng marinig niya ang maarteng tawa ng babae. Mukhang nagustuhan yata nito ang ibinulong ni Joao rito.
Although hindi naman ito kagandahan pero dahil sa galing nitong mag-apply ng make-up ay nagmukha na rin itong maganda. The power of makeup...
Oops! Sorry for being bitchy, but i'm just being honest...
Very seductive ang look nito kahit na naka-formal attire. Nakapa-fit kasi ng suot nito kaya kapansin-pasin ang maganda nitong figure. Halos pumantay na rin ito sa height ni Joao dahil sa suot nitong six inches stilettos.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."