Edward's POV
Pagkatapos ng kanta, ay hindi na niya hinintay ang pag-akyat ng host. Walang salitang bumaba siya ng stage at tuloy-tuloy na lumabas ng venue. Gusto sana siyang pigilan ni Heaven, pero ng makita nito ang anyo niya ay hinayaan na lamang siya nito.
Kailangan niyang lumayo kay Kisses, ilang segundo pang katabi niya ito ay baka tuluyan na niyang hindi mapigilan ang sariling yakapin ito at sabihin rito ang buong katotohanan. Na kailanman ay hindi ito nawala sa isip at puso niya, na pagpapanggap lamang ang lahat.
Nang makarating siya sa rooftop ng hotel ay napabuga siya ng malakas, habang mahigpit na nakahawak ang dalawang kamay niya sa railings ng rootop. Gusto niyang ilabas ang lahat ng nakatagong sakit na tiniis niya ng ilang taon. Para siyang sinaksak ng paulit-ulit habang nakatingin kay Kisses na kumakanta kanina. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito pero ang nakaka-inis ay wala siyang magawa.
"Bakit ka nagsinungaling?"
Agad siyang napalingon sa likod.
Kisses...!
Kitang-kita niya ang lungkot at pait sa mukha nito. Habang nakatingin sa dalaga ay naroon na naman ang pagnanais niyang lapitan ito at yakapin ng mahigpit. Pero pinigilan niya ang sarili.
"What are you doing here?" Kalmadong tanong niya rito.
"Ang tanong ko ang sagutin mo!?" Galit na sabi nito sa kanya.
"I don't know what you're talking about Kisses. Mas mabuti pang bumalik na tayo doon, baka hinahanap na nila tayo." Aniya rito, sabay hawak sa braso nito.
Pero tinabig nito ang kamay niya.
"Stop lying to me Edward! Bakit hindi mo ako kayang deretsahin!? Bakit kailangan mo pang magpanggap na may amnesia ka para lang despatsahin ako!?" Puno ng poot na tanong nito sa kanya.
Dahil mahal kita...
Sabi ng isipan niya, pero nanatili lamang siyang nakatayo habang walang emosyong nakatingin sa dalaga."Pinanghawakan ko ang pangako mo Edward na babalikan mo ako. Umasa ako at naghintay ako sa iyo. Pero anong ginawa mo? Niloko mo lang ako!"
Dahil gusto kong protektahan ka...
"At alam mo kung ano ang mas matindi? Sa kabila ng lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko sa iyo, ay mahal pa rin kita!"
I know babe, i know. At araw-araw kong pinagdudusahan ang lahat ng sakit na idinulot ko sa iyo.
"I just want to hear the truth Edward. Kahit ano pa ang sabihin mo ay tatanggapin ko. Huwag mo lang sabihing nakalimutan mo na ako, dahil hinding-hindi ako maniniwala sayo!"
Awang-awa na siya sa dalaga, akmang magsasalita na sana siya ng makita niya sa may madilim na bahagi ng rooftop ang daddy ni Heaven. Bigla siyang kinabahan...
Kanina pa ba ito nandun? Narinig ba nito ang lahat ng mga sinabi ni Kisses?
***
Kisses's POV
Napansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Edward. Kanina habang nagsasalita siya ay nakita niyang unti-unting lumambot ang mukha nito. Pero ngayon ay mas malamig pa sa yelo ang Edward na kaharap niya.
"Do you really want to know the truth?" Anito habang nakatitig sa mga mata niya. Taas-noong sinalubong naman niya ang mga titig nito. Pero napaatras siya ng makita niyang lumakad ito palapit sa kanya. Isang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha nila ng magsalita ito.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfikce"I loved you once, love you still, always have and always will."