Kisses's POV
Naging successful ang pre-valentine event ng Kirsten Hotel. At hindi mangyayari iyon kung hindi dahil kay Joao. Hindi lang mga fans nito ang dinala nito sa hotel, kundi pati na rin mga koneksiyon nito sa business industry. May ilang lumapit sa kanya after and during the event na mga businessmen at nagpahayag ng interest na mag invest sa hotel.
Pagkatapos nun ay pareho na silang naging busy sa kani-kanilang mga trabaho. Pero hindi ito pumapalyang tumawag sa kanya at least three times a day at magpadala araw-araw ng kahit ano, minsan flowers, chocolates, hot coffee in the morning na may kalakip na sweet message, teddy bear, minsan ay nagpadala rin ito ng isang box ng mga vitamins at kung ano-ano pang heathy medicine.
Wala lang araw na hindi siya nito pinapatawa at sino-sopresa. Para tuloy siyang bumalik sa pagka teenager, ngumingiting mag-isa habang nagbabasa ng text, tumatawang mag-isa dahil sa mga kalokohang sinasabi nito. Perfect na ang lahat, puso na lang talaga niya ang hindi pa. Pero darating rin ang panahong matututunan rin niya itong mahalin.
***
Isang araw ay tinawagan siya nito at inimbitahang mag celebrate ng valentines sa Shangri la kasama nito. May mini reunion rin ang pamilya nito kinabukasan at gusto siya nitong ipakilala sa mga ito. Pero tinanggihan niya ang alok ni Joao, may importante kasi siyang meeting na dadaluhan sa mga araw na iyon. Nagpasalamat naman siya at naiintindihan siya nito. Sinabi rin ni Joao na ito na lamang ang pupunta ng Manila during valentines day para magkapag dinner sila. All is well kumbaga...
Habang nagpe-prepare ng presentation para sa meeting niya mamaya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Maymay.
"Ate Maymay!!!" Nagtitiling sagot niya rito. Ilang buwan rin kasi itong nagbakasyon sa Canada kasama ang fiancee nito na si Doc. Luis Hontiveros.
"Diyos ko naman Kisses! Nabasag yata ang eardrums ko sa lakas ng tili mo!" Reklamo nito.
Pero hindi niya ito pinansin.
"I missed you so much Ate May! Nasa Pilipinas naba kayo!? Nasan ka ba ngayon!? Nasa Manila ka na ba!? Puntahan kita diyan mamaya...!" excited na sabi niya rito.
"Isa-isa lang po, oo nasa Pilipinas na kami pero nasa Masbate kami ngayon. Next week na lang kita dadalawin diyan. Nagtampo kasi si Mama dahil sa tagal naming nagbakasyon sa Canada, kaya binantaan si Luis na hindi matutuloy ang kasal sa oras na hindi kami umuwi agad ng Masbate pagkalapag ng eroplano namin sa Manila." Natatawang paliwanag nito.
"Tsss! hindi mo man lang ako sinilip rito." Nagtatampong sabi niya sa kaibigan.
"Teka-teka, alam kung may tampororot ka sa akin. Pero makinig ka muna, may importante akong sasabihin sayo." Anito sa kanya.
"Hmp! Ano yun?" Walang interest na tanong niya rito.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"He's back Kisses..." nag-aalalang sabi nito sa kanya.
"Hmmm...?" Hindi niya nakuha agad ang sinabi nito.
"Edward is back Kisses...!" Ulit nito sa kanya.
"What.!?" Parang bombang sumabog sa utak niya ang ibinalita nito sa kanya.
Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib niya, umaasang mapapakalma ang malakas na tibok ng puso niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa cellphone, ramdam niya kasing nagsisimula ng manginig ng mga kamay niya.
Alam niyang darating ang panahong magkikita ulit sila ni Edward. But not this soon, kung kailan nagsisimula pa lang siyang kalimutan ito.
This is so unfair Edward...
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."