Chapter Twenty-Seven

865 56 21
                                    

Kisses's POV

"Oh, we have another request!" Excited na sabi ng host. "Hmmm, someone requested for Kisses. Where is Kisses!?" Nakangiting tanong nito.

Galing kay Joao ay takang napatingin siya sa host.

"She's here...!" narinig niyang sagot ni Heaven.

Lumipat ang tingin niya kay Heaven, nagtataka siya dahil nginitian siya nito ng walang halong pang-uuyam o kaplastikan. Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa host.

Nagpapasalamat siya dahil nakaiwas siya sa tanong ni Joao, pero kinakabahan naman siya sa posibleng ipagawa ng host sa kanya.

Sinenyasan siya ni Joao na umakyat ng stage. Nang hindi pa rin siya tumayo ay kinuha ni Joao ang kamay niya at inihatid siya stage. Kinilig naman ang mga taong naroroon sa kanila.

"Ayee! Ang ka date pala ni Sir J." Kinikilig na sabi ng host. "Ikaw siguro sir ang nag request ano? Pero teka, sino si Edward?" Nagtatakang tanong ng host.

"He's here...!" Nakangiting sagot ni Heaven.

"Muy guapo!" Kinikilig na sabi ng host ng makita si Edward. "Pwede ko po ba kayong ma imbitahang umakyat sa stage sir?" Tanong ng host kay Edward.

Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya.

Sino ba kasi ang sira-ulong nag-request?

Napatingin siya kay Joao. Ngumiti ito sa kanya, isang pilit na ngiti.
Hindi si Joao.

Si Heaven naman ang tiningnan niya.
Imposible, hinding-hindi ito gagawin ni Heaven. Imposible nga ba?

"May nag-request kasi sa inyong dalawa. Ang sabi rito si Edward daw ang mag pa-piano and si Kisses naman daw ang kakanta. Mukhang kilalang-kilala kayo ng nag-request ah. Pero nakakapagtaka lang dahil hindi naman kayo ang magka-date." Sabi ng host na biglang isinara ang bibig ng mapansin ang awkward niyang comment.

Gustong-gusto niyang batukan ang host. Mas lalo kasi nitong pinapalala ang sitwasyon. Awkward na nga sila, dinagdagan pa. Nang tingnan niya si Edward, ay kalmado lang itong nakatayo habang nakatingin sa host.

Paanong napaka kalmado lang nito? Tsk! Wala nga pala itong naalala. Hindi nga pala siya nito naaalala.
Nanlulumong sabi niya sa sarili ng mapagtanto niya ang dahilan kung bakit ito nanatiling kalmado.

"What i mean is that, kahit kayong dalawa ang mag pe-perform ay pwede niyo naman itong e-dedicate sa mga partners niyo, di ba?" Anito sabay pahid ng pawis nito sa noo.

"A-actually, it's okay kahit ako na lang. Marunong rin naman kasi akong mag--" ang sabi niya na agad pinutol ni Edward.

"It's okay..." maikling sabi ni Edward, na para bang wala itong choice kundi ang samahan siya sa stage.

"Alright! Wala ng problema." Masayang sagot ng host.

Nag-alala siya sa iniisip ni Joao. Nanatili lang kasi itong nakamasid sa kanya. Para na naman nitong binabasa ang isip niya. Kahit ng ngitian niya ito ay ganoon pa rin ang mukha ng binata.

Although kalmado lang siyang tingnan habang nakatayo sa stage, kabaliktaran naman ang nangyayari sa kaloob-looban niya.

"Gusto niyo bang kayo na lang ang pumili ng song or bunot na lang tayo ng song na ni-request ng mga guests."

"Bunot na lang..." sagot niya rito.

"Okay..." at bumunot na ito ng isa. "Ay, ano ba itong kantang ito! Parang broken hearted yata ang nag request."

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon