After six months...
Kisses's POV
"Precy..." tawag niya sa secretary niya using intercom.
"Yes, Miss K?" Sagot nito.
"In my office please..."
Ilang segundo lang ay nasa loob na ito ng opisina niya.
"Is everything ready for the valentines day event?"
"Yes Miss K, hmmm...except for one." Nag-aalalang sagot nito.
Napakunot ang noo niya, one week na lang kasi ay valentines day na. "Bakit? Anong problema?"
"Umurong po kasi yung singer na mag pe-perform sana sa event Miss K. Eh, halos naka-booked pa naman po lahat ng magagaling at sikat na singer for that day. Kung meron man po tayong makuha, eh yung hindi na po gaanong sikat at magaling." Anito na medyo nag-alala sa magiging reaksiyon niya.
"What!? Alam mong first event ito ng Kirsten Hotel Precy..." Aniya na pinipigilan ang sariling magalit rito. "Kailangan perfect ang event, hindi pwedeng kung sino na lang ang kunin natin."
"I know Miss K, sorry po talaga. Hindi ko nga po alam kung bakit bigla na lang pong nagbago ang isip niya eh." Anito sa kanya. "Another problem pa po pala Miss K, nakalagay na po sa mga ads ng event ang pangalan niya. Halos sold out na nga po ang lahat ng tickets eh dahil sa kanya. Marami rin pong nagtatanong kung magdaragdag pa raw po ba tayo ng tickets."
"Paanong ngayon ko lang nalaman ang lahat ng to? Do you have any idea kung gaano kalaking problema ito para sa image ng hotel?" Bahagyang sermon niya rito.
"Akala ko po kasi kaya kung e-handle ang problema Miss K. Ang dami na po kasi ninyong inaasikaso bago at pagkatapos magbukas ng hotel last month, halos hindi na nga po kayo nagpapahinga eh. Concerned lang naman po ako." Anito.
Huminga siya ng malalim. "Thank you for your concern Precy, pero pag tungkol na sa hotel, maliit man o malaki ang problema dapat ay ipinaaalam mo agad sa akin."
"Sorry po talaga, hindi na po mauulit Miss K." Hingi nito ng paumanhin.
Tinanguan niya ito.
"Kailangan natin siyang makumbinseng mag perform sa event. Do you have any idea kung bakit siya biglang umayaw?" Nagtatakang tanong niya sa sekretarya.
Umiling ito. "Ito nga po pala ang contact information niya Miss K." Anito, sabay abot sa kanya ng isang transparent folder. "Nandiyan rin po pati ang personal information niya just incase hindi pa po ninyo siya gaanong kilala." Alam kasi nitong hindi siya pamilyar sa showbiz and entertainment industry gaano man kasikat ang mga ito. Ewan ba niya, hindi nga lang talaga siguro niya hilig.
Binuksan niya ang folder, tumambad sa kanya ang picture ng taong pinag-uusapan nila. Kumunot ang noo niya, pamilyar kasi ang mukha ng nasa picture.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."