Edward's POV
Inihatid niya si Kisses sa airport pagkatapos nilang kumain ng agahan. Nasa Davao kasi ang daddy ni Heaven for a business meeting at bukas pa ang balik nito. Magandang pagkakataon iyon para sa kanila na halughugin ang buong bahay nila Heaven para hanapin ang totoong testamento ng lolo niya.
Wala silang sinayang na oras ni Heaven, pagkabalik niya galing airport ay pinuntahan agad nila ang ancestral house ng pamilya Peralejo na nasa Barili, Cebu.
Ti-nour siya ni Heaven sa loob ng bahay. Habang kunwari ay interesado siya sa mga lumang gamit na nasa loob ay pasimple siyang sinenyasan ng dalaga ng tumapat sila sa isang pinto na nasa may sulok ng bahay. Doon sila magkikita mamayang gabi pag nagtagumpay itong painumin ng pampatulog ang mga tauhan ng papa niya na nagbabantay sa loob at labas ng bahay. Kasabwat nito ang yaya at dalawa sa mapagkakatiwalaan nitong mga katulong.
Napansin niyang may device na nakakabit sa may gilid ng pinto. Mukhang may passcode yatang kailangan nilang ilagay roon para mabuksan ang pintuan. Nakita niyang nagulat rin ang dalaga ng mapansin nito ang device na nakakabit. May palagay siyang bago lamang iyon ikinabit ng ama ni Heaven kung ang pagbabasihan ay ang reaksiyon ng dalaga.
Pagkatapos ng hapunan ay nagpahangin muna sila garden. Bantay-sarado pa rin sila ng mga tauhan ng papa nito. Ilang minuto muna ang pinalipas nila bago sila pumasok sa kani-kanilang mga kwarto.
Tsinek muna niya ang buong kwarto, tiningnan kung may nakasabit ba or nakatagong CCTV kamera. Nang masiguradong wala ay agad niyang tinawagan si Heaven.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa passcode?" Tanong niya sa dalaga.
"Ngayon ko lang din iyo nakita. Pero may ideya ako kung ano ang passcode." Anito.
So, tama ang hinala niyang bago pa lang iyon ikinabit ni Benedict. Pero bakit? May ideya na kaya ito sa plano niyang paghalughog sa bahay nito para hanapin ang testamento?
"Okay, magkita na lamang tayo doon mamaya." Aniya rito.
***
Alas onse na ng gabi, kanina pa niya hinihintay ang go signal ni Heaven. Mayamaya ay nag ring ang cellphone niya, si Heaven, sinabi nito na tulog na ang mga tauhan ng daddy nito. Agad siyang bumangon at maingat na lumabas ng kwarto niya.
Nakita niya si Heaven na naghihintay sa kanya sa harap ng kwartong papasukin nila.
"Isang oras lamang ang pwede nating itagal sa loob. Kailangan nating mahanap agad ang testamento dahil mag-aalarm ang buong bahay sa oras na lumagpas tayo ng isang oras." Paliwanag ni Heaven.
"Okay" sagot niya sa dalaga.
Binuksan nito ang cover ng device para e-enter ang passcode.
"Kailan ang birthday ng mommy mo?" Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa screen ng device.
Kunot-noong napatingin siya kay Heaven.
"What!?"
"Alam kung naguguluhan ka, pero pangako, ipaliliwanag ko sayo ang lahat pagkatapos ng lahat ng ito." Anito.
Nagtataka man ay sinabi niya rito ang birthdate ng mommy niya.
Pareho silang nakahinga ng maluwag ng bumukas ang pintuan.
Nang buksan ni Heaven ang ilaw sa loob ay para siyang nanigas sa kinatatayuan.
"What the h*ll is this!?" Bulalas niya habang nakatingin sa mga dingding ng kwarto. "Bakit puro pictures ng mommy ko ang nakasabit sa mga dingding ng kwarto." Aniya kay Heaven na kitang-kiya niyang medyo natakot sa maging reaksiyon niya.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."