Chapter Six

1K 50 0
                                    

Kisses's POV

Tulala siya habang nakatayo sa mismong gate ng PBB University, hindi niya akalain na meron palang ganitong klaseng skwelahan sa Pilipinas.

Maganda ang architectural design ng building, parang palasyo ang dating

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maganda ang architectural design ng building, parang palasyo ang dating. Amazing din dahil may fountain pa ito sa gitna. At ang ganda ng pagkaka-landscape! May bermuda grass, mga puno at halaman na talagang pinag-isipang mabuti kung saan dapat ipupwesto.

Oh my gosh! Dito ba ako mag-aaral?

Sikat ang PBB University dahil wala itong pinipiling estado sa buhay, as long as maipasa mo lang ang entrance exam nila na talaga namang napakahirap, ay pasok ka na. Although may kamahalan ang PBBU, nagbibigay din naman sila ng full scholarship sa mga estudyanteng matatalino na hindi kayang magbayad. Kaya naman palaging nangunguna ito sa lahat ng mga school competition sa bansa and even abroad, dahil goal nila ang makapag-produce ng mga high quality graduates.

Isang Pilipino daw ang solong nagmamay-ari ng naturang skwelahan. Walang nakakakilala rito maliban na lang siguro sa mga taong may matataas na position sa PBB University.

Ang yaman at ang bait naman ng may-ari. Kaya siguro sobra din ang blessings na natatanggap nito.

Dinadagsa ang PBBU tuwing enrollment, pero lang iilan lang sa kanila ang nakakapasa. At isa na siya doon sa mga masu-swerteng nakapasok.

Nabigla siya ng biglang may kumalabit sa beywang niya. Nang tingnan niya kung sino.

"Ate Mayyy!!!" Masayang tili niya.

"Grabeh ka namang makatili, halos matanggal ang eardrums ko." Reklamo nito, pero nakangiti.

"Ikaw naman kasi, hindi mo sinabing natanggap ka na pala sa PBBU." Halos maiyak siya sa saya.

Isa si Maymay sa mga masuswerteng estudyante na nabigyan ng full scholarship. Medyo nagka-problema kasi during sa interview. Kaya hindi niya inaasahang pareho pala silang papasok sa eskwelahang ito.

"Ang saya ko ate May for you, you really deserved that scholarship dahil ang bait at ang talino mo. Hmmmp..."sabay yakap ng mahigpit rito na may kasama pang kiss.

"Aray Kisses, hindi ako makahinga. Yuck! may laway pa." Natatawang punas nito sa pisngi.

Tinawanan lang niya ito. Maya-maya ay sabay nilang tiningnan ang skwelahan.

"Ate May, ito na ang umpisa ng mga pangarap natin." Excited na sabi niya rito.

"Walang iwanan?." Tanong ni Maymay.

"Walang iwanan!". Nakangiting sagot niya.

"PBB University!!! here we come!!!..." sabay nilang sigaw at itinaas pa ang magkahawak nilang kamay.

At masaya na silang pumasok.

"Miss!...miss!" Tawag ng school security sa kanila.

Huminto sila at nilingon ang security.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon