Kisses's POV
"I love you..." bulong sa kanya ni Edward.
Natigilan siya sa narinig, iniisip kung tama ba ang narinig niya or guni-guni lang ba niya yun.
"I love you..." bulong ulit nito kanya, sabay yakap ng mahigpit.
Ipinikit niya ang mga mata at kinagat ang labi upang pigilan ang sariling mapaiyak ulit. Dapat ay maging masaya siya pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Parang mas lalong bumigat ang dibdib niya.
Tinanggal niya ang mga kamay nito sa beywang niya at hinarap ito.
"Hindi na ba kaya ng konsensiya mo? At kailangan mo pa talagang magsinungaling para lang pagaanin ang nararamdaman ko!?" Nasasaktang tanong niya rito.
***
Edward's POV"Do you really think sinasabi ko ito sayo dahil lang sa na ko-konsensiya ako?" Gusto niyang matawa at the same time ay magalit rito. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksiyon nito.
"Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?" Hindi makapaniwala niyang tanong rito.
Tumingala muna siya at huminga ng malalim, pinakakalma ang sarili. Pagkatapos ay seryoso itong tiningnan.
"Look, alam kung mahirap itong paniwalaan dahil sa mga nasabi at nagawa ko sa iyo. Pero hindi ako ang klase ng tao na mag a-i love you dahil lang sa nakokonsensiya ako." Aniya rito.
Pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito, ayaw pa rin nitong maniwala sa kanya.
Lumapit siya at ikinulong ang mukha nito sa mga kamay niya.
"I love you Kisses, matagal na. Maniwala ka man o sa hindi, nasa Germany pa lang ako ay mahal na kita. Lahat ng pictures mo ay naka-save sa laptop ko. Mas kina-kamusta pa nga kita kay Christian kaysa sa kanya. Walang araw na hindi ko tinitingnan ang mga social media accounts mo, umaasang wala sana akong makitang picture niyo ng boyfriend mo. Na sana hindi ka pa rin nag tsi-change ng status. Na sana hindi mo pa rin nakakalimutan ang ipinangako mo sa akin ten years ago." Aniya rito, umaasang sanay paniwalaan siya nito.
***
Kisses's POVTuluyan na siyang napaiyak sa narinig. Hindi gustong maniwala ng isip niya. Pero iba naman ang sinasabi ng puso niya.
"Oh baby, please don't cry?" Anito habang inaalis ang mga luha niya sa pisngi. "I'm sorry, hindi mo lang alam kung gaano kita gustong sundan ng araw na naabutan mo si Heaven sa apartment ko. Kung gaano ko gusto hilain ka palayo kay Marco tuwing magkasama kayo."
Nakatingin lang siya rito, mas piniling makinig kaysa magsalita. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi nito.
So, hindi lang pala ako nahihirapan at nasasaktan.
"Alam mo bang inubos ko pa rin ang ibinigay mong pancake kahit hindi ako sigurado kung pancake nga ba ang kinakain ko or scramble egg with a twist." Natatawang sabi nito.
Pinigilan niya ang sariling matawa, instead ay inirapan niya ito.
"Healthy version ng pancake yun, kaya huwag kang masyadong judgemental. Mostly sa mga healthy foods ay wala talagang masyadong lasa." Depensa niya.
Pero hindi niya mapigilang kiligin dahil kinain nito ang niluto niya.
"Baby, sunog o hilaw man ang ipakain mo sa akin araw-araw ay okay lang." Malambing nitong sabi sa kanya.
"Alam mo, hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinsulto, para mo na rin kasing sinabi na hindi talaga ako marunong magluto eh." Aniya na medyo na inis.
Nakangiting niyakap siya nito uli sa beywang.
"Babe, maganda ka na, sexy, sweet, mabait at matalino. Sapat na sa akin yun."
"Ah...ganun..."
Pinaghahampas niya ito.
Para na rin talaga nitong inamin na wala talaga siyang talent sa pagluluto."Hey, stop it." natatawang saway sa kanya ni Edward.
Pero patuloy pa rin siya sa pag hampas rito.
Ganun-ganun na lang yun? Hindi ba nito alam kung gaano niya pinangarap na ipagluto ito ng mga paborito nitong pagkain? Tapos...
"Sige ka, hahalikan kita!" banta nito.
Huminto siya agad, nabitin sa ere mga kamay niya, para siyang nagma-maniquen challenge.
Naaliw ito sa biglang paghinto niya.
Ibinaba nito ang mga kamay niya at hinawakan.***
Edward's POV"Kakausapin ko mamaya si Heaven." Seryoso niyang sabi rito.
May pag-aalala siyang nakita sa mga mata nito.
"Paano kung ayaw niya? Paano kung makumbinsi ka niyang huwag mo siyang hiwalayan?" Anito tsaka yumuko."Maganda siya at magaling magluto, baka mamaya magbago ang isip mo." Nakayuko pa rin ito.
Napangiti siya.
"Hey..." malambing niyang tawag rito.
Pero nakayuko pa rin ito. Hinawakan niya ang baba nito at tsaka itinaas upang humarap sa kanya. Tiningnan niya ito...Hindi niya alam kung saan nanggaling ang insecurity nito kay Heaven, aware kaya ito kung gaano ito ka ganda? Kung gaano ito ka buti to the point na minsan ay inaabuso na? Madami itong qualities na dapat nitong ipagmalaki, yet she remained humble.
"Don't worry, everything will be alright. Just trust me, okay?" At nginitian ito.
Huminga muna ito ng malalim bago tumango bilang sagot.
Hinalikan niya ito sa noo at tsaka niyakap.
Ginawa niya ang lahat para lumayo rito, pero hindi rin pala niya kaya. Alam niyang hindi magiging madali ang kakaharapin niyang problema. Pero mas okay ng siya ang mahirapan kaysa makita niya itong nasasaktan.
I never thought love was worth fighting for, but when i look into her eyes, i'm ready for war.
Kahit na ang kapalit ay ang posibleng pagkawala ng JB Holdings sa pamilya nila. Ang kumpanyang itinatag ng lolo niya at pinaghirapang palaguin ng daddy niya.
At ako pa ang magiging dahilan ng posibleng pagkawala nito sa pamilya namin.
to be continued...
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Hayran Kurgu"I loved you once, love you still, always have and always will."