Chapter Twenty-Six

659 52 3
                                    

Edward's POV

Pagkatapos ng hapunan ay umakyat muna sila ni Heaven para magbihis. Inimbitahan kasi sila ni Joao na dumalo sa Valentines Day event ng resort.

Pagkalabas ng kwarto niya ay inayos niya ang ilang butones ng polo niya. Napansin niyang lumabas na rin ng kwarto nito si Heaven, tapos na rin itong magbihis. Nang makita siya nitong nagbubutones ay lumapit ito sa kanya at tinulungan siya nitong ayusin ang damit niya.

"Stop it Heaven, hindi mo na kailangang gawin yan. Tayong dalawa lang ang andito." Aniya rito sa kalmadong boses.

"Lahat ng ginagawa ko sa iyo Edward walang halong pagpapanggap. May ibang tao man o wala. Nakatingin man si Kisses or hindi." Sagot nito sa kanya.

"Mas lalo mo lang sasaktan ang sarili mo pag natapos na ang lahat ng ito." Naaawa niyang payo rito.

"Maybe you're right."anito habang inaayos pa rin ang damit niya. "Isipin mo na lang na paunang bayad ko yun sa lahat ng ginawa ng daddy ko sa pamilya mo." Anito sa kanya. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito.

Hinawakan niya ang balikat nito at tiningnan sa mga mata.

"Wala kang kasalanan sa ginawa ng daddy mo sa pamilya ko, tandaan mo yan. At nagpapasalamat ako sa tulong mo, pero kung ang kapalit naman nun ay mas lalong kang masasaktan, mas mabuti pang gawin ko itong mag-isa. Hindi ko man masuklian ang pagmamahal mo sa akin, itinuring naman kitang isang mabuting kaibigan Heaven. Sana dumating ang panahong makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ka ng buo, iyong walang kaagaw. Kasi deserve mo yun." Seryosong sabi niya rito.

Napayuko ito habang inaalis ang mga luha sa pisngi nito. Pagkatapos ay tumingin sa kanya at pilit na ngumiti.

"Don't worry about me Edward. Noon pa man ay alam ko nang hindi ko kailanman mapapalitan si Kisses diyan sa puso mo at tanggap ko na iyon. Hayaan mo na lang sana akong alagaan ka hanggang sa matapos ito. Para naman kahit sandali ay maramdaman kong naging akin ka." Puno ng pait ang boses nito habang nagsasalita.

Niyakap niya ang dalaga.
"I'm sorry Heaven, i'm really, really sorry." Nahihirapang sabi niya sa dalaga.

"I'll be fine Edward...don't worry." Puno ng pang unawang sagot nito sa kanya.

"You deserve better than me Heaven, so much better than me." Aniya rito.

Kakawala na sana siya sa pagkakayakap kay Heaven ng bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kisses. Agad siyang napatingin rito, nakita niyang natigilan ito habang gulat na nakatingin sa kanila. Gusto sana niyang magpaliwanag rito para hindi ito mag-isip ng kung ano, pero naalala niya ang kasalukuyan nilang sitwasyon.

"K-kung tapos na kayo, bumaba na tayo. Naghihintay na si Joao sa sasakyan." Anito at nagpatiuna ng lumakad sa kanila.

***

Joao's POV

Kanina pa niya napapansing may ilangan sa pagitan nina Heaven, Edward at Kisses. Kung wala siguro ang daddy niya kanina habang kumakain sila, tiyak mahihirapan siyang magpatakbo ng usapan. Pansin kasi niyang parang umiiwas ang mga itong mag-usap. Hindi niya alam kung dahil ba sa matagal ang mga itong hindi nagkita o baka naman dahil sa pagkaka amnesia ni Edward.

Hanggang sa makarating sila venue ng event ay tahimik pa rin si Kisses. Habang sina Edward at Heaven ay nakikipag-usap sa kanya paminsan-minsan tungkol sa resort.

Maraming tao ang dumalo, so far ay successful naman ang event. Nang pumasok sila ay inanounce ng host ang pagdating nila, kaya naman nagsipalakpakan ang mga tao sa loob habang lumalakad sila patungo sa mesa na malapit sa stage, na inilaan talaga para sa kanilang apat.

Nasa kalagitnaan na ng programa ng mag request ang host ng isang kanta sa kanya.

"Sir J, may guest po na nag request kung pwede ba daw po kayong kumanta. Kahit isang kanta lang po, para naman po ma kompleto ang valentines day celebration." Nakangiting sabi ng baklang host na may hawak na papel kung saan nakasulat ang request ng guest.

Isa ito sa mga pakulo sa event, bawat guest ay pwedeng mag request ng mga songs na kakantahin ng kinuhang banda sa event. Pero kung may guest na gustong kumanta, ay okay lang din. Kanina nga ay may lalaking guest na nag propose sa stage, na tinanggap naman ng nobya nito.

Bigla tuloy siyang nainggit. Natawa na lang siya sa sarili niya. But deep inside ay umaasa siyang sana ay dumating din ang pagkakataong magawa din niya iyon kay Kisses.

Nang tumayo siya at umakyat ng stage ay nagsipalakpakan ang mga tao.

"Let us all welcome, Joao Constancia!" Sabi ng host sa kanya.

Nanghiram muna siya ng gitara, bago umupo sa stool na nakalagay sa gitna ng stage.

***

Kisses's POV

Nakangiti siya habang nakatingin kay Joao sa stage. Tsinek muna nito kung okay ang tunog ng gitara bago nagsimula. And as expected, sa kanya ito agad tumingin.

Napaka swerte niya dahil nagkagusto sa kanya ang isang gaya ni Joao Constancia. Kung natuturuan lang siguro ang puso, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa ngayon.

Kailanman – cover by Kaye Cal

🎶🎵🎸
Nasa’n na siya ngayon
Hinahanap mo’t ‘di mo alam
Lahat ng iyong gagawin
Nawala siya sa piling mo

🎶🎵🎸
Ang puso kong ito’y
Inaalay ko sa ‘yo lamang
Kaya’t ‘wag nang magdaramdam
Pag-ibig ko sa ‘yo’y nakalaan

Bigla siyang nakaramdam ng awa kay Joao, kahit kailan ay hindi siya nagduda sa pagmamahal nito sa kanya. Kung noon ay inisip niyang pwede nitong palitan si Edward sa puso niya, ngayon ay mukhang kailangan na niya itong kausapin. Ayaw niyang magmukha itong panakip-butas. Gusto niyang makahanap ito ng babaeng mamahalin ito ng walang reserba.

🎶🎵🎸
CHORUS
Kailanman ‘di kita masasaktan
Kahit na anong mangyari, tayo ay magmamahalan
At sa pagsapit ng dilim
‘Di mawawalay, pag-ibig ko ay tunay kailanman

🎶🎵🎸
Bakit ba ganito
Kung sino pa ang inibig mo
Yun pang nanloko sa ‘yo
Di na yata tama ito
At ‘di na magkakaganon
Kung ako ang pipiliin mo
Pangako ay di mabibigo
Ako ay iyung-iyo

Habang kumakanta si Joao ay hindi niya napigilang mapatingin kay Edward. Napansin niya ang mahigpit itong pag hawak sa baso, pagkatapos ay inisang inom ang lamang alak.

May mga pagkakataong nagtataka siya sa mga ikinikilos nito. Para kasing...

"Do you like the song?" Nakangiting tanong ni Joao sa kanya, nakabalik na pala ito sa upuan ng hindi niya namamalayan.

"Napakagaling mong kumanta Joao, kaya kahit anong kanta pa yan, tiyak na maganda pa ring pakinggan." Sagot niya rito.

"Hindi tungkol sa boses ko ang itinatanong ko Kisses, yung message ng kanta." Seryosong sabi nito sa kanya.

Natigilan siya sa sinabi nito at napatingin rito ng deretso.

Oh God! Ngayon na ba nito gustong marinig ang sagot niya?
Bigla siyang kinabahan at nanlamig.

Ano na ang gagawin niya ngayon...?

to be continued.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon