Kisses's POV
Tapos na siyang maligo ng lumabas ng kwarto. Nakasuot siya ng white t-shirt at pink na cotton pajama. Medyo umuulan kasi sa labas, kaya medyo giniginaw siya.
Nakita niyang may nakahain ng pagkain sa dining table at may flowers pa sa gitna. Agad niyang hinanap si Edward.
Nagulat siya ng bigla siya nitong niyakap mula sa likod.
"Pambawi sa ilang araw na palaging busy. You like it?" Malambing na tanong nito
"Yeah, thank you." Nakangiting sagot niya at hinawakan ang kamay nito na nasa beywang niya. Then, bigla siyang kumalas at hinarap ito.
"Akala mo siguro ay nalimutan ko na yung sinabi mo kanina ha.!" Sabay hampas rito.
Natatawang hinuli nito ang mga kamay niya.
"I'm sorry babe, alam kung hindi ka pa comfortable na pag-usapan ang mga ganoong bagay. Pero gusto ko kasi sanang ipaalala sayo na hindi robot ang boyfriend mo." Paliwanag nito.
Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito.
"Paano kung mainip ka sa kahihintay? Baka hanapin mo sa iba ang bagay na hindi ko pa pwedeng ibigay sayo." Nag-aalalang tanong niya.
Tiningnan siya nito sa mata bago sumagot.
"Your worth the wait babe." Puno ng pagmamahal nitong sagot sabay halik sa noo niya."Babe naman eh..." reklamo niya.
Nagtataka itong tumingin sa kanya.
"Magsabi ka nga ng totoo, may bad breath ba ako? "
Natawa ito ng makuha nito ang ibig niyang sabihin.
"Gutom lang yan babe, mawawala rin yan maya-maya." pang-aasar nito sa kanya at inalalayan siya nitong umupo na sa dining table.
"Kapal mo ha...?" aniya, pinigilan na lamang niya ang sariling patulan ang pang-aasar nito.
Masaya nilang pinagsaluhan ang niluto nitong brunch (breakfast/lunch). Nawala lahat ng tampo niya rito dahil sa ginawa nitong pag sorpresa sa kanya.
Natapos na nilang ligpitin at hugasan ang pinagkainan ng biglang bumuhos ang ulan ng malakas. Hindi na nila naituloy ang binabalak sanang pamamasyal.
Naupo na lamang sila sa pandalawahang sofa na nakaharap sa naka bukas na sliding door ng terrace nila. Kitang-kita nila ang pagbuhos ng malakas na ulan, medyo madilim na rin sa labas kahit tanghali pa naman.
Nakasandal ang ulo niya sa kanang balikat ni Edward habang nakaakbay naman ito sa kanya. Parehong nasa center table ang mga paa nila.
"Thank you..."aniya rito habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan.
"For what?" Tanong nito na nakatingin lang din sa labas.
"For this? For spending time with me. Kahit makasama lang kitang ganito ay masaya na ako." Sagot niya.
"Sayang naman, plano ko pa naman sanang kumain tayo sa labas for our first monthsary. Hmmm...perhaps a fine dinning at Lemuria?" Anito sa kanya na ikinasaya niya.
"Really!? Oh my gosh babe, i'm so excited." Masayang niyakap ang nobyo.
***
Edward's POV"Hmm...i've changed my mind." Aniya sabay akbay rito at tumingin sa labas. "Tama ka babe..." habang tinatapik ang balikat niya. "Kahit simple lang basta magkasama tayo. Kaya magluto na lang tayo rito sa apartment babe then maglagay tayo ng table ang chairs sa terrace. Bili rin tayo ng flowers, candle and wine para mas romantic. Mukhang mas exciting yun babe, what do you think?" Sabay tingin sa nobya na kanina ay super excited sa Lemuria.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fanfiction"I loved you once, love you still, always have and always will."