Chapter Fourteen

934 57 2
                                    

Please listen to the song above, before/after or while reading this Chapter...😉

Kisses's POV

Hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa. Napahawak siya ng mahigpit sa gitara. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Saya, dahil si Edward ang first kiss niya, kaba dahil baka madismaya ito sa kanya dahil hindi niya alam kung paano tugunan ang halik nito at inis dahil hindi man lang siya nakapag mouthwash.

Ibubuka na sana niya ang bibig para magsalita pero naging daan pa iyon upang mas lalong lumalim ang halik nito. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito sa loob ng bibig niya at the same time ay nagulat rin sa reaksiyon ng sariling katawan. Ang init ng pakiramdam niya kahit na ang lamig ng paligid dahil sa lakas ng ulan sa labas. Hindi rin niya alam kung bakit nagugustuhan niya ang paraan ng paghalik nito. Ramdam na rin niya ang unti-unting panghihina ng katawan niya.

Nang bigla itong huminto. "I'm sorry, hindi ko dapat ginawa yun."

"Hindi mo ba nagustuhan? Dahil ba hindi ko alam kung paano ka halikan?" Nag-aalalang tanong niya rito. 

"Oh please...don't get me wrong babe. I don't want to stop kissing you but i have to. Kung nangyaring  tumugon ka pa, i don't think kakayanin ko pang huminto." Paliwanag nito sa kanya.

Namula siya sa ibig sabihin nito at the same time ay nakahinga ng maluwag.

Maya-maya...
"Hmmm...can we do it again?" Pang-aasar niya rito.

Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya pagkatapos ay tumayo at nag walk out.

Tawa naman siya ng tawa sa reaksyon nito.

***
Foundation Day

Kisses's POV

Kasali siya sa search for Miss PBBU. Gusto sana siyang ipag backout ni Edward ng malaman nitong may swimsuit competition. Mabuti na lang at napilit niya ito, nakakahiya na rin kasing mag backout dahil pumayag na siyang maging representative ng college of accountancy hindi pa man naging sila ni Edward.

Nasa backstage na siya kasama ng ibang mga contestant. School uniform ang unang irarampa nila kasabay ng pagpapakilala nila sa sarili ang ng department na nire-represent nila.

Kanina pa siya sumisilip sa backstage, naroon na sina Maymay at kuya Christian niya pero wala pa rin si Edward. Maya-maya ay nagsimula na ang competition. Isa-isa na silang lumabas ng stage, naghiyawan ang mga audience.

Hindi iyon ang unang pagkakataong sumali siya ng pageant. Pero first time na humarap siya sa ganoon kalaking crowd, mala araneta rin kasi ang laki ng PBBU Covered court. Halos lahat na yata ng mga PBBU students ay naroon pati na rin  mga bisita. Nagsimula na siyang kabahan, gusto ng manginig ng tuhod niya.

Where is he?

Rumampa na siya papunta sa gitna para ipakilala ang sarili niya at kung ang department na nire-represent niya.

Ng nasa gitna na siya ng biglang siyang inatake  ng kaba, nanatili lamang siyang nakangiti. Na kung titingnan ay parang relax na relax lang siya pero kabaliktaran sa totoong nararamdaman niya.

Nang biglang may isang grupong sumigaw...

"K-I-SS-E-S go! go! go! Queen Kisses!" Cheer ng isang grupong nasa itaas, may hawak-hawak pang isang malaking tarpauline na may picture niya with a crown at may nakalagay na Queen Kisses Delavin.

Nakita niya si Edward sa gitna ng grupo, mukhang mga kaklase at kabarkada yata nito ang kasama. Nakatingin ito sa kanya habang nakangiti.

"I Love you Babe!!!" Sigaw nito sabay whistle.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon