Chapter Twenty-Nine

859 56 16
                                    

Edward's POV

"I did not expect to see you here, Benedict." Kalmadong sabi niya sa daddy ni Heaven.

"Bakit ba hindi mo pa rin ako kayang tawaging Daddy, Edward. To think malapit na kayong ikasal ng anak ko. Di ba dapat, ngayon pa lang ay sinasanay mo na ang sarili mong ituring ako bilang pangalawa mong ama?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Alam kong alam mo ang sagot sa tanong na yan." Makahulugan niyang sagot rito.

Bigla nawala ang ngiti nito.

"Hindi ko alam kung pareho tayo ng iniisip Edward. Pero sana, sa bawat desisyon na gagawin mo ay iniisip mo rin ang mga taong mahahalaga sa iyo. Mga taong gusto mo pang makasama ng matagal." Makahulugang sagot rin ng daddy ni Heaven. "At alam kung alam mo rin kung ano ang ibig kung sabihin." Nakangising sabi nito, pagkatapos ay galit na tumalikod sa kanya.

Naikuyom niya ng mahigpit ang mga kamay dahil sa pagpipigil niyang sundan ang daddy ni Heaven at suntukin. Kung siya lang ay kayang-kaya niyang harapin si Benedict Peralejo. Pero mahirap kung may mga taong posibleng mapahamak dahil sa mga desisyong gagawin niya. Lalo na ngayon at mukhang nakapag imbestiga na ito tungkol kay Kisses at sa pamilya ng dalaga.

Sana lang gumana ang plano nila ni Heaven, bago pa mahuli ang lahat.

***

Kisses's POV

Pagkabalik niya sa venue ay hindi niya nakita doon si Joao. Hindi rin daw ito nakita ni Heaven na bumalik pagkatapos itong lumabas kanina para sundan siya.

Lalabas sana siya upang hanapin ito ng dumating si Edward. Mukha itong wala sa mood dahil agad silang nitong niyayang umuwi. Nagtaka man ay sumunod na lamang sila ni Heaven sa binata na nauna ng lumabas.

Dahil wala si Joao, si Edward ang nagmaneho ng kotse pauwi.

Sa likod siya nakaupo habang magkatabi naman ang dalawa sa harap. Nag-aalala siya sa emosyong nakikita niya sa mukha ng binata, habang tinitingnan ito sa rearview mirror. Para kasi itong galit at may mabigat na iniisip.

Alin na lang sa dalawa, dahil ba sa naging pag-uusap nila o dahil kay Mr. Peralejo?

Napansin niya kasi kaninang bigla na lang itong naging alerto ng makita si Mr. Peralejo, kulang na lang ay itago siya sa likod ng binata. Mas lalo tuloy siyang naghinala tungkol sa totoong kalagayan nito. Para kasi itong mga itinatagong sikreto.

Habang nagmamaneho si Edward ay kitang-kita sa mukha ni Heaven ang labis na pag-aalala sa sugat ng binata na nasa gilid ng labi nito. Narinig pa niyang nagtanong si Heaven kung ano ang nangyari at nasaan si Joao, pero ng pareho silang hindi sumagot si Edward ay hindi na ito nagpumilit pa.

Hanggang sa makarating sila sa bahay nila Joao ay tahimik pa rin si Edward. Nang makapasok sila sa loob ay umakyat agad ito ng kwarto nito ng hindi man lang nagpaalam sa kanila. Habang si Heaven naman ay tinanguan lang siya pagkatapos ay sumunod na rin.

Kahit medyo pagod at inaantok ay hindi agad siya pumasok ng kwarto niya. Sinubukan muna niyang libutin ang loob at labas ng bahay upang hanapin si Joao. Nag-alala siya sa binata, alam niyang nasaktan niya ito ng sobra. Pero may bahagi rin sa puso niya ang gumaan dahil sa wakas ay nasabi na rin niya rito ang totoo. Ayaw niya itong paghintayin sa wala o gamiting panakip-butas.

Nang hindi niya ito mahagilap ay nagpasiya siyang e-check ang kwarto nito.

Nakailang katok na siya pero wala pa rin siyang narinig na sagot or di kaya ay ingay sa loob ng kwarto nito. Papasok na sana siya ng kwarto niya ng makita niya si Joao na nakayuko habang naglalakad palapit sa kanya. Mukhang hindi siya nito napansin dahil ng magtaas ito ng tingin ay nagulat ito nga makita siya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Malamig na tanong nito sa kanya.

"I want to talk to you..." nag-aalangang sagot niya rito habang nakatingin sa mga mata ng binata. "Uuwi na ako bukas ng gabi Joao at hindi ako matatahimik hangga't hindi kita nakakausap."

Umiwas ito ng tingin sa kanya.

"May kaibahan ba ang sasabihin mo ngayon sa sinabi mo kanina?" Sarkastikong tanong nito.

Hindi agad siya nakasagot sa tanong ng binata. Iniisip niya kung mapapagaan nga ba niya talaga ang kalooban nito sa sasabihin niya  o lalo lang niya itong masasaktan. Pero alam niyang malabo na ulit niya itong makausap pag pinalampas pa niya ang pagkakataong ito. Gusto lang niyang humingi ng tawad at magpasalamat sa lahat ng kabutihang ginawa ng binata sa kanya.

"I just want to say--" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla na lang itong tumalikod sa kanya.

"Don't walk away from me Joao, please. Pakinggan mo muna ako!" aniya rito habang hinahabol ang binata na nasa may hagdanan na at kasalukuyang bumababa.

"I'm not ready to talk to you Kisses!" Sagot nito.

"I know, pero alam kong pagkatapos nito ay tiyak na hindi ka na magpapakita pa sa akin. Gusto ko lang--"


"Not now Kisses!" sagot nito sa kanya habang patuloy sa pagbaba ng mabilis. Ramdam niya ang galit sa boses nito.

"Please give me a chance to explain Joao!" Aniya sabay hila sa braso nito, nasa ibaba na sila ng hagdanan.

"Explain what!!?" Galit na bulyaw sa kanya ng binata ng humarap ito sa kanya na bahagya niyang ikinaatras. Kahit takot ay sinalubong pa rin niya ang mga mata nitong galit na galit habang nakatingin sa kanya. "Ano ang gusto mong marinig ko Kisses!? Na sorry Joao, dahil hindi pala kita kayang mahalin!? Na kahit sinaktan at iniwan ka na ng gagong lalaking yun at ipinagpalit sa iba! ay mahal mo pa rin siya!?Ganun na lang ba yun!? Paano naman ako!? Tell me Kisses! Paano ako!!?"

Wala siyang mahagilap na sagot sa mga tanong nito ng hindi ito masasaktan.

"I-i'm sorr--"

"Hindi iyan ang gusto kung marinig!" Bulyaw ulit nito sa kanya.

Inis na napatingin siya sa binata. Alam niyang nasasaktan ito pero hindi man lang nito inisip na hindi rin madali ang sitwasyon niya. Na nasasaktan rin siya para rito. Na kahit pinili niya si Edward ay hindi rin naman siya magiging maligaya dahil ikakasal na ito sa iba. Gusto niyang maintindihan nito na ayaw niya itong matulad sa kanya na umasa ng matagal pero nabigo lang din sa huli. Gusto niya na habang maaga ay makahanap ito ng panibagong mamahalin at mamahalin rin ito ng mas sobra pa. Hindi matulad sa kanya na nakakulong sa pagmamahal niya kay Edward.

"At anong gusto mong marinig!!?" Napipikon niyang sagot kay Joao. "Ang magsinungaling ako!? na mahal din kita!? Na ikaw ang pinipili ko!?"

"Oo! At na hindi mo kakayanin pang mabuhay ng wala ako! Na mawala na ang lahat huwag lang ako. Dahil iyon ang nararamdaman ko sayo Kisses. Dahil ikaw ang buhay ko!!!"

Napaiyak siya sa mga sinabi ni Joao. Ramdam niya ang bigat at sakit na nararamdaman nito.

"Gusto kitang mahalin Joao, gustong-gusto. You have no idea how much i tried to forget him, just for you." Aniya rito habang umiiyak.

"Should i say thank you for trying to love me!?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Napatingala ito, ramdam niyang nagpipigil rin itong maiyak, pero hindi rin nito nagawa dahil ng tingnan siya nito ulit ay may mga namumuong luha na sa mga mata nito. "Alam mo ba kung gaano kasakit yun?" Puno ng hinanakit na tanong nito sa kanya, kasabay ng pagpatak ng mga luha nito. "Sana'y pinatay mo na lang ako Kisses, dahil iyon din naman ang katumbas ng mga salitang sinasabi mo sa akin ngayon." Anito, pagkatapos ay tinalikuran siya nito.

"S-saan ka pupunta Joao! Joaaao!?" Nag-aalalang tawag niya rito.

"To Hell!!!" Galit na sagot nito, sabay pasok sa kotse nito at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

Nanghihinang napa upo siya sa sahig habang impit na umiiyak.

I'm so sorry Joao...

to be continued...

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon