KISSWARD Update 💛

856 58 2
                                    

"Hindi pa ba bumabalik ang memorya ng pamangkin mo?" Boses ng isang lalaki, habang kausap ang nasa kabilang linya ng telepono. "Baka naman nakakaalala na pala yan, hindi mo lang napapansin. Pag pumalpak pa tayo rito, mahihirapan na tayong humanap ng ibang pagkakataon. Baka masayang lang ang ilang taon nating paghihintay ng dahil lang sa kapabayaan mo diyan." Paalala nito sa kausap.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Inis na sagot ng kausap nitong boses babae. "Kung bumalik man ang memorya niya di dapat ay ipinaalam na agad nun sa akin."

"Paano kung nakakahalata na pala yan sayo. Huwag mo siyang e-underestimate, matalino at matinik yang pamangkin mo. Baka ikaw na ang mina manmanan niyan." Babala ng lalaki sa babaing kausap na lalong nagpa-inis sa huli.

"Kung sana tinudas mo na ito agad! di sanay wala tayong problemang ganito ngayon." Galit na sagot nito pero hindi makapagsalita ng malakas dahil baka may makarinig.

"Sa taas ba naman ng bangin na kinahulugan ng kotse, walang sino man ang mag-aakalang mabubuhay pa siya. At akalain mo, nagawa pa niyang makalabas agad sa kotse ilang segundo bago ang pag sabog." Hindi makapaniwalang paliwanag nito. "Swerte lang talaga siguro siya ng araw na yun dahil may nakakita din agad sa kanya bago pa man siya maubusan ng dugo."

"Di sana sa ospital ay tinuluyan mo na siya!"

"Mahigpit ang security ng ospital na pinagdalhan sa kanya ng makilala kung sino siya. Magpa salamat na lamang tayo dahil pagkatapos ma coma ng dalawang taon ay nagka amnesia naman ito ng magising."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang babae sa dami ng swerteng dumarating sa sinasabing pamangkin niya.

Pasasaan ba at mauubos rin yang swerte mo!
Anito sa isipan.

"Huwag kang mag-alala, may mga nagmamanman sa kanya sa malayo. Kaunting maling kilos lang niya ay malalaman ko agad. Ang intindihin mo na lang ay ang pagsagawa agad ng plano natin. Bilis bilisan mo at hindi natin alam kung kailan babalik ang memorya nito! Gusto ko nang umalis sa bahay na to!" Naiinip na sabi ng babae.

"Kaunting panahon na lang, malapit ko na siyang makumbinseng bumalik ng Pilipinas. Once bumalik na ito ng Pilipinas ay madali na para akin ang pagsasagawa ng plano. Sa ngayon ay ayoko siyang madaliin dahil baka magtaka siya." Anang lalaki.

"Mabuti kung ganoon, dahil gustong gusto ko na ring bumalik ng Pilipinas. Mamamatay ako rito sa lamig." Sagot ng babae.

"Huwag kang mag-alala, dahil malapit na siyang bumalik ng Pilipinas." Puno ng kumpiyansang sagot ng lalaki habang makahulugang ngumiti.

Oras na hindi gumana ang plano ay wala siyang ibang pagpipilian kundi ang isagawa ang matagal na sanang natapos. Ang pagpatay rito!

**********************************************
Kisses's POV

"Edwarddd!!!" Sigaw niya sabay bangon sa higaan. Hindi niya maintindihan ang tindi ng kabang nararamdaman. Halos hirap na siyang huminga ng normal dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

Hindi niya maalala kung ano ang napanaginipan niya. Ang tanging naalala niya ay ang tindi ng takot na naramdaman niya sa panaginip, na hanggang magising siya ay hindi nawala. Kinuha ang basong may lamang tubig na nakalagay sa mesa katabi ng kama niya at uminom ng kaunti. Ilang minuto siya sa ganoong posisyon.

Nang medyo bumalik na sa normal ang tibok ng puso niya ay bumangon siya sa kama at isinuot ang robe na nasa gilid niya. Lumakad siya patungo sa veranda ng kwarto niya. Nang buksan ang sliding door ay sumalubong sa kanya ang malamig na hangin na galing sa dagat. Pinagmasdan niya ang magandang view ng Shangri-La, kahit mag-uumaga na ay marami pa ring mga taong ang nagkakasiyahan sa ibaba.

Inilipat niya ang mga mata sa mapayapang dagat na nasa harap niya. Napapikit siya habang nina-namnam ang malamig na hanging humahaplos sa katawan niya. Nilalaro naman ng hangin ang mahaba niyang buhok na hindi niya nilagyan ng tali.

"Kisses...!"

Bigla siyang napadilat, although parati na niyang naririnig ang boses ni Edward habang tinatawag ang pangalan niya ay hindi pa rin siya nasasanay. Tumatayo pa rin ang mga balahibo niya tuwing naririnig niya ang boses nito.

Akala niya noon ay guni-guni lamang niya iyon. Pero habang tumutagal ay unti-unti na rin siyang nakukumbinsing hindi ito simpleng guni-guni lamang. Pero ayaw niyang ipaalam sa pamilya niya o kay Maymay ang naririnig niya. Baka isipin pa ng mga ito na nababaliw na siya. Kung hindi lang niya nakikita sa TV sa Edward na nakangiti at kung titingnan ay parang okay naman, ay iisipin talaga niyang napahamak na ito. Iba kasi ang dating sa kanya tuwing naririnig niyang tinatawag siya nito, parang kasi itong humihingi ng tulong.

Huminga siya ng malalim at mapait na ngumiti.

Ano ba ang ipinag-aalala niya? Ikakasal na nga ito di ba? Siguradong masaya ito ngayon at malayo sa iniisip niyang baka may masamang nangyari rito.

Biglang nanikip ang dibdib niya ng maalala ang pagpapakasal nito kay Heaven.

Sometimes it's easier to pretend that you don't care, than to admit it's killing you...
Aniya sa sarili sabay patak ng mga luha niya sa pisngi.

Hanggang kailan ba ako iiyak ng dahil sayo! Pagod na ako Edward! pagod na pagod na ang puso ko!

to be continued...

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon