"I have already confirmed, your flight to Philippines, sir. Is there anything else you need?" Tanong secretary niya."Nothing, you can go now" sagot niya rito, habang pinag-aaralan ang mga papeles na nasa mesa niya.
"Alright sir." sagot naman nito at tsaka lumabas.
Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay inilapag niya sa mesa ang hawak na papeles at tsaka tumayo. Lumakad patungo sa bintana ng opisina niya at pinagmasdan magandang view sa labas
It's been three years, ten months, 3 weeks and 5 days since umalis siya ng Pilipinas. Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya sa kabila ng kaliwa't kanang problemang kinakaharap niya.
Natigil siya sa pag-iisip ng may biglang tumawag sa cellphone niya. Nang matingnan kung sino ang tumatawag ay bigla siyang kinabahan. Long distance call iyon galing Pilipinas.
"Yes..." aniya sa tumatawag.
"Positive Mr. Barber! fake ang last will na binasa ni Atty. Sebastian sa inyo, three years ago." balita sa kanya ng detective na inutusan niyang mag-imbestiga.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"May impormasiyon ka na ba kung nasaan ang totoong last will ni Grandpa?" Tanong niya rito, pilit na itinatago ang galit na nararamdaman dahil sa narinig na impormasiyon.
"Hindi pa kumpirmado, pero palagay ko, ay sa ancestral house ng mga Peralejo iyon itinago ni Benedict Peralejo. Na check na kasi namin lahat ng pwede nitong pagtaguan, pwera doon. Nakakapagtaka rin, dahil biglang hinigpitan ni Mr. Peralejo ang security ng ancestral house nito one week bago basahin ni Atty. Sebastian ang last will."
I knew it!
Ipinagkasundo kasi noon ng lolo niya ang daddy niya sa anak ng kaibigan nito at tinakot na aalisan ng mana sa oras na sumuway ito.
Kasalukuyang magkasintahan noon ang mga magulang niya, hindi iyon pinaboran ng lolo niya dahil galing lamang sa isang simpleng pamilya sa Pilipinas ang mommy niya.
Pero ipinaglaban ng daddy niya ang pag-ibig nito sa mommy niya. Itinakwil ito ng lolo niya, kaya napadpad sila sa Masbate.
Sampung taon siya noon ng bumalik sila ng Germany. Nagkasakit kasi ang lolo niya at ipinahanap sila. Humingi ito ng tawad sa mga magulang niya na pinatawad naman ng mga ito.
Kahit na first time pa lang nilang magkitang mag-lolo, naging close agad sila sa isa't-isa. Anito ay mas nagmana raw siya rito kaysa sa daddy niya.
Bago ito namatay ay paulit-ulit nitong sinasabi sa kanyang hindi na nito uulitin ang pagkakamaling ginawa nito sa daddy niya. Na malaya siyang mahalin at pakasalan ang babaeng gusto niya.
Kaya naman, nagulat silang lahat ng basahin sa kanila ni Atty. Sebastian ang last will ng matanda, na nagsasabing makukuha lamang niya ang mana niya sa kumpanya, kapag pinakasalan niya ang apo ng matalik nitong kaibigang si Henry Peralejo, na si Heaven Peralejo.
Sa oras na hindi niya magawa ang nakasaad sa testamento ay awtomatikong ibebenta ang shares niya, at hindi pwedeng bilhin iyon ng mga magulang niya.
JB Holdings is a steel maker company, top 3 ito sa steel industry world wide. Kaya naman hindi malabong maibebenta agad ang share niya sa oras na mailabas na ito sa market.
Si Benedict Peralejo (Heaven's father), ay may currently 15% shares sa kumpanya at isa sa mga interesadong bumili ng shares niya kapag ibinenta. Pagnagkataon ay paniguradong matatanggal ang daddy niya sa posisyon bilang CEO, dahil mas malaki ang shares niya kesa sa ama. Kahit saang anggulo tingnan, pakasalan man niya si Heaven o hindi ay magkakaroon pa rin ito ng pagkakataong makakuha ng malaking shares sa kumpanya nila.
Ayaw na sana niyang maghinala sa ama ni Heaven. Pero naikwento noon ng daddy niya sa kanya, bago ito maaksidente at ma comatose, na may kutob itong peke ang last will na ipinakita ni Atty. Sebastian sa kanila. Sinabi ng daddy niyang kasalukuyan nitong pina-iimbestigahan sina Benedict Peralejo at si Atty. Sebastian at pinayuhan siyang huwag na munang bumalik ng Germany.
Pero hindi niya inasahang dahil sa imbestigasiyong iyon ay malalagay sa peligro ang buhay ng ama niya. Bago lang din niya nalamang, matagal na pa lang patay ang detective na inupahan ng daddy niya noon, tatlong araw pagkatapos maaksidente ng ama niya. Siya rin, ay muntikan ng mapahamak. Nakakalungkot lang dahil hindi nakaligtas ang driver na kasama niya.
Dalawang taon siyang comatose. Isang malaking himala ang nangyari, dahil nagawa pa niyang magising ng walang pinsala sa katawan.
Hindi pa siya sigurado kung sino talaga ang tunay na kalaban nila, kaya naman nagkunwari siyang may amnesia. Mas makakapag-imbestiga kasi siya, kung mapapaniwala niya ang mga taong nakapaligid sa kanya na walang siyang naaalala, except his mom and dad.
Kailangan niyang mag ingat. Dalawang tao na ang namatay. Swerte lamang at nakaligtas sila ng daddy niya. Hindi siya pwedeng basta na lang mag sumbong sa mga awtoridad, dahil hindi pa niya alam kung hanggang saan at kung gaano kalawak ang koneksiyon ni Benedict Peralejo.
Kailangan na niyang kumilos, alam niyang may binabalak ang ama ni Heaven. Kung ano man iyon ay dapat maunahan niya ito. Wala na siyang sapat na oras, kailangan na talaga niyang bumalik ng Pilipinas.
Natigil siya sa pag-iisip ng biglang may pangalang sumagi sa isip niya.
Kisses...
Napapikit siya ng maalala ang dalaga. Wala yatang oras na hindi ito laman ng isip niya.
Labag man sa loob, ay kinailangan niya itong layuan. Ayaw niya itong madamay sa problema ng pamilya niya. Alam niyang labis itong masasaktan, pero gusto lamang niya itong protektahan.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig at napasandal sa pader. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan para danasin ang ganito ka bigat na mga problema. Maraming beses na siyang dumating sa puntong, parang gusto na niyang sumuko. Pero sa tuwing panghihinaan siya ng loob, mga mukha ng magulang naman niya ang bigla niyang maiisip. At si Kisses...
Napayuko siya at hindi napigilang mapa-iyak. Hirap na hirap na rin kasi siya. Mahirap lumabang nag-iisa. Pero wala siyang karapatang sumuko, kaligtasan ng mga mahal sa buhay niya ang nakasalalay.
If only you were here Kisses...
If only you were here with me...to be continued.
BINABASA MO ANG
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETED
Fiksi Penggemar"I loved you once, love you still, always have and always will."